Wrong Door
"Yup, palabas na ako,"mababa ang boses na sabi ko sa kausap bago tinapos ang tawag na iyon at ipinasok sa bulsa ng pantalon na suot ang cellphone.
Maingat ang aking bawat hakbang at sinisiguradong walang magagawang kahit na anong ingay mula sa pagbaba sa hagdan. Lampas alas nuwebe na din ng gabi kaya naman ay siguradong tulog na ang mga tao sa bahay dahil na din sa nakakapagod na maghapon.
I don't want to sneak in our house late at night, ngunit anong magagawa ko? Dad grounded me for a week because of talking back at him with such rudeness. May plano ako kasama ang mga kaibigan ko at hindi ako pinayagan ni Daddy dahil na idin sa parehong dahilan kaya't wala akong choice.
"Ohmy–"
Mabilis kong dinala ang mga palad sa bibig upang pigilan ang pagsigaw dahil sa gulat nang mayroong biglang tumalon sa harapan ko. I nearly squealed in surprised. Bumaba ang palad ko sa dibdib, ramdam at rinig ko din ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa sobrang gulat. Luminga ako sa paligid, naniniguro kung mayroong nagising at nang mapag-alamang wala ay nakahinga ako ng maluwag bago bumaba ang mga mata sa harapan ko.
"Meow!"
Nagtaas baba ang balikat ko nang makita ang salarin. I took a deep breath.
"You nearly gave me a heart attack, Prime!" I hissed at my cat who's just looking at me.
He gave me another meow before looking away and walking passed by me. Napanguso ako dahil doon saka nagpatuloy sa pagbaba. Bastos na pusa.
"Where are you going? Gabi na, ah."
Natulos ako sa kinatatayuan at bahagyang yumuko upang itago sa hoodie na suot ang mukha mula sa taong nagsalita ilang metro ang layo mula sa akin. Of all people, bakit siya pa?
"Answer me, Aless."
Napanguso bago napakagat sa pang-ibabang labi ngunit nanatili ang mga mata sa ibaba habang pinagbabangga ang mga daliri dahil sa kaba.
"Christiene Alessandra," may awtoridad ang boses nito kaya't wala akong nagawa kung hindi ang mag-angat ng tingin.
"Y-yes, Red?'
I can't help but to stutter when I med his dark eyes and expressionless face. And right here at where I stand, I know I'm doomed.
He'll gonna tell Dad.
"Saan ka pupunta sa ganitong oras? Late na, Aless."
Nag-iwas ako ng tingin dito at ibinaba iyon habang bumalik ang pagkakakagat sa pang-ibabang labi. I need to lie.
"Magpapahangin lang, can't sleep."
Alright, Alessandra. That's the brightest excuse I've ever heard. Sa sobrang talino ay siguradong hindi maniniwala itong kaharap ko.
So much for an excuse.
"Again, where are you going?"
I pursed my lips, thinking of another excuse. Late na ako na pupuntahan ko at siguradong naroon na ang mga kaibigan ko.
"No use of thinking about excuses, sagutin mo ako."
Lalo akong napanguso bago nag-angat ng tingin dito. He raised his brows at me.
"Pupunta ako sa isang fashion show," muling tumaas ang kilay nito.
"Say that again?"
Nalukot ang mukha ko, I know he's mocking me hearing that words fashion show.
"Stop it, Red. Eh, sa pupunta nga ako, bakit ba!"
Tumaas ang sulok ng labi nito at sumilay doon ang nanunuyang ngiti na lalong nagpalukot sa mukha ko.
"You don't know what fashion is, Aless. Passion lang ang alam mo kaya't bakit ka pupunta sa ganong event?"muling nagsalubong ang kilay nito, "At bakit kailangan mo pang tumakas?"
I put my arms at my chest and slightly rolled my eyes while still frowning at him.
"I'm grounded, remember? At saka kasama ko naman sina Gabby at Aries a pupuntahan ko, e. They're now waiting for me there, nakapag-promise na ako kaya't kailangan kong pumunta."
"Arie?"
I gave him an unbelievable look, sa lahat ng sinabi ko ay iyon lang ang nakakuha sa atensyon niya? What's wrong with my cousin, really?
