CHAPTER 13
•••
The Confrontation
•••
Kakamot-kamot na binuksan ni Lee ang pinto. Sinalubong siyaa ni Tina na alanganing nakangiti sa kaniya. Bakas sa mga labi nito ang pamumutla at ang takot sa mga mata nito.
Lee frowned when Tina couldn't even look at him in the eye. Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil baka may masamang nangyari.
"Kanina ka pa nakakaistorbo," pabirong sabi ni Lee sa kapatid upang pagaanin ang biglang kaba na naramdaman niya.
Napayuko naman si Tina at hindi nakaligtas sa mga mata ni Lee ang pagkamot ng kapatid sa tainga nito. It was a mannerism of her sister whenever she's bothered or nervous.
Lee heaved a deep sigh. Naiiling na ginulo niya nalang ang buhok ng kapatid. Matapos no'n, nagpatiuna na si Lee patungo sa maliit na sala ng kabahayan kung saan naabutan niyang nakaupo si Vincent sa kahoy na upuan doon.
"Anong atin?" kaswal na tanong ni Lee saka naupo sa katapat na upuan ni Vincent.
Alanganing ngumiti sa kaniya ang kaibigan na matagal na rin mula nang huli niyang nakita dahil hindi sila nagtatagpo sa tuwing dadalawin niya ang pamilya sa Bulacan. Kumunot ang noo ni Lee sa kabang napansin niya sa kaibigan. What is happening?
Pinakaunang kaibigan ni Lee si Vincent sa lugar na 'to kaya kilala niya na ang bawat kilos at reaksyon na ipapakita nito. Their friendship went through the good times and the hard times. Si Vincent ang isa sa mga tumulong kila Lee sa mga oras na kailangang kailangan nila ng tulong.
"Nabalitaan ko kasi na umuwi ka na raw," ani ni Vincent bago nagpakawala ng buntong hininga. Hindi nito magawang makatingin nang diretso kay Lee.
"Dalawang araw lang naman ako rito. Dinalaw ko lang si nanay at Tina." Lee shrugged. Hindi sanay si Lee sa kinikilos ng kaibigan. Pakiramdam niya ay may mali.
"Bakit ba parang kabang-kaba ka riyan? Ano ba 'yung urgent na sasabihin mo raw sabi ni Tina?"
As if on cue, lumapit sa kanilang dalawa si Tina na katulad ni Vincent ay mababakasan ng takot at kaba. Tatayo sana si Lee para roon paupin ang kapatid nang matigilan siya nang tumabi si Tina kay Vincent.
Natigilan si Lee nang hawakan nila Tina at Vincent ang kamay ng isa't isa sa harap niya.
"Anong ibig sabihin niyan?" tukoy ni Lee sa magkahawak kamay ng dalawa.
Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili para hindi masuntok ang kaibigan. Nanatiling nakakuyom ang mga kamao niya habang nakatingin nang masama sa dalawa. Lee was having a clouded judgement about the idea of his little sister being with his best friend.
"Kuya..."
"Anong mayroon, Tina? Bakit kayo magkahawak kamay?" puno ng pagtitimpi ang boses ni Lee. He didn't even try to hide his anger.
Sa halip na sagutin siya sa kaniyang tanong, bigla na lang nagsimulang umiyak si Tina. Kaagad naman itong dinaluhan ni Vincent.
Hindi maintindihan ni Lee ang nangyayari at nakaka-frustrate iyon para sa kaniya. Seeing her sister cry for some unknown reason made it more frustrating for Lee.
Kaya naman hindi niya na napigilan ang sarili na sumigaw. "Puta! Anong iniiyak-iyak mo, Tina?" frustrated na tanong ni Lee.
"Kalma lang, Pare." Kaagad na hinarang ni Vincent ang katawan kay Tina na nagpatiim sa bagang ni Lee.
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kaibigan nang maunawaan ang posibleng mga kaganapan. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi maintindihan kung saan patungo ang usapang ito.
"Kalma? Umiiyak ang kapatid ko nang hindi ko nalalaman! 'Tapos sasabihan mo ako na kumalma?" Lee gave Vincent a serious glare. "E kung ipaliwanag niyo kaya sa akin ang nangyayari," paghahamon niya sa kaibigan habang matiim na nakatingin sa kapatid.
Hinintay ni Lee ang paliwanag na hinihingi niya. Both of his fists were on his sides.
Niyakap muna ni Vincent si Tina at pinatahan bago bumaling kay Lee. "Sorry, Pare."
Lalong kumunot ang noo ni Lee. Sorry? Lalo lang siyang naguguluhan.
