ONE: Uno

1813 Words
Uno “Uno, anak, where are you going? We’ll be late!” Pero wala nang nagawa si Raine nang bigla na lang hilahin ng kanyang anak ang sariling kamay at dali-daling tumakbo pabalik sa kwarto nito. Si Uno, ang nag-iisang produkto ng pag-iibigan nila ng asawa niyang si Edward, ay three years old. Walang araw na di nagpasalamat si Raine na ang anak nila ay malusog, masayahin, at lalong-lalo na, mabait. Pero di maiiwasan na lumalabas ang pagkakulit nito minsan. Madalas ay naiintindihan naman ito ni Raine at ine-encourage pa nga. Di kaila sa kanila ni Edward na ang kanilang anak ay matalino, curious sa kung paano tumatakbo ang mundo. Kahit na nakakapagod maghabol sa batang tila di nauubusan ng enerhiya, sinasabayan ni Raine ang energy level ng anak para hindi siya makasagabal sa development ng kanyang unico hijo. Pero minsan, di maiwasan ni Raine humiling na sana may schedule ang pagka-unpredictable ng kanyang anak. Napa-buntong hininga na lang ang ina habang sinusundan ang bata sa kanyang silid. “Uno, baby, we’re going to be late na, anak. Tita Ann is waiting for us.” “Wait, Mommy,” sabi ni Uno habang binubuklat ang kumot na nakatakip sa kanyang kama. Ngumiti na si Raine habang di pa nakatingin ang anak. Di niya maiwasan matuwa makita ang chubby nitong mga kamay na kinuha ang paborito nitong laruan—si Teddy, ang bear na bigay sa kanya ng kanyang daddy—bago muling ayusin ang higaan niya. “Let’s go, Mommy!” halos pasigaw na tawag ng anak na tumatakbo na palabas ng kwarto. Bumagsak ang puso ni Raine sa kanyang mga paa at nagmadaling hinabol ang anak bago pa ito makaabot sa kanilang hagdan. “Uno!” sigaw niya. Agad tumigil ang bata nang marinig ang sigaw ng ina. Alam niya kung bakit tumaas ang boses nito. Napayuko siya at bumagsak ang mga balikat habang hinihintay ang sunod na mangyayari. Ni di pa nakalipas ang isang segundo, may kumapit na na mga kamay sa kanyang mga braso. “Juan Antonio Cruz! Anong sabi ko?” tanong ni Raine. Pigil na pigil siyang masigawan ng husto ang bata dahil ayaw niyang ma-trauma ito pero paano naman ang trauma niya? Tumatakbo sa utak niya ang galit at takot dahil sa kung ano ang maaring mangyari. Kung bumilis pa ng takbo si Uno… Kung mabagal ang kilos niya at di naabutan ang anak… Kung di nakinig sa kanya ang bata at patuloy na tumakbo pa-hagdan… May safety gate naman ang hagdan nila pero habang lumalaki si Uno ay madali rin niyang natututunan ang mga bagay sa kanilang bahay. Laging kinakatakot nilang mag-asawa na matutunan na ni Uno buksan ang gate. “Juan Antonio Cruz,” ulit ni Raine nang nakayuko lang si Uno at di pa rin sumasagot. “What did Mommy tell you?” Dahan-dahan inangat ni Uno ang kanyang ulo at tumingin sa mga mata ni Raine. Nangingilid na ang mga luha ng bata, kilos na ginagawa niya pag alam niyang nagkamali siya. “No running,” sabi nito, habang nanginginig na ang baba. “I’m sorry, Mommy,” dagdag nito, sabay tulo ang luha sa mabilog na pisngi. “Uno bad,” sambit pa nito. Napa-buntong-hininga na lang si Raine. Talaga tong anak niya, marunong na magpaawa. “Baby talaga! You’re not bad… but you have to remember what Mommy tells you, ok? I’m sorry I raised my voice. I was scared baka malaglag ka sa hagdan, anak. You’re not a superhero. You’ll get hurt