FOUR: Teddy

1198 Words
Lumaki si Teddy na constant sa buhay niya si Uno, ang matalik na kaibigan. Madalas sabihin sa kanya ng batang lalake na di pa man nakakamulat ng mata si Teddy ay magkakilala na sila ni Uno. Nagkamalay na si Teddy na nasa paligid niya si Uno. Itinakda na ng tadhana na magiging mag-best friends sila habang buhay. Kahit tatlong taon ang agwat nila (at malaki ang tatlong taon para sa mga bata), kahanga-hanga na magkasundo silang dalawa. Napapangiti palagi ang mga mommies nila—ang magkaibigang Raine at Ann—kada makikita ang kanilang mga anak dahil, kung tutuusin, mas parang magka-edad kumilos ang dalawa kaysa mag-kuya. Minsan pa nga, si Teddy pa ang sumasaway sa nakakatandang si Uno. “No! If we do that, we’ll get hurt!” sabi nito isang beses, nung si Teddy ay seven years old at si Uno naman ay ten. Umaakyat ng puno ang dalawa sa park habang si Ann at Tiana ay nagbabasa ng libro sa bench sa medyo kalayuan. Unlike Teddy aka Isa, ang Ate Tiana niya ay napaka-dainty. ‘Di siya mahilig magtatakbo sa labas at she gets her physical exercise from her dance lessons, kaysa sa paglalaro. Kaya ang compromise nila ay samahan ang dalawang makulit na sina Teddy at Uno para makapaglaro sa playground. Si Teddy, on the other hand, ay walang pagaatubiling nakikipagsabayan sa pagtakbo, pagtalon, at pag-akyat sa kung saan-saan ni Uno. Kung anong gawin ni Uno, siyang sunod naman ni Teddy. “Pano naman tayo mahuhurt eh kanina pa nga tayo andito sa puno?” tanong ni Uno. Ang weird minsan nito ni Teddy. Bigla na lang maiisip na may ‘di sila pwedeng gawin. Inirapan siya ni Teddy. “Eh kasi manipis yang branch na yan! Tignan mo!” “Hindi kaya! I’ll prove it to you!” Aakyat na sana si Uno nang biglang tumaas ang boses ni Teddy. “Uno, don’t do it! I’m telling you! You’re gonna get hurt then Tita Raine will get worried again.” “Why? Are you gonna tell my mommy?” sagot ng batang lalake. “If you don’t stop, I will!” pananakot na hirit ni Teddy. “I don’t care. Mommy won’t get mad if I tell her that I wanted to learn about the tree. You’re such a scaredy cat, Teddy Girl!” dagdag pa ni Uno. Minsan, di maintindihan ni Teddy kung bakit sila mag-best friends dahil nakakapikon kasama si Uno. Palagi na lang may sagot sa mga sinasabi niya. Ayaw lang naman niya masaktan ang best friend niya. Pero kung mas gusto niya irisk ang sarili, then ayaw niya makita ito. Dali-daling bumaba ng puno ang bata. Pupunta na lang siya sa Mama niya. Yayayain na niyang umuwi ito. Nagdidilim na pati. At gutom na siya. Sinigang na baboy ang ulam nila ngayong gabi. Mas sasaya pa siyang umuwi at kumain ng masarap na hapunan kaysa makipag-argumento kay Uno. “Teddy, san ka pupunta? Teddy!” tawag ni Uno sa kaibigan habang nasa taas pa siya ng puno. Pero di lumingon ang kaibigan niya kaya nagkandarapa nang bumaba sa kanyang perch ang batang lalake. “Teddy, wait! Teddy Girl! Please,” pagsamo nito sa best friend pero tila walang nakakarinig sa pagtawag niya. Kahit madalas nalilimutan ng dalawa na ‘di sila magka-edad, their physical differences say otherwise. Lalo na’t matangkad si Uno, mahahaba ang mga biyas. Kahit man sa school, he’s always been taller than the rest of his classmates. Kaya naman mabilis na nakahabol si Uno kay Teddy kahit na she had a head start. Nang makaabot na ay hinawakan ni Uno sa braso si Teddy para iikot ito paharap sa kanya. “Sabi ko wait eh–” Pero napatigil ito nang makitang lumuluha ang matalik na kaibigan. “Teddy Girl, why are you crying?” Uno can’t take it when Teddy cries. Right from the beginning, noong sinabi niya na siya ang bodyguard ni Teddy, sinabi na niya sa sarili na di siya papayag na umiyak ang kaibigan. No one’s gonna hurt his best friend, especially not him. “Ikaw kasi!” halos pasigaw na sagot ni Teddy. Lalo siyang naiiyak pag naalala ang inis sa best friend. “Me? Bakit? Anong ginawa ko?” tanong ng clueless boy. “Ang tigas ng ulo mo kasi! The branch is not strong eh! It can break. Tapos you’ll fall and get hurt.” Lalong lumakas ang iyak ni Teddy. Ayaw niyang isipin na maaring masaktan ang mga mahal niya sa buhay, and that includes her best friend. “Tita Raine will get mad! And you can’t play. What if you die?” Seven years old na si Teddy, nagsisimula na siyang maintindihan ang concept ng death. Natatakot siya na one wrong move and something bad will happen. Lalo na palagi siyang nasasabihan ng mommy niya na mag-ingat pag bumababa ng hagdan nila at baka malaglag siya. “Are you crying because you’re scared I will get hurt and die?” di makapaniwalang tanong ni Uno. Minsan, ‘di niya maintindihan saan galing ang mga naiisip ng kaibigan niya. “When Lola died, Papa said she died kasi nalaglag siya. Nakita ko siya, nakalagay sa box. Sabi ni Mama, natutulog lang daw si Lola. But I know she’s lying. I know people die. I’ve seen it on TV! After Lola died, I never saw her again. ‘Di na siya nakipaglaro sakin. What if malaglag ka tapos you die too? Then we can’t play together anymore.” Halos sumisigaw na si Teddy sa takot sa anong mangyayari kapag nasaktan si Uno. Hindi malaman ni Uno kung ano ang nararamdaman niya. Parang pakiramdam niya, sasabog ang puso niya sa sinabi ni Teddy sa kanya. Wala na siyang ibang nagawa kung ‘di yakapin ang kaibigan, ang kaibigan niyang hanggang dibdib lang ang abot sa kanya. ‘Di niya maintindihan why this matters pero ang alam niya, this just makes him feel more protective about his best friend. “Ok, Teddy. I’m sorry that I scared you. I promise to look at the branches, ok? Dapat mataba yung branch then aapak ako don. I promise I’ll be careful. Para wag ka na maging scared.” Hindi agad sumagot si Teddy. Isa lang ang nasa isip niya: she likes being hugged by Uno. It makes her feel safe. Protected. Warm. Nung bata sila at nag-aaway sila ni Uno over who gets to play with a toy they both like, their mothers would punish them by making them hug. But that was a different kind of hug. That was a hug that felt forced. Fake. But this one feels… Just right. Natural. Perfect. Parang yung feeling niya ‘pag niyayakap siya ng Mama at Papa niya. “Promise?” sagot ni Teddy habang nakasiksik pa rin kay Uno. Nararamdaman niya ang heart beat nito against her cheek at nagagalingan siya dahil parang naririnig niya ang boses ni Uno through his chest. “Promise,” sabi ni Uno. Teddy can tell that he also nodded his head dahil nabangga ang baba nito sa tuktok ng ulo niya. Nagdesisyon si Teddy right there and then: she would love for Uno to hug her forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD