Makalipas ang 100 taon
Sa lungsod ng Manila,
Abala ang lahat ng tao sa paligid, naglalakihang mga gusali ang makikita, mga nagmamadaling mga sasakyan na nagsasalitan ng daan paroon at parito, masyado maingay sa kalsada mga busina nang sasakyan, usapan ng mga tao at ang pag-ihip ng pito ng traffic enforcer sa kalsada habang inaayos ang daloy ng trapiko.
Sa kabilang banda, sa company nang DewTech Company abalang nagpipirma si Reiner ng mga business papers ng kumpanya nang may biglang tumawag sa kan'yang phone.
Ito si Reiner Cervantes 23 taong gulang, 5'7" ang taas, nang galing sa mayamang pamilya, matangos ang ilong, may magandang pangangatawan, itim ang buhok, may mapupulang labi at kissable lips, maputi, at may kasingkitan ang mga mata.
Presidente ng DewTech Company isang sikat na kumpanya na iniidolo ng lahat maging sa labas ng bansa. Ang ama niya ay presidente ng samahan ng mga business man sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Lumaki itong malayo sa magulang dahil sa pagkaabala ng Ama at Ina nito sa pamamalakad ng mga negosyo. Hindi naman ito naging dahilan at hadlang para masira ang relasyon nito sa magulang sa halip ito pa ang naging inspiration niya para mas umangat pa sa buhay.
Masyado niya iniidolo ang ama kaya malaki ang naging tiwala nito sa kan'ya na makakaya nito hawakan ang kalahating negosyong hawak nito. Hindi naman niya binigo ang pangarap ng ama na mapalago pa ang nasasakupan ng kanilang pamilya. Lumawak ito hanggang sa ibang bansa.
Sa edad na 23, ipinagkasundo siya sa anak na babae ng kumpare ng kanyang ama dahil sa pangakong magtutulungan sila ng kanilang pamilya.
Kahit wala sa loob nitong magpakasal nang maaga ay tinanggap nalang nito ang kasal na hinangad ng ama para sa kaniya.
Ang anak ng kumpare ng kan'yang Ama ay si Rumina,19 taong gulang, nang galing sa mayamang pamilya, 5'3" ang taas, may malambot, mahaba at itim na buhok, matangos na ilong, may mapula, maliit na labi at kissable lips, bilugan ang mga mata, makinis, at maputing balat, at balingkinitan ang pangangatawan.
REINER'S POV
"Hello"
"Sir update po kay Lady Rumina wala pa din pong malay at muling ichecheck daw po ang vital nito ayon sa doctor" wika ng lalaki sa kabilang linya.
"Balitaan niyo ako kung tapos na" wika ko.
"Masusunod po young master Reiner"
Binaba ko na ang phone saka nag-umpisa muli sa aking ginagawa. Napahawak pa ako sa aking noo dahil sa panlalabo ng aking mga mata. "Pang-ilang linggo naba nakahiga sa hospital si Rumina?" bulong ko sa aking isip, napalingon ako sa orasan at napansing 3:00 na pala ng hapon. Muli akong bumalik sa aking ginagawa para matapos na ang business papers at magawa pa ang ilan mahahalagang bagay.
Habang abala ako kakatipa sa keyboard ng aking computer nang may kumatok sa pintuan at iniluwa ang isang babae na nagngangalang Lucy aka Nicole.
"Young master Reiner oras na po nang inyong meeting nasa room na po lahat ng manager, supervisor and teamleader" wika ni Nicole habang nakayuko sa akin.
Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at saka inayos ang aking itim na toxido sa aking paglalakad sumunod ang dalawang bodyguard ko na nakatambay sa loob sa kwarto napatingin naman ako sa aking relo at sakto alas 3:10 na nang hapon tamang tama lang para sa aking pagdating sa convention room. Habang dumadaan sa pasilyo at napapadaan sa mga empleyadong nakakasalubong ay agad silang nag sisiyukuan bilang paggalang sa akin. Hanggang sa nakarating ako sa opisina kung saan gaganapin ang pagpupulong agad akong pumasok para makapagsimula na.
Pagpasok ko ng room nagsitayuan ang mga manager, teamleader, at line leader saka ako nilapitan ni CEO Gilbert.
