Matulin ang takbo nila Amara at Zach habang sinuong ang malakas na ulan para makarating kaagad sa bahay dahil may natamaan na ang kidlat ang malaking puno ng mangga na nasa bakuran nila Amara. Malakas na bumagsak ang pintuan. Pareho silang hinihingal at nanginginig sa lamig dahil sa basang-basa na ang kanilang mga suot. “Diyos ko! Ano’ng nangyari sa inyong bata kayo? Bakit nabasa kayo ng ulan? Naku, alam naman ninyong napakadelikado sa labas bakit ang tagal ninyong pumasok?” Sinalubong sila ni Lola Olivia. Inilalayan ni Amara sa papasok ng bahay dahil nanghihina na ito sa kanyang lagnat. “Pasensiya po, Lola. Ito kasing alaga mo napakatigas ng ulo,” saad ni Amara. Hindi naman nagsalita si Zach nanatili lamang nakayuko ang kanyang ulo. “Letecia! Leticia!” “Ma’am, bakit po?” “Kumuha k

