NAKATINGIN lang sa kaniya si Haven habang hinihintay si Esang sa nais nitong sabihin sa kaniya. Hindi alam ni Haven kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon lalo na at nakikita niya ang pagkagulo ni Esang sa mga mata nito. Pero kung anoman ang sasabihin sa kaniya ng babae ay malugod niya iyong tatanggapin, ngunit hiling niya ay sana walang magbago sa pagkakaibigan nila ni Esang. “Esang? Anong sasabihin mo sa akin?” pukaw niyang muli rito nang hindi pa rin ito nagsasalita. Yumuko si Esang saka huminga nang malalim. Rinig na rinig niya ang malakas na t***k ng kaniyang puso sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya ang kaniyang sasabihin kay Haven o hindi. Pero wala nang pagkakataon sa susunod na mga araw, ito na ang tamamg araw na sabihin niya ang gusto niyang sa