"I need immediately report about sales"
"masusunod young master" wika nito sabay yuko sa akin.
Si Gilbert Valiente 35 taong gulang ay matagal nang nagsisilbi sa aming pamilya bilang personal assistant namin ni papa.
Agad lumabas ng convention room si Gilbert para kunin ang kailangan ko.
Nagsimula naman ako magsalita sa harap ng iba pang empleyado at halos lahat sila ay nakatingin sakin at nakikinig.
6:00 pm sa mansiyon ng Cervantes
Pagbaba ko ng sasakyan iniabot ko ang aking dalang maleta kay Gilbert saka ako naglakad papasok ng mansion.
Pagpasok agad ako sinalubong ng mayordomo nasi Jeremiah saka ito yumuko. Napahinto ako sa tapat nito nang bigla ako may naalala.
"Balita sa sitwasyon ni Rumina?" tanong ko agad kay Jeremiah
"Ganun pa din po master Reiner comatose pa din po, pang isang buwan na"
"Ihanda mo lang ang copy ng divorce papers" wika ko nang hindi man lang nilingon si Jeremiah
"Opo"
Naglakad na ako para tumungo sa aking kwarto at makapagpahinga. Pagpasok sa aking kwarto dumeretso ako agad sa mesa para kunin ang divorce papers na inihanda ko kapag nagising si Rumina. Gusto ko nang tapusin ang lahat sa amin.
Nagtungo ako nang banyo para maligo, dito sinariwa ko ang mga ginawang kahibangan nang aking asawa.
Flash back
8:00 pm sa masiyon ng Cervantes
"Rumina!! ano itong lumabas sa bank account mo na halos nakagamit ka ng 500 thousand, ang sabi naman sa akin ni Jeremiah at ibang maid dito ay wala naman silang nakita bitbit mo pagdating galing galaan.
"Nag-kayayaan kami mag inuman kaya ayun napalaki ang gastos ko. Anyway salamat daw sa treat" wika nito na nakataas ang mga paa at nagtitipa sa kaniyang phone.
Napayukom naman ang mga kamao ko sa galit, punung puno na ako sa mga ginagawa nito sa araw-araw halos nabalita na din ito sa social media na nakikipag-inuman sa mga lalaki sa isang bar. Isang malaking kahihiyan ang idinulot nito sa kumpanya at sa pangalan ko buti nalang naaksyunan ko ito agad.
Walang araw na hindi ako makakatanggap ng mga mensahe na reklamo tungkol sa nakakaaway nito sa labasan maging sa paaralan. Hindi ko akalain na ganito ang pag-uugali nito, hindi ko ikakaila na sobrang ganda niya kung tutuusin pero grabe naman sa sama ng ugali.
Nagkamali lang ako sa pagsang-ayon sa kasal namin nang hindi man lang muna ito kinikilala. Naakit ako sa ganda niyang taglay kaya ako napa oo sa kasunduan at ngayon ay nagsisisi nang makasama ko siya.
"Rumina ano ba umayos ka nang upo mo" sigaw nang kaniyang ama
"Naku iho pagpasensiyahan mo na asawa mo."
"Aakyat na ho ako" wika ko sa ama nito napailing nalang ako sa mag-amang ito kaya kesa makabitaw pa ako ng salita agad na ako umakyat at hinayaan silang mag-ama.
Naririnig kong nagkakasagutan ang mag-ama kaya napahinto ako sa paglalakad, nakinig muna ako sa kanilang pagtatalo at hindi inaasahan ang mga salitang narinig ko.
"Papa kasalanan mo ito kung bakit ako kinasal agad sa taong iyon. Napakabata ko pa papa at gusto ko pa mag-enjoy bilang dalaga pero ng dahil sayo nasira ang pangarap kong iyon" sigaw nito sa ama niya
"Walang hiya ka wala kang utang na loob" sigaw ng ama nito sa kanya saka ito sinampal. "Malaki kana Rumina hindi kana bata para magliwaliw huwag kang gumaya sa mga kaibigan mong walang alam kundi ang magliwaliw lamang. Tingnan mo nga sarili mo puros kahihiyan ang ibinibigay mo sa asawa mo at ano ang resulta nang pagsasama niyo? halos manlamig na asawa mo sayo. Hindi ka paba tapos ha! Rumina! hindi paba sapat ang sakit ng ulong ibinigay mo sa amin ng mommy mo?! kailan kaba mananawa? hay naku Rumina, humingi ka ng paumanhin sa asawa mo mamaya matuto ka namang rumespeto"
"Huwag niyo ko diktahan sa gusto kong gawin sa buhay!" wika ni Rumina saka umakyat nang hagdan para magtungo sa kaniyang kwarto.
