Chapter 34 – "Hindi Kita Bibitawan" Cheska’s POV “Aray!” napasigaw ako nang biglang mahila ng isa sa mga babae ang buhok ko. Hindi ko man lang nakita na lalapit sila agad sa akin. Kanina pa kasi ako pinapansin ng grupo ng tatlong babaeng iyon sa may lounge area ng 6th deck. Hindi ko sila kilala, pero halata ko na may matinding inis sila sa akin. Siguro dahil nakita nilang kasama ko si Mr. Red kagabi—oo, ‘yung eksenang halos hindi niya ako pinakawalan buong gabi at kahit saan kami pumunta, kita nilang sobrang protective siya sa akin. “Ateng, ikaw lang ba talaga ang napapansin niya? Ang kapal din ng mukha mo, ha!” sabi ng isa, may mahabang kuko pa na parang gusto niya akong sugurin. Pinilit kong kumalma, pero hindi ko na rin maiwasan ang galit. “Excuse me, anong problema ninyo sa akin? W

