Chapter 22
Cheska's POV
Biglang—clang!
Isang malutong na kalabog mula sa gilid. Isang lata ang gumulong mula sa walang aninong sulok ng basement na 'yon, dahilan para magulat si Mr. Dark at mabitawan ang pagkakakapit niya sa braso ko.
Doon ko nakita ang pagkakataon. Hindi na ako nagdalawang-isip.
Mabilis. Mabilis, Cheska. Takbo!
Hinagilap ko ang lahat ng lakas ko at tumakbo ako. Hindi ko na alam kung saan ako tutungo—madilim, madulas ang sahig, amoy kalawang at amag ang paligid—pero isa lang ang malinaw: kailangan kong makalayo sa kanya.
“Cheska!” sigaw ni Mr. Dark, may halong galit at pagkataranta.
Pero hindi na ako lumingon.
Patuloy ako sa pagtakbo, halos madapa sa kakahakbang, nanginginig ang tuhod pero tinutulak ng matinding takot ang bawat hakbang ko. Tila may humahabol na halimaw, at sa bawat pag-echo ng yapak sa corridor, alam kong hindi ako hallucination lang.
Malapit siya. Malapit na malapit.
Hanggang sa—
WHUMP!
May bigla na lang humila sa akin mula sa gilid, mula sa isang madilim na pasilyo. Isang kamay ang mahigpit na tumakip sa bibig ko, isang braso ang umalalay sa baywang ko para hindi ako bumagsak.
Muntik na akong mapasigaw—hanggang sa magtama ang mga mata namin.
At ang mundo ko, biglang tumigil.
“…Mr. Red,” mahina kong nasambit, nang alisin niya ang kamay niya sa bibig ko.
Parang sumabog ang damdamin ko sa mismong mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang paghinga ko na tila pasinghap, tila pigil-pigil buong oras. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mapahikbi habang tinititigan ang lalaking akala ko'y hindi na darating.
Nanginig ang labi ko. “Akala ko… akala ko wala ka…”
“Shh.” Mahina niyang sabi, habang tinatakpan kami ng katawan niya. Ramdam ko ang t***k ng dibdib niya. Mabilis. Kasing bilis ng sa akin.
“Sinundan kita,” bulong niya. “Nakita ko ang ginawa niya. Hindi kita hahayaang mapunta sa kamay niya.”
Doon tuluyang bumigay ang luha ko. Habang yakap niya ako, habang pinipigil niya ang sarili niyang magalit, habang tinititigan niya ang daan kung saan nanggaling si Mr. Dark—
—doon ko lang tuluyang naramdaman ang takot. At ang kaunting ginhawa ng may dumating na sa wakas. Ang taong akala ko, malamig. Tahimik. Pero ngayon, ang taong tumindig sa pagitan ko at sa bangungot.
Si Mr. Red.
Patuloy akong nakayakap kay Mr. Red. Hindi dahil sa lamig ng basement o sa dilim na bumabalot sa paligid, kundi dahil sa takot—takot na muling mahila ng kamay na halos sumakal sa akin kanina. Takot na baka ito na ang huling pagkakataon kong maramdaman ang seguridad.
Pero mas matimbang ang pangangailangan kong malaman.
Kaya kahit nanginginig pa ang tinig ko, pinilit kong magsalita habang hindi pa kami natatagpuan.
“Ano ba talagang nangyayari?” bulong ko, nanginginig. “Bakit ganun umakto si Mr. Dark? Akala ko ba… okay siya? Akala ko nasa panig natin siya?”
Hindi agad sumagot si Mr. Red. Ramdam ko ang lalim ng paghinga niya. Ang pagkabigat ng sagot na tila ayaw niyang ibigay—pero alam niyang kailangan ko.
“Stay away from him,” mariin niyang bulong sa tenga ko. May halong poot. May halong proteksyon. “Cheska, kaya ka niyang patayin.”
Napasinghap ako. Natulala.
“W-what?”
“Hindi ko na dapat pinatagal pa 'to. Pero ang tagal mong walang alam, at habang inaalagaan mo ang taong ‘yon—mas lalo kang napapahamak.”
Humarap siya sa akin. Mataman ang titig, pero puno ng lungkot at galit. Parang nahihirapan siyang sabihin ang susunod.
“Siya ang gusto talagang pumatay sa’yo.”
Parang tinamaan ng kidlat ang puso ko. Napaatras ako ng bahagya.
“Siya ang tinutukoy ko noon, Cheska. Hindi ko lang masabi noon nang diretso… dahil baka hindi ka maniwala.”
Napakapit ako sa dingding. Mabilis ang t***k ng puso ko. Umaalingawngaw sa tenga ko ang sinabi niya.
“Impossible,” bulong ko. “Impossible ‘yan. Bakit? Bakit ako? Wala naman akong ginagawang masama—bakit ako ang gusto niyang patayin?!”
“Hindi ikaw ang problema, Cheska,” mahinang sabi ni Mr. Red. “Ang problema, ang buong pagkatao mo. Yung apelyido mo. Yung pagkakakilanlan mo. Yung mga koneksyon mo.”
Napatingin ako sa kanya, gulat.
“Ano'ng ibig mong sabihin—”
“Pinatay ng Daddy mo ang ama ni Mr. Dark”
Parang nahulog ang kaluluwa ko sa lupa. Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong mas nakakapanginig—yung revelation na si Mr. Dark ang gusto akong patayin… o ‘yung sinabi niyang may pinatay si Daddy.
Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko’y lumiliit ang mundo ko sa paligid. Tila lahat ng narinig ko ay nagpapagulo lang ng isip ko.
“At si Mr. Dark…” dugtong niya, “gusto niyang ipaghiganti Ang pagkawala ng ama niya. Kaya ka niya sinusundan at Ikaw Ang target niya. Dahil gusto niyang maramdaman ng magulang mo ang sakit kung paano mawalan ng mahal sa buhay."
AUTHORS NOTE: Ito na po ang isang update, thank you talaga sa mahabang pasensya na inilaan niyo sa pag aantay ng mga update ko. Hirap talaga basta buhay estudyante HAHAHHQHQ kailangang masunod sched and masingit ang pagsusulat. Thank you sa pagbabasa everyone!!