HINDI na makapaghintay pa si Esang na dumating ang hapon. Napansin na ni Diane ang panay niyang pagtingin sa kaniyang suot na relo. Panay na rin tuloy ang natatanggap niyang tukso rito. Hindi niya alam kung bakit na ganoon na lamang ang pagiging fan girl ng kaibigan niya sa kanilang dalawa ni Haven. Kung makapilit talaga ito sa kaniya na sagutin na niya ang lalaki ay wagas. Kung minsan ay naiinis na siya rito, pero hindi na lamang niya iyon pinapahalata sa kaibigan. Saka tanggap naman niya kung ano ang ugali nito, kaya hindi na siya nagtataka pa roon. Sino ba naman siya para pagalitan ang kaibigan? Nagbibigay lang naman ito ng suporta sa kaniya. “Ano day? Excited ka masyado para mamaya. Halatang-halata ka day.” Komento pa nito nang palipat na sila sa next class. Last period na iyon kaya