"Sabi mo dati nung umalis ka, bantayan ko ang kapatid mo. Ginawa ko naman iyon kaso nahulog ako." Vincent lowered his gaze to the floor. "Pasensya na kung binali ko ang pangako ko na huwag si Tina."
Huminga si Lee nang malalim at pinigil ang sarili na masuntok ang bantay salakay niyang kaibigan. His mind actually protested to not even consider Vincent as a friend anymore. Hindi dapat niyang pagkatiwalaan ang taong hindi marunong tumupad sa usapan. Lee could still remember how he asked Vincent to not even dare court or fall in love with Tina.
But it still happened.
"Mahal mo ba ang kapatid ko?" Lee asked, with so much constraint on his voice.
Napaangat naman kaagad ng tingin si Vincent saka buong loob na sinagot ang tanong ni Lee, "Mahal na mahal, Pare."
Huminga muli nang malalim si Lee 'tapos ay bumaling sa kapatid niya na umiiyak pa rin. Hindi alam ni Lee ang sasabihin kay Tina kaya muli niyang binalingan si Vincent. "Gaano mo siya kamahal?"
"Mahal na mahal ko siya at handa kong panagutan siya."
Nagpanting ang mga tainga ni Lee sa sunod na sinabi ni Vincent. Pakiramdam niya nabingi siya bigla sa ibang tunog at ang tanging paulit-ulit na naririnig niya ay ang sinabi nitong pananagutan ang kapatid.
"A-ano?!" Lee growled
"Kuya... B-buntis ako," sabi ni Tina habang humahagulgol ng iyak.
Hindi na napigilan ni Lee ang sarili at kaagad na sinugod ng suntok si Vincent na naging dahilan upang matumba ito sa sahig.
"Kuya!"
"Hayop ka! Putangina mo! Hindi mo lang syinota ang kapatid ko, ginalaw mo pang hayop ka!" Mabilis na kinaibabawan ni Lee si Vincent bago paulit-ulit na sinuntok sa mukha. Buong lakas at galit ang bawat naging pagtama ng kamao niya sa mukha ni Vincent.
Puro hagulgol naman si Tina dahil sa mga nangyayari sa pagitan ng nakatatandang kapatid at kasintahan. Hindi gumaganti ng suntok si Vincent at iniinda lang nang paulit-ulit ang bawat suntok mula kay Lee. Mababakas ang galit ni Lee— tila handa niya nang patayin ang taong tinuring niyang malapit na kaibigan ngunit sa huli ay tinraydor siya.
"Hayop kang bantay salakay ka! Akala ko ko kaibigan kitang putangina ka!" Paulit-ulit na suntok at walang pagpipigil mula kay Lee. Tuluyang nandilim na ang paningin niya dahil sa sobrang galit. "Sinira mo ang kinabukasan ng kapatid ko!"
Sinusubukan ni Tina na pigilan ang kapatid sa pagsuntok sa kasintahan pero hindi n iya magawa. Humahagulgol siya sa tabi habang paulit-ulit na isinisigaw na tama na upang tigilan na ni Lee ang pagsuntok kay Vincent.
"A-anong— Lee!" Nanlalaki ang mga mata na lumapit si Mitch sa kaguluhan na nagaganap sa sala. Kaagad siyang nilingon ni Tina na walang patid ang pag-agos ng luha.
Kahit naguguluhan sa mga nangyayari, kaagad na pumagitna si Mitch sa dalawang nag-aaway at pinilit na pinatigil si Lee sa ginagawa nitong pagsuntok kay Vincent. She hugged his waist and pulled him away from Vincent.
"What the heck! Stop it, Lee!" sabi ni Mitch habang hinihila si Lee palayo sa lalaking kaaway nito.
It was a tough thing to do but when Mitch shouted Lee's name, the man stopped instantly. Nagpatianod si Lee sa naging paghila sa kaniya ni Mitch na ipinagpasalamat naman ng huli
"Hayop ka! Putangina mo! Sinira mo ang kinabukasan ng kapatid ko! Hindi kita mapapatawad!" Lee shouted while Mitch tightened her hold on Lee's waist.
Natatakot si Mitch sa bersyon na ito ni Lee pero minabuti niyang 'wag itong bitawan upang hindi na malapitan si Vincent na bugbog sarado na ang mukha.
"Ilabas mo muna siya, Tina," Mitch instructed. Napatango naman ang umiiyak na si Tina at inalalayan si Vincent. "Ako nang bahala rito," dagdag pa ni Mitch saka hinigpitan ang yakap kay Lee mula sa likod upang hindi ito makasunod kila Tina na lumabas na ng bahay.