Napahinto ito nang makita ako, hindi na ako umimik pa dahil nakita ko na itong imiiyak.
"Kasalanan mo ito!" sigaw nito sa akin.
Tiningnan ko lang ito mula sa malayo habang naglalakad papuntang kwarto. Napailing nalang ako sa inasta nito kanina sa kaniyang ama.
Naglakad ako papunta sa kwarto niya para makausap. Wala na ako pakealam sa sasabihin niya tanggapin man niya oh hindi ano pa maging alibi nito at dramang pinaplano basta buo na ang aking desisyon na pakikipagdivorce dito. Nagsasawa na ako paulit ulit nalang ang pagpapahiya niya sa pangalan ko isa pa parang wala siyang asawa kapag nagkikita kami sa bahay puro cellphone nalang at kausap ang mga kaibigan halos hindi din kami nag-uusap parang hindi kami magkakilala sa loob ng isa't kalahating taong pagsasama namin. Kaya ngayon tatapusin ko na.
Bigla ko binuksan ang pintuan ng kaniyang kwarto at nadatnan ko itong kaharap na naman ang cellphone at may kausap. Sa inis ko agad akong lumapit kay Rumina saka kinuha ang cellphone na hawak, sinubukan kong pakinggan ang boses sa kabilang linya, boses lalaki ito. Napalingon ako kay Rumina ngunit salubong ang kilay na nakatingin ito sa akin bilang kapalit.
"If this is what you want to happen, Rumina, I won't stop you anymore" wika ko matapos itapon ang cellphone nito sa kama.
"Maghiwalay na tayo, nakahanda na ang divorce paper sa opisina ko at tanging ang pirma mo nalang ang kailangan, ipapahatid ko nalang kay Jeremiah." wika ko sa kaniya sabay talikod para maglakad palabas ng kaniyang kwarto.
"What!?" sigaw nito sa akin.
Tanging pagbuntong hininga na lamang niya ang kasunod na narinig ko.
Sa aking silid matapos kong maligo
Nagsuot muna ako ng bathrob saka binuksan ang telebisyo sa aking silid.
Maya maya pa ay may kumatok sa aking silid sabay biglang bukas nito at si Jeremiah ang pumasok na naghahabol ng kaniyang hininga.
"Young master Reiner, si Lady Rumina po, naglaslas ng kaniyang pulso"
tarantang wika nito sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa narinig, hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan si Rumina. Todo takbo ko sa hallway nang may maalala ako sa ginawa nitong panloloko noon nang dahil sa nagalit ako sa kaniya at nagsabi akong ikukulong ko siya sa kaniyang silid kapag hindi siya umayos nagkunwari itong nagsaksak ng kutsilyo sa tiyan, sa taranta ko nagpatawag agad ako ng ambulansiya nangarinig ko ang pagtawa nito, dahil isang laruang kutsilyo lamang ang kahawak nito na ang talas nito ay lumulubog kapag idinidiin sa katawan.
Napatigil ako sa pagtakbo saka hinarap si Jeremiah "Totoo bang naglaslas ito ng kaniyang pulsuhan?"
Pansin ko ang paglaki ng mata nito tila nagtataka kung bakit "ah opo master"
Tumakbo na akong muli patungong kwarto niya pagpasok ko sa loob ay nakita kong natataranta ang ilang katulong habang nakatingin sa nakahandusay na si Rumina.
Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa kaniya at tiningnan ang kaniyang lagay. "Nagbibiro ka na naman ba Rumina para kaawaan?" ngunit nanatili itong nakapikit, sa pagkakataong ito mukhang hindi ito naglalaro oh nagsisinungaling man lang mukhang naglaslas talaga ito ng kaniyang pulsuhan. "Argh!"
