CHAPTER 28 ••• Make it with You ••• Huminga nang malalim si Mitch habang nakaupo sa dining area. Kanina niya pa iniisip ang mga paliwanag na sasabihin niya kay Lee habang bumabyahe sila pauwi mula sa airport. She was lost with the right words to say— proper words that could at least ease Lee's mourning for their dead daughter. Ramda ni Mitch ang konsensya na dahil sa naging desisyon niyang itago kay Lee ang katotohanan, hindi nito nagawang makapagluksa nang mamatay si Miranda Jane. Mitch bit her bottom lip. She could feel her conscience and nervousness making this talk harder than what she expected it to be. Hinatid ni Lee sa kwarto si Jade na nakatulog sa byahe, kaya nagkaroon ng saglit na oras si Mitch upang makapag-isip at matantya ang mga tamang salita na sasabihin niya sa binat