"Bakit pati siya ay pupunta?"
Nagkibit balikat ako sa tanong niya.
"Nandoon daw iyong crush niyang model and you know, Gabby just got back not so long ago, ginagawa nila 'to for me kaya payagan mo na ako–"
"Ihahatid kita."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Hindi makapaniwala sa narinig.
"Say that again?"
"Ihahatid kita,"ulit nito sa sinabi habang nasa cellphone ang mga mata at nagtitipa doon.
Sumilay ang malaking ngiti sa labi ko dahil doon at mabilis na lumapit sa kaniya.
"Really?"
Tumango lang ito bago ibinulsa ang cellphone at tumingin sa akin.
"Let's go before I change my mind, sa susunod ay isusumbong na kita."
Tumango lang ako habang may matamis pa ring ngiti sa mga labi saka sumunod na sa kaniya palabas at patungo sa sasakyan niya.
Mabilis akong sumakay doon nang patunugin niya ito, mahirap na, ba ka magbago pa ang isip.
"My friend's having a fashion show tonight, doon ba ang punta niyo ng mga kaibigan mo?" nilingon ko siya matapos icheck ang cellphone ko.
"Sinong kaibigan mo?"
I don't know even one of his friends. Hindi ko naman kasi sila nakakasalamuha at hindi ako sumasama kay Red sa tuwing nag-aaya ito kasama ang mga kaibigan.
"Primo. He's kinda famous."
Tumango lang ako saka ibinalik na ang paningin sa harapan. I don't know he has a celebrity friend.
"You don't know him?"
Umiling lang ako at hindi ito nilingon. I haven't heard that name in showbiz. Fan ako ng isa sa sikat na singer artist at model, I named my cat Prime after him.
"Really? You don't know Prime Montefalcon?"
Natigilan ako nang marinig ang pangalang iyon mula sa pinsan ko. Then slowly, I turned my gaze at him.
"You gotta be kidding me." I eyed my cousin suspiciously, still shocked, "Are you saying that y-you friends with m-my i-idol?"
"As much as I don't want to accept it but, yes. Kaibigan ko ang gagong 'yon."
Hindi pa rin ako nakakabawi sa sinabi niya. My cousin is friends with Prime Montefalcon? My long time idol, and I don't even have an slightest idea about it?
"You seemed so shocked." rinig kong sabi nito, nasa tono ang pagtataka,"Oh, right. Hindi ka nga pa la nakikihalubilo sa mga kaibigan ko."
I don't know his friends, yes, but never in my wildest dream have I ever imagine that, him, Red, my cousin is friends with my cousin. All this time? Kung sumasama ba ako sa kaniya ay nameet ko na si Prime? Napakarami kong katanungan sa isip at pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko dahil sa mga ito. Just how stupid I can get?
"Hey, Aless? You alright?"
Muli ko itong binalingan saka tumango matapos magbuga ng hininga.
"Yeah, I'm just shocked. I can't believe it."
"Well," nagkibit balikat ito,"Hindi ko din naman iyon matanggap kaya't hindi nakakapagtaka na hindi ka makapaniwala– hey, what's that for?"
Napaikot ako ng mga mata dito saka humalukipkip matapos siyang hampasin sa braso.
"Stop acting like that, you should be glad. It's after all Prime Montefalcon!" lalong humaba ang nguso ko nang umingos ito.
"He's an idiot and such an annoying dude, tell me, why should I be glad?"
Well, I don't know him that much. Kung ano ang ipinapakita lang sa camera ang alam ko ngunit hindi naman siguro siya ganon. Red was just exaggerating it.
I just can't believe that he knows him after all this time, samantalang ako ay sa mga videos, pictures at interviews ko lang nakikita iyong tao. I envy him, sa concerts ko lang nakikita ng personal si Prime at malayo pa dahil wala akong pera para sa VIP ticket.
"We're here."
Huminto ang sasakyan at naputol ako sa pag-iisip, tinignan ko kung saan kami huminto ay sa harapan iyon ng isang malaking gusali.
"Oh, before I forgot, I got you a present." natigil ako sa pagtanggal ng seatbelt saka bumaling sa pinsan ko.
"Present? Anong meron?"