"Jeremiah tumawag ka nang ambulansiya!" sigaw ko kay Jeremiah
"Kiky kuwaan mo ko ng damit sa kwarto ko"
"O...opo master" utal na sagot ni kiky sa akin na agad tumakbo palabas.
Hinawakan ko ang pulsuhan ni Rumina ngunit wala akong maramdamang pagtibok
Sinubukan kong gawin ang cardiopulminary resuscitation o CPR at binigyan nang hangin sa pamamagitan ng pag-ihip sa bibig nito.
10 minuto din bago ko naramdaman ang paglabas ng mahinang paghinga nito at ang mahinang pagtibok ng pulsuhan nito.
"Master nandiyan na po ang ambulansiya" wika ni Jeremiah
"Sige" pinahawak ko muna sa isang maid ang pag CPR kay Rumina para makapagpalit ako ng susuotin kaya pumunta muna ako ng CR para makapagbihis.
"Tsk ano na naman kaya ang plano nitong babaeng ito dapat pinababayaan na ito ni master kasi sakit lang ito sa ulo eh" wika ng maid na nag-CPR kay Rumina.
Paglabas ko galing CR ay agad akong naglakad papunta kay Rumina para buhatin ito papuntang ambulansiya.
End of flash back
Matapos maligo at magbihis pumunta ako ng balcony at iniisip si Rumina, napamahal na sa akin si Rumina pero para sa reputasyon ko at magkaroon ng katahimikan sa buhay mas maigi nang maghiwalay nalang kami.
END OF REINER'S POV
8:00 nang umaga
Sa hospital kung saan abalang abala ang mga nurse na umaalalay sa mga pasyente, ang iba ay napapatakbo pa dahil sa emergency at ang maya't mayang dating ng mga ambulansiya bitbit ang mga naghihingalong pasyente.
Bahagyang napamulat ako ng aking mata saka inilibot ang aking paningin sa bawat sulok ng puting silid.
"Asan ako?" muli akong napapikit at muling itong idinilat, nagbabakasakali na baka nananaginip lang ako.
Dahan dahan akong bumangon saka kinundisyon ang aking ulo dahil nakaramdam ako ng pagkirot.
Napansin ko ang mga tusok sa aking kamay, "Meron din sa aking ulo, tapos sumpit sa aking ilong, bakit may sumpit ang ilong ko? o sadyang pumasok lang ang sumpit na ito sa butas ng ilong ko?" wika ko sa mahinang boses. Dahan dahan ko naman ginalaw ang maliit na kutsilyong nakatusok sa aking kamay at ulo. "Ano ba ito? kutsilyo? bakit ang liit? teka nga" Nang ginalaw ko ito ay sobrang sakit, "waaaaaaaaaaa ayoko nito waaaaaaaaa". napahagulgol na ko nang pag-iyak.
"Dr. Drei mukhang boses ni___" hindi na natapos ng nurse ang sasabihin kay Dr. Drei.
Agad silang napatakbo patungo sa aking kwarto. Nang makapasok;
"Lady Rumina huminahon po kayo" wika nito habang napatakbo sa aking kama.
"Hello Lady Rumina ako po si Doc. Drei ang inyong personal doctor." wika nito sa aking harapan pero hindi ko siya inintindi sa halip mas inisip ko yung mga maliliit na kutsilyong nakatusok sa kamay ko.
"A..e... Lady Rumina?" pagtatakang tanong sa akin ni Dr. Drei nang mapansin nitong panay ang luha ko.
"Tanggalin niyo ito ang sakit ng kutsilyong ito" wika ko habang humihikbi.
Nagkatinginan ang dalawa tila hindi makapaniwala sa inaasal ko.
"Ammmm Lady Rumina ano pong kutsilyo ang tinutukoy niyo?" tanong sa akin ng nurse.
Itinuro ko naman ang mga kutsilyong sinasabi ko, napakamot nalang sa ulo ang doctor, ang nurse naman ay napangiwi ang labi sa akin.
"Lady Rumina hindi po iyan kutsilyo, karayom po ang tawag diyan" paliwanag ng nurse sa akin.
