Chapter 30 Alas siyete na ng umaga pero tinatamad si Amara na bumangon. Mataas na ang sikat ng araw pero heto pa rin siya nagpabaling-baling sa kama. Matagal siyang hindi nakatulog kagabi dahil sa kahihintay kay Zach ngunit hating gabi na ito ng dumating. At maaga din itong umalis sa kanyang tabi. Nasaktan na nga siya sa nalaman wala pang balak siyang pakasalan ni Zach at ngayon doble ang kanyang nararamdamang sakit dahil sa ipinakitang pambabalewala sa kanya ng katipan. Hindi niya matukoy kung ano pa nga ba ang papel niya sa buhay ng binata. Nais na niyang umuwi ng Cebu, marami na rin siyang napabayaan na trabaho simula nang nagpakita sa kanya si Zach. Pero kung hindi lang dahil sa matandang donya. Matagal na siyang umalis ng mansiyon. Simula nang dumating sila nag-iba na ang pakikit