if that happens. Do you understand Mommy?” mahinahong tanong nito. Ano mang init ng ulo niya ay biglang nawawala the second makita niya ang mga luha sa mata ni Uno. Kaya naman minsan ay naaasar siya ni Edward na nai-ispoil niya ang bata. Wag naman po sana. Tumango naman ang bata. Napakagat ng labi si Raine para wag mapatawa ng malakas. Minsan, pakiramdam niya kumakausap siya ng maliit na mama at hindi ng isang 3-year-old boy. Napaka-mature ng anak niya for his age. “Bakit ka ba nagmamadali, anyway? May appointment ka ba?” dagdag na hirit ni Raine kahit alam niyang di naman siya naiintindihan ng anak niya. Pero gulat nito nang biglang nagbago ang expression ni Uno. Nagningning ang kanyang mga mata at lumabas ang mga dimples sa pisngi nang ngumiti ito. “Wanna meet baby!” biglang hirit niya. Oo nga pala. Sa biglang pagpanic ni Raine kanina, muntik na niyang malimutan ang rason kung bakit sila lalabas in the first place. Pupuntahan nila ang kanyang kaibigan na bagong panganak sa ospital. Niyakap ni Raine ang anak. “Oo nga naman. Thanks for reminding Mommy.” Tumayo na si Raine at kukunin sana ang kamay ng bata pero hawak-hawak pa rin nito ang paborito niyang laruan. “Baby, bakit mo kinuha si Teddy? Aalis tayo. You have to leave your toy or else baka mawala. Remember last time, dala mo siya, you cried when muntik na maiwan sa park si Teddy?” Pero minsan, umiinam ang tigas ng ulo ng anak niya. With firm lips, umiling ang bata. “Bring Teddy!” sabi nito. “At bakit? Pag nawala, iiyak ka naman,” hirit ni Raine. “No, Mommy! Baby birthday. Gift ni Uno si Teddy,” paliwanag sa kanya ni Uno. Muntik na naman matawa si Raine dahil napaka-seryoso ng mukha ng anak niya, yung hitsura niya habang nagpapaliwanag sa kanya si Uno, you would think si Raine ang bata. Ang cute pa nito dahil pag nagsasalita si Uno, lumalabas ang mga dimples sa magkabilang pisngi. Ngunit di rin maiwasan ni Raine maantig ang puso sa generosity ng anak. Si Teddy ay ang teddy bear na uwi ni Edward kay Uno nung unang business trip nito sa London since ipanganak ang kanilang baby boy. Ever since, lagi itong kasama ng batang lalaki to the point na tawag na nga ni Edward dito ay ang nakababatang kapatid ni Uno. “Bibigay mo sa baby ni Tita Ann si Teddy?” pagkaklaro ni Raine sa bata. Agad na tumango si Uno. “Yes, Mommy.” “Are you sure? Bigay ni daddy sayo si Teddy diba? Favorite mo siya. Kaya mo wala na si Teddy sa tabi mo pag matutulog ka na?” Napakagat ng labi si Uno. Nagbabago na siguro ang isip, hirit niya sa sarili. Pero ginulat na naman siya ng anak niya. “Mommy, dami ko toys eh! Daddy gives me many toys. I want to give Teddy to baby ‘cause baby is my friend,” sagot nito bigla. Napatawa si Raine. “Sure ka? Di mo pa nga nameet si baby eh.” Seryoso ang pagtango ng bata. “Yes, Mommy.” “Why, baby?” tanong ni Raine. Mabait na bata si Uno, napaka-generous. Pag hiningan siya ng kahit sino, kahit di niya gaanong kakilala, ibibigay nito ang kung anong meron siya. Pero paborito rin niya si Teddy. Simula nung ibigay ito ng daddy niya, palagi na niyang kasama ito sa bahay. Naiiwan lang ito pag lalabas sila. Kaya gustong maintindihan ni Raine bakit ngayon ay gusto na ni Uno ibigay ang paboritong laruan. “Mommy,” simula ni Uno. Nakakunot ang noo nito, halatang nagtataka kung bakit di maintindihan ng mommy niya kung bakit niya gusto ipamigay ang paborito niyang laruan. “Big boy na Uno but the baby is small. Diba all babies are small? Sabi mo small Uno nung baby ako. Correct, Mommy?” Natawa si Raine. Napaka-sharp ng memory ng batang ‘to na ang hilig gamitin ang vocabulary niya kahit na di naman sigurado si Raine na naiintindihan niya ang ibig sabihin ng ginagamit niyang salita. “Yes, baby. You’re correct.” Ang laki ng ngiti ni Uno, kita na proud siya sa sarili. “Teddy plays with me when I get sad, Mommy. Now it’s Teddy’s turn to play with baby. Babies cry always, Mommy,” seryosong hirit nito. Tumango na lang si Raine. As usual, hanga na naman siya sa way ng pagtakbo ng utak ng anak niya. Only three years old, pero napaka-mature talaga. “I see. Eh pano na pag ikaw ang umiyak? Who will play with you?” usisa ni Raine. Minsan, naiimpress talaga si Raine sa genetics dahil wala naman nagturo kay Uno gawin ito pero nirolyohan ng mata ni Uno ang nanay niya. “Baby! Baby will play with me.” Niyakap ni Raine ng mahigpit ang anak. Nakakagigil talaga ang baby boy niya. Kaya gusto na sagarin ni Raine ang bonding nila habang ganto pa ka-cute si Uno. “Mommy, ow! Too tight!” reklamo ni Uno. Humalakhak si Raine. “Sorry, baby. Mommy is just so proud of you. You are the very best baby boy!” By the time makababa ang mag-ina sa front door, nakaabang na ang kotse nila. Nakarating na si Edward mula opisina at sinusundo ang kanyang mag-ina. “Daddy! Hello!” bati ni Uno habang pumupwesto sa kanyang car seat at inaayos ni Raine ang seat belt. “Hello, Uno! Bakit ang tagal niyong makalabas?” tanong ni Edward. Natawa na lang si Raine. “I’ll tell you later. In the meantime, tara na? Baka ma-stuck pa tayo sa traffic.” Tumango si Edward at ini-start na ang kotse. Nagkatinginan na lang ang mag-asawang Edward at Raine habang nasa sasakyan patungong ospital. Di na makapag-kwentuhan ang dalawa sa daldal ng nag-iisang anak nila. Lahat ng oras ay napunta na sa pagsagot sa napakarami nitong mga tanong. “Mommy, pwede na ba tumakbo si baby?” “Mommy, can I buy ice cream? Promise, I’ll share it with baby.” “Daddy, di na ba kami friends ni Ate Tiana? Kasi may new baby na siya?” “Mommy, is baby a boy or a girl? I want boy! So we can play together. Ate Tiana doesn’t like playing with me sometimes.” “Uno, we’ll answer more of your questions later, ok? For now, we need to get ready na. Andito na tayo. Daddy will drop us off at the front then he’ll catch up with us sa room ni Tita Ann. Are you ready, anak?” tanong ni Raine nang sa wakas ay bumungad na sa kanila ang ospital. Kung kailan malapit na sila, saka pa nag-iba ang mood ng bata. Parang bigla itong nanahimik, nag-alala. “Uno, what’s wrong? Akala ko ba excited ka to meet your new friend?” “But Mommy, do you think baby will like me?” Sumilip si Raine kay Edward at nakitang pinipigil nito ang tawa. Ang cute naman kasi ni Uno, lalo na habang nag-aalala ito. “Anak, of course the baby will like you. You’re so cute, everyone likes you.” Raine knows she said the right thing dahil naglaho nang parang bula ang pag-aalala sa mukha ng kanyang anak. “Mommy, baby and I will be best friends!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD