CHAPTER 32

1253 Words

Chapter 32 Nasa magkabilang pisngi ang mga palad ni Zach habang ang mga mata hindi inihiwalay sa pintuan ng emergency room. Napuno ng kaba ang kanyang puso. Ni hindi niya man lang nais kumurap, inaantabayanan niya ang paglabas ng doktor na nag-aasikaso ni Amara. Muntik na niyang masuntok ang doktor kanina dahil binawalan siyang pumasok sa loon ng ER. Mabuti na lang at napakalma pa siya ni Zeus. “Zach, kumusta ang apo ko? Ano’ng nangyari sa kanya?” Mangiyak-ngiyak na tanong ni lola Olivia nang tuluyan na itong makalapit sa kanya bago pa man dumating ang dalawang matanda. “Lola, bakit hinayaan mong lumabas ng bahay si Amara na mag-isa? Sana pinasamahan mo siya sa mga kasambahay natin.” Lakad upo ang kanyang ginawa. Hindi mapakali si Zach sa kanyang kinaroroonan. Nandito sila ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD