Chapter 4
"Anong pinag-usapan niyo ni Mr. Dark?" tanong ko kay Quicee habang pasimpleng sumisilip sa mukha niya. Alam kong may something, at ako pa ba? Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman.
Bigla siyang natigilan. Kita ko talaga na parang bumalik lahat ng alaala niya nung moment na ‘yon. ‘Yung hitsura niya? Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
"Ah, hehe," sabi niya habang nag-aalangan sumagot. Obvious na hesitant siya. Sasabihin ba niya? Hindi? Gusto ko siyang sabunutan para mapilit ko na!
Pero ayun, nagsalita rin siya. "About nung kanina na nalate ako tapos, you know sinagot ko siya. Pinagsabihan niya ako na isusumbong niya daw ako sa guidance counselor kung inulit ko pa yun, pero papalagpasin niya daw muna yun like duh, ede palagpasin niya, hindi naman ako ang may kasalanan, sadyang high blood lang siya sa akin."
Napataas talaga kilay ko. “Grabe naman, nagulat nga ako nun eh. Kasi ang bait naman ni Mr. Dark nang magpakilala siya tapos nung ikaw kinausap biglang sumungit, at worse, hindi lang ako yung nagulat, buong blockmates natin,” sagot ko habang naaalala ko pa ‘yung collective gasps ng buong room. Literal, may tension. As in pang-drama series.
Pero habang nag-uusap kami, naramdaman ko rin ‘yung kutob sa loob ko. Hindi lang basta mainit ang dugo ni Mr. Dark kay Quicee — may iba. May lalim. May history? O baka naman may hidden feelings? Hala!
Bigla akong napaisip pa lalo nang maalala ko ‘yung party kagabi. At dahil hindi ko napigilan…
"By the way, saan ka nga pala kagabi?" tanong ko sa kanya, sabay mariing tingin. “Bigla ka na lang nawala, girl! Grabe ka, ang bilis mo ah!”
Pero syempre, ang tuso kong bestie, binalik ang tanong sa akin. “Eh ikaw Cheska, ano rin ginawa mo kagabi? Bigla ka ring nawala ah.”
Ay gago. Ako pa tinanong. Pero syempre, sa sobrang ganda ng gabi ko kagabi… hindi ko na rin napigilan ang kilig ko.
"Kagabi? Ganto yun HAHHAHAHAH," sagot ko habang literal na tumitili na ako sa loob. Ang saya! Ang kilig! Feeling ko bata ulit ako.
"Si Josh lumapit sa akin, ackkkkkk," dagdag ko pa, at talagang kinikilig na ako habang nagkukuwento.
“Tapos?” tanong ni Quicee, halatang nakuha ko na at wala na siyang intensyon pang balikan ang tanong niya kanina. Success!
“He greeted me happy birthday, yung parang ganto,” sabi ko at ginaya ko pa ‘yung boses niya. “Happy Birthday my lady, can we dance?' Tapos ayun girl isinayaw niya ako, syempre kinilig ako pagkatapos hindi namin mapigilang maghalikan hanggang sa sinabi niya na sa akin na boom 'doon tayo sa kwarto!' And ayun nga humanap kami ng kwarto, may narinig pa nga kaming mga ungol dun kaya mas naganahan na kami kasi umuungol na yung iba tapos how about us diba?"
Grabe, habang ikinukuwento ko ‘yun, parang bumabalik ‘yung init ng gabi. Nakakakilig! Nakakahiya rin, pero wala na akong pakialam!
“Iwsss,” sabi ni Quicee habang kunwaring nandidiri. Pero kita ko sa mata niya, nakuha ko ang atensyon niya. At kung tutuusin… feeling ko, may tinatago rin siyang pasabog.
“Tapos natuloy? May nangyari sa inyo?” tanong niya.
Napangisi ako.
At habang tinitingnan ko si Quicee, ramdam kong parehong may tinatago kaming dalawa.
