CHAPTER 30 ••• Living This Way ••• "Anak, gusto mo ba talaga ng pancakes?" tanong ni Lee kay Jade na prenteng nakaupo sa isang stool sa kitchen counter at hawak ang laruang manika nito. Habang si Lee ay abala sa pagluluto ng kanilang agahan. Hindi nila ginising si Mitch na mahimbing pa ring natutulog. Dahil nauna silang mag-ama na magising, inaya ni Lee ang anak na samahan siya sa kusina para makapaghanda ng agahan. "Yup, Papa! Mama will always prepare me pancakes for breakfast, with many chocolate syrup!" Napangiti si Lee sa kuwento ng anak. He never thought Mitch would cook for someone. Alam niyang may alam sa kusina ang babae pero madalas nagluluto lang ito para sa sarili. But then, Mitch was a mother now. "Ano pang niluluto ng Mama mo para sa 'yo?" "I like her adobo so much.