Nang tuluyang mawala ang dalawa, parang nauupos na kandilang napaluhod si Lee sa sahig.
"Lee!" sigaw ni Mitch kasabay nang pagluhod ni Lee.
Parang bata na hinayaan ni Lee na tumulo ang mga luha niya. Nanghihinang napatingin siya sa kawalan at hinayaan ang mga luha na muling tumulo mula sa mga mata niya.
Kailan ba siya huling umiyak? Noong mapahamak ang nanay niya? Simula noon, tinatagan niya na ang sarili pero tao pa rin pala siya. Dadating at dadating ang araw na iiyak ulit siya. Hindi lang naisip ni Lee na ganito pala kasakit ang sunod na pagkakataong iiyak siya.
"Lee..." Mitch kneeled in front of the crying version of the man she always thought was strong and a fighter. Never did in Michelle's imagination she ever imagined Lee to be this helpless.
Napatingin si Lee sa babaeng nakaluhod sa harapan niya at hawak-hawak ang kaniyang mukha na basa ng mga luha niya.
Mitch wiped Lee's tears off of his cheeks using the pad of her thumbs.
"Lee, a-anong bang nangyari? Huwag ka nang umiyak, please?" Nagsimula na ring manubig ang mga mata ni Mitch habang walang patid na pinupunas ang mga luha ni Lee.
Hindi mapigil ni Lee ang pagtulo ng mga luha. Nasasaktan siya— Nasasaktan siya sa nangyari sa kapatid. Ginawa niya ang lahat para maging maayos ang kinabukasan nito at hindi akalain ni Lee na sa isang iglap lang ay guguho ang binuo niyang kinabukasan para kay Tina.
"M-Masama ba akong tao, Mitch? Bakit... B-Bakit sa tuwing sinusubukan kong bumangon... Tinatapakan ako ng buhay?" Lee punched the floor and that made Mitch flinched. "Bakit sa tuwing lumalaban ako, palagi akong nagiging talunan?"
Nasasaktan si Mitch sa mga tanong na lumabas sa bibig ni Lee. Nasasaktan siya na makitang umiiyak ang taong mahal niya nang ganito. At nasasaktan siyang nasasaktan na naman si Lee.
Umupo si Mitch. Pagkatapos ay hinila niya palapit sa kaniya ang umiiyak na binata. Niyakap niya si Lee nang mahigpit. Hinayaan niyang umiyak si Lee sa balikat niya habang marahan niyang hinahagod ang likod nito para ipadamang nandito lang siya kahit anong mangyari.
Nakaupo silang dalawa sa sahig, habang nakasandal sa balikat ni Mitch ang umiiyak na Lee.
Nakapikit na niyakap lang ni Mitch ang binata. She didn't want to see his tears falling. Parang nabibiyak din kasi ang puso niya.
After a while, Lee's breathing became even. Iyon ang naging hudyat ni Mitch na tulog na ang binata. Mahigpit na niyakap niya si Lee at pinahid ang bakas ng luha sa pisngi nito.
Mitch leaned forward to kiss his forehead. Pinagkatitigan niya ang mukha ni Lee. He looked so vulnerable. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang umiyak si Lee nang gano'n. Palagi kasi itong matatag at matapang. At ang sakit pa lang makita na mabasag ang isang taong palaging matatag at matibay lalo na kung mahal na mahal mo taong iyon.
"Everything will be fine, Lee," bulong ni Mitch sa tainga nito. Pagkatapos ay kinintalan niya ng halik ang labi ni Lee. "I will always love you no matter what." Marahang hinaplos ni Mitch ang buhok ng binata.
***
"Ate..."
Napaangat ang tingin ni Mitch sa nagsalita— si Tina. Her eyes were showing how regretful and guilty she was. At hindi na kaya pang dagdagan ni Mitch ang sakit na kitang-kita niyang iniinda ni Tina. Kaya naman marahan siyang ngumiti sa kapatid ni Lee.
"P'wede mo bang ikuha ng banig at unan ang Kuya mo? Nakatulog na kasi siya rito." Mitch instructed Tina while caressing Lee's hair who's sleeping soundly beside her, his head on her shoulder while she's hugging him tightly. Mga ilang minuto na rin sila sa gano'ng posisyon.
Sinunod naman kaagad siya ni Tina. Pagkabalik nito, kaagad nitong iniayos ang hihigaan ng kapatid. Magkatulong nilang iniayos ang pagkakahiga ni Lee.