Ang kaibahan lang?
Ako, ready na akong i-share ang lahat.
Siya? Mukhang... hindi pa.
But I’ll wait.
And I’ll watch.
Lalo na kung si Mr. Dark ang involved.
“Ano ba girl, tinatanong pa ba ‘yan? Siyempre meron!” sagot ni Quicee habang umiikot ang mata. “Kinain niya pa nga ako bago niya ipinasok ‘yung, alam mo na… basta napa-‘ohh’ talaga ako nun sa gulat!”
Napairap ako pero hindi na rin ako nagulat. Well, si Quicee na ‘yan. Simula’t sapul, ganyan na talaga siya—palaban, prangka, at walang filter kung magkwento.
“Gaano kalaki?” tanong ko sa kanya.
Nag-isip pa siya sandali tapos tumawa. “Mga 6 inches siguro,” sabay hagikhik. “Basta ang laki, abot lalamunan ko habang bino-blow job ko siya!”
Napahagalpak siya ng tawa at ako naman, napailing na lang. Typical Quicee.
Napansin ko na lang na biglang tumigil si Quicee sa pagtawa at tinapik ako. “Si Josh,” bulong niya. Napalingon ako—at ayun na nga. Si Josh, may kasamang ibang babae.
Lahat ng dugo ko umakyat sa ulo.
“Hayop ka Josh! Ano ‘yan?” Salubong ko agad habang hawak ni Quicee ang braso ko, pinipigilan ako.
“Sino ‘yang babaeng ‘yan, ha?!” sigaw ko.
“What? Did I do something wrong?” sagot ni Josh, tinaasan pa ako ng kilay. “I’m just with my girl. What’s wrong with that?”
Gusto ko na talagang sapakin ang lalaking ‘to.
“Gago ka!” sigaw ko. “Ano bang tawag mo sa nangyari kagabi?! At ikaw, babae ka—malandi ka!”
Pilit pa rin akong pinipigilan ni Quicee pero kitang-kita ko ang gigil sa katawan niya.
“Wala kang kwenta, Josh! Ginamit mo lang ako!” sigaw niya.
“Cheska! Are you out of your mind? Huh? Sinong tatagal sa ‘yo, e ‘di ka marunong mag-shave! Kailangan ko pa bang sabihin ‘yon? Birthday mo kahapon kaya kita pinagbigyan!”
Para akong nabinge sa sinabi niya. Hindi niya ako gusto kasi hindi ako nagshe-shave?
“Hoy! Huwag mong bastusin ang kaibigan ko sa harap ko!” sigaw ko. “Wala kang kwentang lalaki! Kala mo kung sinong gwapo!”
“At least hindi ako baog!”
BOOM.
“Malaki nga ‘yang sa’yo pero isa lang naman ang laman!” sigaw ni Quicee, nanginginig sa galit. “Kaya pala ilang patak lang ang lumabas kagabi—kasi baog ka! Baog! Baog! Baog!”
Natahimik lahat.
Nag-init ang mukha ni Josh at akmang lalapit sa amin. Pero biglang bumitaw ang babae sa tabi niya.
“L-love?” mahinang sabi ng babae.
“Baog ka?” tanong nito. Nanlaki ang mata, sabay irap. “Sayo na ‘yang malaking alaga mo! Huwag ka nang magpakita sa’kin!”
Iniwan siya ng babae at nilakad palayo. Napanganga si Josh.
“Kasalanan niyo ‘to eh!” singhal niya, sabay habol sa babae. “Love, let me explain!”
Napatingin ako kay Quicee. Sabay kaming napatawa kahit halatang may luha pa sa gilid ng mata niya.
Ni-yakap niya ako at tinapik-tapik ang likod.
