Rapunzel 3 months after After three months ay mas lalong naging maselan ang pagbubuntis ni Gabriela, kaya alging nasa mansion si Liam para ipagluto ito. Si Rapunzel ay 24 hours ng nakabantay kay Gabriela lalo pa at kung wala si Liam minsan sa mansion pag may biglaan itong meeting sa kumpanya. Lalo na ngayon na bed rest na lang ito at hindi puwedeng gumalaw. Maging sa pag-ihi o pagbabawas ay doon na din sa higaan nito, kaya medyo hirap si Rapunzel at Liam. Ayaw din naman nilang magpatulong sa ibang katulong dahil baka may gawin na hindi maganda kay Gabriela. Ang tanging pinagkakatiwalaan ni Liam ay si Rapunzel lang dahil hindi naman ito maselan lalo pa at ito ang madalas na naglilinis sa tuwing kailangan umihi o dumumi ni Gabriela. Pagod na umupo si Rapunzel sa upuan na bahagyang malayo

