Teddy’s life changed when she turned eleven.
Malinaw pa sa alaala niya ang mga pangyayari.
Kakagising lang ni Teddy nuon at pababa papuntang kitchen nang matanawan siya ng kapatid.
“There you are, sleepyhead. Finally. Come, join us,” tawag ni Tiana sa bunso.
At once, Teddy felt that something was up. Despite the fact na dainty ang Ate Tiana niya, this doesn’t mean malumanay ang boses nito. As a matter of fact, madalas nga siya masabihan ng mama nila na kumalma dahil palagi na lang itong hyper. Parang laging nagmamadali. Parang laging may hinahabol.
But she didn’t sound like this when she called Teddy over. Mahina ang boses nito. Kalmado.
Parang ayaw niyang gulatin si Teddy. Kahit na tanghali na ito bumangon at halatang siya na lang ang hinihintay.
“Who’s here?” mabilis na tanong ni Teddy, habang nagkakamot ng mata at dahan-dahang bumababa ng hagdan.
“Tito Ed, Tita Raine, Uno,” sagot ni Tiana mula sa paanan ng hagdanan.
“May brunch ba tayo?” Walang naaalala si Teddy na bilin ng nanay nila na dadating ang mga Cruzes sa bahay nila ngayon.
“Wala. Biglaan lang. If you wake up earlier kasi, you’ll know things as they happen.” Umikot ang mga mata ni Tiana sa kapatid.
“They arrived kanina. May dalang food din. Nag-usap sila sa kitchen while prepping breakfast. So let’s go. We’re hungry. I was just about to go wake you up,” dagdag pa nito.
“Sungit,” hirit ni Teddy habang papasok sa dining room.
Something’s off.
Nararamdaman ni Teddy na may something ngayon. Madalas, maingay ang dining room pag andito ang Cruz Family. Magkakaibigan na ang mga magulang nila Uno at Teddy bago pa man sila magpakasal at magkaroon ng mga anak and through the years, lalo lang lumakas ang pagiging malapit nilang apat. Pati nga ang kanilang mga anak ay malapit sa isa’t isa.
“Who died?” tanong ni Teddy habang paupo sa dining table.
“Sofia Isabel!” napataas ng boses si Ann. Her daughter has always been fiesty pero habang tumatanda ito eh lumulupit rin ang sarcasm nito sa katawan.
“What? Everyone’s weird. It’s too quiet. Sorry for thinking someone died,” sagot nito. Minsan, ‘di mapigilan maisip ni Ann na dala ng katalinuhan ng anak nila ang pagsagot nito na parang hindi bata.
Napalingon ang lahat nang makarinig ng mahinang tawa. “Juan Antonio,” saway ni Raine. Syempre, ang best friend lang nito ang paniguradong matatawa sa mga sarcastic na hirit ni Teddy.
“Sorry, Mom,” mabait na sagot nito.
“Let’s eat? We’ve been working hard on breakfast. Let’s get to it?” imbita ni Raine. Sanay na siyang maging peacemaker.
“Let’s have breakfast first, sweetie, then we’ll share some updates, ok?” mahinahong paliwanag ni Johnny sa anak. Alam niyang ‘di matatahimik ang anak hanggang ‘di siya nakakakuha ng kasagutan.
“Fine, I guess.” Mukhang hindi kumbinsido si Teddy pero alam niya na answers would have to wait. At least until after dinner, ika nga ng papa niya. “Tito Ed, ikaw po gumawa ng pancakes, no? This looks like your specialty eh. They look delicious po,” dagdag niya pa. Laking pasalamat na lang si Ann na pagdating sa mga kaibigan nila ay ‘di pa rin nakakalimot sa manners niya itong si Teddy.
Everyone knows that this is her way of saying sorry without really saying sorry.
“Yeah? That’s what fourteen years of experience will do to you,” sagot ni Edward.
“Ok, enough talking. Lumalamig na ang pagkain,” hirit ni Ann sabay pasa ng mga serving plates para magsimula na kumain ang mga tao. ‘Pag hindi pa pipilitin, wala pang magsisimulang kumain.
Pagkatapos ng brunch ng mga Ortegas at Cruzes ay tinaboy na ng mga magulang ang mga bata palabas ng dining room. Si Tiana ay sinundo ng kaibigan dahil may dance classes ito kada weekend.
“Sarap ng hangin sa garden ngayon, ‘di masyado mainit. Gusto mo tumambay muna don?” tanong ni Uno habang pareho silang kumakain ng hawak nilang Melona.
Tumango si Teddy. “Ok,” simple niyang sagot.
Pagdating nila sa backyard ay dumiretso agad si Teddy sa rattan sofa sa may back porch at naupo dito. Napakiling ng leeg ang bata nang mapansin na ‘di naupo si Uno sa tabi niya—isang bagay na halos automatic na sa dalawa—at imbes ay naglakad pabalik-balik sa harap ni Teddy.
Hindi agad nagsalita ang nagdadalagang babae. Hinihintay niyang sabihin sa kanya ni Uno bakit kakaiba ang kilos niya ngayong araw na ito. Ngunit nung napansin niyang tila walang balak ang binata na magsalita, naisipan ni Teddy na harapin na ang sitwasyon.
“Napansin mo ba na ang weird nila Mama kanina? Sobrang tahimik nila. Wala naman daw namatay. Labo nila, no?” hirit ni Teddy. Alam ni Teddy na alam ni Uno ang pinupunto niya. Natawa pa nga ito kanina eh.
Pero imbes na matawa uli si Uno, napakamot lang ‘to ng ulo.
“Uno, alam mo ba what’s going on? Nag-usap na ba kayo kanina while I was asleep? Ok, fine. Ate Tiana is right. If sleeping in late means I’ll keep missing family updates, then I’ll wake up early from now on para I catch the news.”
Napatigil si Uno sa paglalakad. “Teddy, kasi…”
Hindi na natutuwa si Teddy sa ikinikilos ng kaibigan. Halatang may alam ito na hindi niya ibinabahagi sa kanya. “Ano na kasi? Please share, Uno. Please?”
“Kasi…” simula ng kaibigan ngunit di na naman tinapos ang pangungusap niya.
“Uno, please! Can you just tell me? Is my Mama sick? My Papa? Ate Tiana? Tita—” Nagsimula na mag-roll call ang bata dahil ‘di na niya kaya tiisin ang nabubuong takot sa puso niya. Diba ganto nalalaman ng mga bata sa pelikula pag may matinding sakit ang kanilang magulang? Mayroon bang may sakit sa pamilya niya? Sa pamilya ni Uno?
Lalo pang tumindi ang hinala ni Teddy nang biglang naupo sa tabi niya ang kaibigan. “Teddy Girl, I have something to tell you,” simula nito.
Tumango si Teddy. “Ok. Ano yon? Ano na? Kanina ko pa napapansin that everyone is acting weird. Why are you all this way?” inip na hirit niya.
“We’re here so suddenly kasi Mom and Dad shared some good news with Tito Johnny and Tita Ann. My dad got promoted,” dali-daling pagbabahagi ni Uno sa kaibigan. Nakikita na niyang nakakunot ang noo nito, a sure sign na malapit na niya maabot ang dulo ng kanyang pisi.
“Wow! Congratulations! What’s a promotion?” hirit ni Teddy. She has a concept of the word, don’t get her wrong. Pero hindi pa naman siya nagta-trabaho, kaya di siya sigurado kung gaano ka-good news ang ma-promote.
Kumibit-balikat si Uno. “‘Di rin ako super sure. Basta Daddy said that he’ll have more responsibilities and more opportunities. Saka sabi niya, we will have din daw.”
“We?” tanong ni Teddy. “Kasali ako?”
Napatawa si Uno bago umiling. “We. Mommy and me too.”
“Oh.” ‘Di alam ni Teddy kung ano ang ibig sabihin no’n. “Congratulations?” dagdag niya. ‘Di pa nga kasi siya nag-tatrabaho kaya di niya alam. At ‘di naman nagkukwentuhan ang Mama at Papa niya tungkol sa promotions kaya di niya alam kung alam ba nila yon.
“So… actually… may opportunity na daw kami ngayon,” dagdag ni Uno.
“Oh. Ano yon?” tanong ni Teddy. Baka pagkatapos ibahagi ni Uno kung anong opportunity ang kasama sila, maintindihan na rin ito ni Teddy.
“Sabi ni Daddy, yung promotion niya is for their head office. Don’t ask me na what that means. ‘Di ko rin alam.” Inunahan na ni Uno ang kaibigan dahil nakikita na niya sa mukha nito na magtatanong na siya.
“Ok, fine. So head office. Tapos?”
“The head office is in the US.” Nakatuon ang lahat ng atensyon ni Uno sa magiging reaksyon ni Teddy.
“Ok. Tapos?”
“Teddy, I’m not sure you understand. This means titira kami sa States. Kami, si Daddy, Mommy, and me, we’re going to the States,” dagdag na paliwanag ni Uno.
“Ha? Mag-aabsent ka sa first day of school? Gano katagal kayo sa States?” ‘Di pa rin lubos na naiintindihan ni Teddy ang sinasabi ni Uno. Sinasabi niya ba na magbabakasyon sila sa US? So ‘di sila magkakasama ngayong bakasyon. Of course, naghiwalay naman na ang dalawa bago ang araw na to. Minsan naman nagbabakasyon sila Uno sa ibang lugar. Kung ‘di man sila, sina Teddy naman. Minsan pareho silang nangingibang bansa o ‘di kaya, naga-out of town sila ‘pag may mahabang bakasyon sila.
Ngunit palagi rin silang bumabalik sa kanilang mga magkatabing tahanan at sa isa’t isa. They may not see each other for a week or two, heck, even a month, but never longer than that.
“‘Di na ako babalik sa school natin, Teddy. Lilipat na rin ako ng school. Sa States na muna kami titira.”
Biglang nanglaki ang mga mata ni Teddy. Sa wakas, naiintindihan na niya ang sinasabi sa kanya ni Uno. “Aalis kayo? You guys are not coming back?”
“Sabi ni Mom if pwede daw, we’ll come back for vacation. Pag mahaba daw yung time. Pero sabi niya kasi it’s good rin to stay there kasi diba andon rin my other titos and titas? And my lolo lives in the States too. Sabi ni Mom she wants me to get to know my cousins more. They’re all in the US. And she wants us to spend quality time with lolo ‘cause he’s not getting younger daw. Kami lang nila Dad ang andito sa Philippines.” Hindi inalis ni Uno ang tingin sa kaibigan sa kahabaan ng sinabi niya. Sa kadahilanang di niya maintindihan, importante kay Uno malaman kung paano kikilos si Teddy sa balita.
“Ha?” Nagsimula nang mangilid ang luha sa mata ni Teddy. Unti-unti nang nagsi-sink in ang sinasabi ng matalik na kaibigan. Binuka niya ang bibig niya para magsalita, pero walang lumalabas, wala siyang maisip sabihin na akma para sa pagkakataon.
“Teddy, you ok?” tanong ni Uno.
“You’re leaving? The Philippines?” Me?
‘Di malaman ni Uno ang isasagot. He has never found himself in this position before. Wala siyang maisip sabihin sa matalik na kaibigan na ‘di makakasakit sa kanya.
Dahil alam niyang nasasaktan si Teddy sa balita. Kitang kita niya ito sa mukha ng kaibigan.
“Akala ko ba sabi mo you’re my bodyguard? Who’s going to watch out for me if you leave?” ‘Di na nakapagpigil ang dalagita at tuluyan nang tumulo ang luha sa pisngi. Dali-dali niya itong pinahid gamit ang likod ng kanyang kamay. For all her talk about Uno taking care of her, Teddy actually has a strong enough personality na ayaw niyang iaasa sa iba ang kapakanan niya. She likes being independent. Besides, yun ang turo sa kanya ng Mama at Papa niya.
But that doesn’t mean na she doesn’t appreciate having her best friend around her.
“Teddy Girl, please. I don’t know what to do. Of course I want to stay by your side but you know I can’t be away from Mom and Dad. Malulungkot sila pag hindi ako sumama sa kanila. Please understand,” pakiusap ng binata.
“I know that!” Halos mapasigaw na sa pagsagot si Teddy. “Of course I don’t want you to be away from Tito and Tita. But you promised!” Maintindihing bata si Teddy ngunit dahil sa ‘di maunawaan ng puso ang nararamdaman niya, ‘di niya mapigilan ang pumiglas, kahit na nag-aasta siyang spoiled sa paningin ng kaibigan. “You promised you’ll always be with me and now you’re breaking that promise!”
Agad na lumapit si Uno sa dalagita. Fourteen years old na si Uno, binata na. Natututunan na niya ang iba-ibang uri ng relasyon na namamagitan sa isang lalaki at isang babae. Nagsisimula na siyang makapansin sa mga ibang dalaga sa kanilang paaralan, sa mga kaibigan ng mga kaibigan niyang madalas ipakilala sa kanya.
In all that time, hindi naiba ang tingin ni Uno kay Teddy. Ngunit ngayon, habang nakatakip ang dalawang maliliit na kamay sa mas lalong maliit na mukha ni Teddy, hindi mapaliwanag ni Uno ang pighating nararamdaman. Hindi lang dahil sa ‘di niya alam kung paano mabuhay ng wala ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang tabi ngunit dahil rin sa ‘di niya kaya makita ang kaibigan na umiiyak.
Lalong-lalo na kung siya ang dahilan ng pag-iyak nito.
Lumapit si Uno kay Teddy at binalot sa kanyang yakap ang kaibigan. Biglang sumingit sa kanyang isipan na hindi na baby ang best friend niya. Kailan pa siya nagsimulang mag-iba? “I’m really sorry, Teddy. We can still be friends kahit nasa States nako. We can still talk. There’s so many ways for us to keep in touch. I’m sure Mom will let me talk to you using FaceTime or IG or t****k. We’ll make it work, you’ll see. Tayo pa? With our brains, what can’t we do, diba? Trust me, tayo pa?” Pinikit niya ang mga mata dahil nararamdaman na niyang tutulo na rin ang sarili niyang mga luha.
Hindi malaman ni Uno sino ang kinukumbinse niya. Si Teddy ba? O sarili niya?
Pero hindi sumagot si Teddy sa sinabi niya. Kakayanin ba talaga nila maging magkaibigan kahit na magkalayo na sila sa isa’t isa?