“It’s okay. Makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin ka ng totoo… kahit hindi ka nagsha-shave,” bulong niys
Imbes na matawa ako, mas lalo akong nangiyak. “Kainis naman eh! Nakalimutan ko lang naman mag-shave! Tapos ginawang big deal! Tsaka hindi ko naman sinabi na kainin niya ‘yun!”
Hinaplos niya ang buhok ko habang inaalo. “Hayaan mo na ‘yon. Kung gusto mo, tulungan pa kitang magkilintas next time.”
Napatawa naman ako, kahit bahagya. Hinampas ko naman siya ng mahina. “Ewan ko sa’yo!” Sabi ko. Grabi naman itong babaeng ito, pinapatunayan niya talaga na hindi ako nagshe-shave. “Saan ba next class mo? Baka ma-late ka na naman. Lagot ka na talaga kay Sir.”
Ngumiti naman siya. “O siya, mauna na ako. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong sa pag-aayos… ‘jan’. Byeee!” Sabi niya
Bumitaw na ako sa yakap at naglakad papuntang fourth floor, habang pilit pinipigil ang tawa ko.
Habang naglalakad ako sa hallway, pinipilit kong huwag isipin yung eksenang naganap kanina—kay Josh, sa harap ng lahat. Pero kahit anong gawin kong focus, may parte pa rin sa akin na masakit. Ang totoo, pagod na ako. Gusto ko na lang ng katahimikan.
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod.
Biglang may humarang sa landas ko.
Muntik na akong mapasigaw sa gulat.
Siya ‘yon.
Si Mr. Red.
Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit halos hindi ko makita ang buong mukha niya kagabi dahil sa dilim, hinding-hindi ko makakalimutan ‘yung malamig niyang presensya at matalim na titig.
Ngayon? Nakatayo siya sa harap ko. Suot ang school uniform na pang-faculty aide, pero ‘yung aura niya? Para pa rin siyang isang aninong handang umatake.
Tahimik lang siyang tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung matatakot ako o maaamaze. Pero ang katawan ko? Kusang gumalaw. Parang may invisible force na nag-udyok sa akin na sumunod sa kanya.
Naglakad siya. Mabilis, diretso.
Hanggang sa makarating kami sa likod ng school—yung parte na halos walang estudyante. Tahimik. May mga lumang upuan, sirang bubong, at ilang patak ng ulan mula sa kaninang ambon.
"B-Bahala na ‘yung class ko," bulong ko sa sarili. Mas importante ‘to.
Huminto siya. Humarap.
"Anong kailangan mo?" tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nanlalamig ang kamay ko.
Tumitig siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Pero ang malamig niyang boses, diretso, walang ligoy.
"Nandito sa school ang gustong pumatay sa’yo."
Napatigil ako.
Ano raw?
Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung natatakot ba ako o naguguluhan. Pero isa lang ang sigurado: hindi siya nagbibiro.
"Ha? Anong... ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong. "Sino ba kasi ‘yang sinasabi mong ‘yan?"
Tumingin siya sa paligid, parang sinisiguradong walang ibang makakarinig. Pero pagkatapos nun, umiwas siya ng tingin sa akin.
"Hindi ko pwedeng sabihin."
Diretso ang tono niya. May halong pag-aalinlangan. Parang gusto niyang sabihin, pero pinipigilan niya ang sarili.
"Kung ganun, bakit mo pa sinabi?!" Naiirita na ako. Anong klaseng pa-bitin ‘to?! "Mr. Red, kung totoo man ‘yan, gusto ko malaman. Karapatan kong malaman!"
Pero hindi siya sumagot.
Tumalikod siya. “Bumalik ka na sa klase mo,” sabi niya—malamig, parang wala lang.
At iniwan niya ako.
Hindi ko namalayan na nakatayo lang ako roon. Gulat. Nanginginig. Hindi ko alam kung dahil sa takot, kaba, o dahil ramdam kong may mas malalim pa sa likod ng babalang binigay niya.
Sino ang gusto sa aking saktan?
At... bakit ako?