May kinuha ito sa bulsa saka iyon ihinagis sa akin. Maliit lamang iyon at may keychain kaya't medyo nahirapan akong saluhin.
"What's this?" tanong ko habang sinusuri iyon.
Alessandra's Present, basa ko san aka inscribe sa stainless na keychain na naka-attached doon.
"Flash drive, I think."
I looked at him flatly,
"I know that, Red. What I mean is, what's this for?"
"A present for me. Birthday mo next week, hindi ba? Opened it on your birthday."
Gusto ko pa sanang magtanong ngunit naalala ko na late na ako at siguradong nag-aalala na ang mga kaibigan ko kaya't nagpaalam na ako kay Red na bababa na at papasok.
"I'll wait for you here. Be careful."
Tumango ako sa kaniya habang may ngiti sa labi bago kumaway at tumalikod na doon upang maglakad patungo sa gusali.
"Tell Sianeska to come here in an instant when you see her!" pahabol pa ni Red na nilingon ko saka tinanguan bago nagpatuloy.
It was just a big building, may iilang tao sa entrance at maraming nakaparadang sasakyan. Hindi din nakatakas sa akin ang media at ilang kilalang announcer at photographer.
"Hey, Gab–"Where the hell are you, Alessandra? Malapit nang mag-umpisa, dalian mo."
Huminga ako ng malalim.
"Okay, which door should I enter?"
"Oh, the one at the right."
Matapos sagutin ang tanong ko ay pinatayan na ako nito. Huminga naman ako ng malalim saka muling ibinulsa ang cellphone bago ipinihit at itinulak ang pinto sa kanan gaya ng sabi ni Gabby. Pumihit ako paharap matapos isarang muli ang pinto at nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. I felt my breathing stilled my heart suddenly raced in shocked. Imbes na kumpulan ng mga tao ang madatnan ko ay iisang tao lamang ang nakatayo sa gitna ng silid na pinasukan ko.
Isang tao na hindi ko inaasahang makita sa ganitong pagkakataon. This must be a dream, imposible. You gotta be kidding me.
"No need, just give me a call–"
Naputol ang pagsasalita nito nang mag-angat ng tingin at masalubong ang mga mata ko. Gaya ng akin ay nakaguhit din sa mga mata nito ang labis na gulat. Ilang Segundo din ang itinagal ng aming titigan bago nito iyon pinutol at bumalik sa kausap mula sa telepono.
"I need to hang up now."
I can hear everything, his voice, my heart beat and even my uneven breathing. Naririnig at nakikita ko ang lahat ngunit hindi ko magawang igalaw ang katawan o kahit manlang ang maibuka ang mga labi upang magsalita. I just got frozen at where I stand, alive yet barely breathing.
"What are you doing here, Miss? Are you a new staff? Or, are you lost?"
Sunod sunod ang naging tanong nito ngunit nanatili lamang akong nakatayo doon at nakatitig sa kaniya.
"Ahm, Miss?"
Ilang beses akong napakurap nang kumaway ito sa harapan ko at nang mapagtantong hindi nga ako namamalikmata ay napasinghap ako.
"Are you for real?" I tried pointing my point finger at his cheek and when I felt his skin on it, I nearly jump in shocked, "It's really you!"
Napatakip ako ng bibig at napasinghap dito. I took a step back while my eyes widened in shocked.
"Ohmygod!"
Mabilis akong napakaripas ng takbo palayo dito, inabot ko ang handle ng pinto saka iyon pinihit pabukas at walang lingon lingong tumakbo paalis sa silid na iyon.
I heard him calling out for me but I didn't bother looking back. Hindi ko ba alam ngunit tila ba may mali. It's Prime Montefalcon,
Prime Cedric freaking Montefalcon
My idol and I just met him!
"This must be a dream, wake up, Aless."
Pinisil ko ang pisngi saka binalikan ng tingin ang pintong nilabasan mula sa pillar na pinagtataguan. Hindi iyon kalayuan kaya't malinaw sa akin ang karatulang nakasabit doon.
Restricted, basa ko doon at halos sabunutan ang sarali nang mapagtantong hindi ang kanang pinto ang nabuksan ko kung hindi ang kaliwa.
Just how stupid I can get, why didn't I even noticed that I entered a wrong door?