Matapos no'n, akmang tatayo na si Mitch nang matigilan siya dahil sa biglang paghikbi ni Tina.
"Sorry, Kuya." Hinawakan pa ni Tina ang kamay ng kapatid at paulit-ulit na humingi ng tawad.
"Tama na 'yan, Tina. Tulog siya, hindi niya rin maririnig ang sorry mo."
"Pero, Ate..."
"Mapapatawad ka ng Kuya mo. Pero hindi ngayon. Gusto mo mag-usap muna tayo?" Ngumiti si Mitch kay Tina upang mapagaan ang nararamdaman nito kahit paano. Mukhang sobra na rin talaga ang bigat na nararamdaman ni Tina at kailangang-kailangan nito ng kausap.
Nagpunta silang dalawa ni Tina sa kwarto na pinagdalhan sa kaniya ni Lee kanina.
Naupo si Tina sa kama at kaagad na yumuko. Tumabi naman si Mitch sa kaniya at kaagad hinawakan ang kaniyang kamay.
"Ano bang problema? "
"Sorry, Ate."
"Sorry? Ano bang nangyari? Bakit ganoon na lang kagalit ang Kuya mo?"
May kutob si Mitch kung ano ang problema at gano'n na lamang ang galit ni Lee. Pero gusto niyang manggaling ito kay Tina.
"Buntis po ako."
There. She finally said it.
Nagsimula na namang umiyak si Tina kaya naman ay niyakap siya kaagad ni Mitch.
"Sorry talaga, Ate. H-Hindi ko naman alam na mangyayari 'to," humihikbing sabi ni Tina.
Huminga nang malalim si Mitch bago nagsalita, "Lahat ng bagay na ginagawa natin, dapat alam natin muna kung anong maaaring kalabasan."
Nag-angat ng tingin si Tina kay Mitch. Kaagad namang pinunasan ni Mitch ang mga luha nito.
"s*x is an expression of love. But once you do it, you must be knowledgeable about the pros and cons about it. 'Cause if not, you and the people around you will suffer for the consequences it may bring." Napangiti si Mitch dahil sa mga lumabas sa bibig niya. Hindi niya akalaing magiging gano'n siya ka-mature mag-isip.
She once thought, s*x was a form of enjoyment. It was so wrong of her to think like that.
"Mapapatawad ka rin ng Kuya mo. Hindi ka no'n matitiis. Nasaktan lang talaga siya at hindi mo siya masisisi sa parteng iyon." Mitch smiled before reaching for Tina's hand. "Alam mo kung gaano at paano niya iginapang ang buhay niyo. Wait for him, Tina. He'll soon forgive you but definitely not now. You just broke his heart."
Malungkot ang ngiti na gumuhit sa labi ni Tina bago tinagpo ang mga tingin ni Mitch.
"I already broke Kuya's heart. Please don't break his heart for the second time around."
Mitch blinked repeatedly. "W-what do you mean?"
Nagkibit balikat si Tina 'tapos ay tumayo na. Sinundan ng tingin ni Mitch ang paglakad ni Tina papunta sa pinto. Bago tuluyang makalabas ng kwarto, bahagya itong lumingon sa kaniya. "Sumugal sa akin si Kuya at binigo ko siya. Alam kong balak niyang sumugal din sa 'yo, Ate Mitch." Tina sighed. "Sana huwag mo siyang biguin katulad ng ginawa ko. Mas'yado na siyang nasasaktan." Then, Tina exited the room.
Mitch was left wondering. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi sa kaniya ni Tina.
Mitch stayed inside the room looking at nothingness before she finally decided to leave the room and check on Lee who's in the living room. Pero natigilan siya paglalakad nang makarinig ng boses— "Anak? Lee? Tina?"
Doon napagtanto ni Mitch na si Nay Lidya, ang nanay ni Lee, ang siyang tumatawag sa magkapatid. Kaya nagmamadaling hinanap ni Mitch si Tina ngunit wala ito sa bahay. Natutulog pa rin naman si Lee at ayaw niyang gisingin ang binata.
Kaya nang muling tumawag si Nanay Lidya, wala nang ibang nagawa si Mitch kun'di ang siya ang pumunta. Natatakot siya na baka emergency iyon.
Kahit ang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa kaba, sinubukan ni Mitch na pakiharapan si Nanay Lidya nang may ngiti. This is the first time she saw Lee's mother after nine long years.
