CHAPTER 34 ••• Beautiful Symphony ••• Masayang-masaya si Mitch para sa magandang kinahinatnan ng buhay pag-ibig ng kaibigang si Demetra. Sa wakas, ikinasal na ang kaibigan matapos ang halos limang taon. Limang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang bridal shower ni Angel— kung saan kinailangan nilang magkakaibigan na laruin ang Lucky 9— na siyang bumago sa buhay nilang lahat. Kaagad nagpunas ng kaniyang mga luha si Mitch bago siya kumaway kay Demetra na masayang-masaya habang nakaangkla ang braso sa naging asawa nito. She's very happy for Demetra. Her friend went through a lot and she deserved all the happiness. Naramdaman ni Mitch na umakbay sa kaniya si Lee na nakatayo sa tabi niya. "Stop crying, Honey. You should be happy for Deme," Lee said before he kissed her temple. "I