Humagugol lang ako ng iyak dahil masakit talaga.
---
Sa opisina ng DewTech
Abala si Reiner sa kaniyang trabaho nang tumunog ang kanyang phone
"Hello" wika ni Reiner
"Sir Dr. Drei po ito, magandang balita po, gising na po si Lady Rumina" sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Sige" tugon ko sa doctor
Agad napatayo mula sa pagkakaupo si Reiner.
"Nicole ihanda ang sasakyan!" utos ko sa aking secretary.
"Masusunod po!" pagyuko nito sa akin ay agad din itong umalis.
"Gilbert tara sa hospital" aya ko kay Gilbert saka ako naglakad palabas ng opisina.
Agad itong sumakay ng kotse kasama si Gilbert, agad ding umalis para magtungo sa hospital.
Sa hospital 10:00 am
Nagkakagulo at madami nang mga taong nakaputi sa aking silid at pilit na hinahawakan ako para pigilan sa ginagawa kong pagtanggal sa mga karayom daw ito kung tawagin nila.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ko sa kanila.
"Pero Lady Rumina hindi po maaari" wika ng isang nurse na pumipigil sa akin.
"Hindi niyo ba alam na isang kalapastanganan ang pagpigil sa inyong binukot!" sigaw ko sa mga ito na nagpatigil sa kanilang ginagawa sa akin.
"Ano daw?" wika ng isang nakaputing babae na nakahawak sa akin.
"Inyong dinukot ba?" wika ng isa pang babaeng nakaputi
"Parang boykot ata" wika ng pangatlong babaeng nakaputi muli
"Nako te google search na nga tayo" wika ng pang apat na babaeng nakaputi saka may inilabas ng maliit ng bagay at tila may dinudutdot. "Ano po ulit iyon Lady Rumina?"
Napakunot nalang ang aking kilay sa mga kinilos ng mga taong nasa harapan ko. "Binukot" dahan dahan kong sagot sa babae.
"Ahh binukot wait lady Rumina kumalma ka lang diyan" muli nitong wika.
"Bakit tinatawag nila akong Rumina?" bulong ko sa isip ko.
"Prinsesa?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ito 'yung babaeng nagtanong sa akin nitong huli. Napatingin silang lahat sa akin na tila mga gulat sa sinabi ng isang babaeng nakaputi.
"Bakit?" tanong ko sa mga ito.
Nagbulungan ang mga nurse na nasa likod ng doctor at nagtawanan pa ang mga ito.
"Pinagtatawanan niyo ba ang inyong binukot" sigaw ko sa dalawang babae na nasa likuran pero mas lalong napatawa ang mga ito at sumabay na din sa pagtawa ang iba pa.
Kinanuot ko ng kilay ang pangyayaring iyon, "ano ba ang nangyayari?" wika ko sa mahinang boses.
Biglang dating ng isang lalaking matangkad na nakasuot ng itim na damit at seryoso itong nakatingin sa akin.
"Uncle?" wika ko sa mahinang boses
Uncle ang tawag ko sa kababata ko na ampon ni ina at ama dahil sa magkaiba ang aming magulang kaya mas pinili ko tawagin itong uncle kesa sa kuya na nais ipatawag ng aking magulang.
Natahimik naman ang mga tao na nasa loob ng aking silid at pinakatitigan siya ng mga babae nang pumasok ito.
Huminto ito sa harapan ko at tinititigan lang ako. Nilapitan naman ito ng lalaking nakaputi kanina, ang gwapo talaga ni uncle ko. Ngingiti na sana ako nang bigla ko maalala ang ginawa nito sa akin na muntik ko na ikamay, buti nalang at buhay pa ako.
Napahinto ako bigla at natulala sa aking sinabi, napatingin ako sa aking mga palad na ikinalaki ng aking mata "bakit parang my kakaiba sa katawan ko at ang suot kong damit parang iba" nasampal ko pa ang aking sarili dahil baka nananaginip lang ako, "pero hindi ito panaginip halos lahat nagbago maging ang mga taong nasa paligid ko, at si uncle maging ang kanilang kasuotan nagbago din gaya ng akin, anong nangyayari?" bulong ko sa aking isip.