"S-sino ka?" kaagad na tanong ng ina ni Lee nang makalapit si Mitch
Natigilan naman si Mitch sa nakitang itsura ng nanay nila Lee. Hindi siya makapaniwala sa itsura nito ngayon. Malayong-malayo sa huli niyang alaala mula rito. Payat na payat na ngayon ang ginang, bagsak ang katawan at nakaratay. Wala na 'yung Nay Lidya na palaging nakangiti at masiglang-masigla lalo na at kung aasikasuhin nito ang mga anak.
"Nay Lidya," Mitch called before she kneeled on the side of the bed to level her face to Nay Lidya's. Inabot ni Mitch ang kamay ng ginang at nagmano rito. Tanda pa ni Mitch na ang ginang ang nagturo sa kaniya ng pagmamano.
"Kumusta na, Nay Lidya?"
Recognition filled Nay Lidya's eyes. Dahan-dahan nagtubig ang mga mata nito at gumuhit ang munting ngiti sa labi nito. "Iha... Michelle?"
Mitch smiled. "Na-miss ko po kayo, Nay Lidya." Niyakap ni Mitch ang ginang.
"Ako rin, Iha. Ang tagal... Ang tagal na mula... Mula noong huling beses kitang nakita..."
Pinahid ni Mitch ang luhang umalpas sa mga mata ng ginang. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.
"Tama nga si Jared, kasama ka niya. Akala ko nag-iilusyon ang batang iyon." Tumawa nang mahina ang ginang.
Akala ni Mitch, dahil nakaratay na ngayon ang ginang, naging mahina na rin ito. Pero, mukhang hindi mairaratay ng kahit ano mang sakit ang personalidad ng isang tao. Mitch could still see the joyful side of Nay Lidya.
"Okay lang po ba na sumama ako kay Lee ngayon?"
"Oo naman. Napakasaya ko na nandito ka ulit. Masaya rin ako na magkasama kayo ulit ng anak ko."
Mitch's heart fluttered with what Nay Lidya have just said. Napakasaya ng puso niya dahil hanggang ngayon, okay pa rin siya sa ina ni Lee.
"Ang mga anak ko, okay ba sila?"
Nangunot ang noo ni Mitch sa tanong nito.
"Ano pong ibig sabihin niyo?"
Napansin ni Mitch ang malungkot na ngiting gumuhit sa mukha ng ginang.
"Narinig ko 'yung ingay kanina... Alam na ni Jared ang pagbubuntis ni Tina 'di ba?"
Mitch lowered her gaze to the floor. Bumalik sa isip niya ang pag-aaway na naganap kanina at ang sakit sa mga mata ni Lee.
"Ngayon lang nagalit si Jared sa kapatid niya. Ngayon ko lang din narinig ang pag-iyak niya."
Kita ni Mitch na nasasaktan si Nay Lidya sa nangyari sa magkapatid.
"Naging mabuting anak at kapatid si Jared. Siya ang pinakamabuti. Pero naging mabuti rin naman si Tina. Sadyang nagkamali lang talaga siya at alam naman niya iyon."
"Nasaktan lang naman po si Lee. Hindi siya galit kay Tina. Nasaktan lang."
Nay Lidya stared at her. Para bang may gusto itong sabihin at iparating. "Alam ko, Iha. Alam kong mapapatawad niya rin si Tina. Nasasaktan lang ako na nasasaktan ang dalawang anak ko at wala akong magawa."
Mitch's hold on Nay Lidya's hand tightened.
"Huwag mo pong isipin 'yan. Alam nilang dalawa na kahit anong mangyari nandyan ka lang para sa kanilang dalawa. And that is more than enough for them."
Nay Lidya slowly reached her face. She gently cupped Mitch's face. "P'wede ba akong humingi ng pabor, Michelle?"
"Ano po iyon?"
"Huwag mo na sanang muling iwan ang anak kong si Jared. Kailangang -kailangan ka niya ngayon."
Mitch was caught off guard. Her heart was saying that she didn't have any plan to leave Lee Jared. But then, her mind was good in reminding her that no matter what she do, she just couldn't have Lee.
"Nakikiusap ako, Iha."
"Susubukan ko po." Mitch smiled sadly.
Tumango-tango naman ang ginang. Halata sa mukha nito na hindi sapat ang naging sagot ni Mitch pero hindi na ito nagpumilit pa.
"Nay Lidya..."
"Hmnn?"
"Si Lee po ba... Umiyak no'ng nawala ako?"
Natigilan si Nay Lidya bago malungkot na ngumiti kay Mitch. "Hindi siya umiyak pero... nawala si Jared na palaging nakangiti at plaging positibo. "
With that, Mitch felt the guilt and shame on what she did— For leaving Lee Jared.