Naging Tayo Kaya 2

1668 Words
Natapos ang tatlong araw na fieldtrip. Balik iskwela tayo. Pero sa totoo lang, hanggang ngayon hindi maalis ang inggit sa sistema ko. Paano? naiinggit ako kay Meanne sa oras at mamahaling regalo na ginugol ni Derek sa kanya. Ganoon pala magmahal ang isang Derek. Bigla kong natanong, kailan kaya ako makakaranas ng ganoon. 'Yung gawin ding special. Tila ba bigla ay gusto kong lumabas sa pinagtataguan kong shell, gusto ko na ring umibig at ang ibigin. Gaya nga ng sabi ni Roanne, parang extended barkada namin kayo. Kasama lagi sila sa bawat lakad. Minsan nga nasasama na ako sa inuman session ninyo,lalo na kapag walang titser o malaki ang oras na gap ng bawat subject. B.I kaya kayo sa akin. Pero siyempre hindi ako nagpapaepekto. Nag-iinuman kayo samantalang ako eto at nagsusunog ng kilay para sa test mamaya. Parang ang unfair kasi nag-eenjoy lang kayo diyan tapos ako pa ang magpapakopya mamaya, maghihirap na sagutan ang mga tanong tanong easy lang kayo. Pero masaya naman, ang dami 'nyo kaisng pa-thank you eh. Nagpatuloy at naging okay naman lahat tayo noong magsecond year na. Grabe ang pinagbago ni Meanne. Nakarebond ang buhok nito at mas lalong sexy magdamit. Nagulat ako noong iwasan niya si Derek. Parang nag-iba na rin ang pakikitungo ni Meanne sa barkada. Hindi na siya gaya ng dati, iniiwasan na niya tayo. "Guilty kasi kaya ganyan!" Galit na saad ni Roanne. Lalo akong nagtaka kung bakit ganoon ang galit niya. Nalaman ko na lamang na niloko pala niya si Derek sa nakaraang bakasyon. Kaya pala napakalungkot ng mga mata ni Derek. Tila may mabigat na bagay sa dibdib ko. Naawa ako ng husto rito. Ikaw Aldred hayun unang araw pa lang pinagloloko mo na ako. Pero hindi lang naman sila ang nagbago. Laking gulat niyo noong nakipagbiruan ako. "Woah, ikaw bayan Hannah? Welcome sa outside world!" Pagbibiro mo sabay akbay sa akin. Nagtawanan kayo habang ako napawi ang ngiti noong magkatinginan kami ni Derek. Ang lungkot-lungkot niya. Nginitian ko siya. Ngumiti siya pabalik, kaya yung puso ko biglang malakas ang pintig. Nag-iba ng barkada si Meanne. Tayo naman, nadagdagan. Nasali sa barkada sina Jazz, Racquel, Jayson, Chie at Janet. So bale siyam tayong lahat. Naging ka close ko si Janet Nalaman kong crush ka niya, Aldred. Natawa pa nga ako. Inasar ko siya kung anong nagustuhan niya sa iyo. Guwapo ka daw, aminado ako. Mabait ka daw, hindi ko kokontrahin iyon. Masaya ka daw kasama. Pak na pak iyon. Lagi mo nga akong pinapatawa eh. Kasi naman sa lahat na babae sa barkada sa akin ka pinakamalapit, as in ako lagi ang inaasar at nilalapitan mo. Ewan ko ba kung bakit trip na trip mo ako. Dahil ba parang tuod ako? Walang landi sa katawan. Sikretong malupet iyong pagkakagusto sa iyo ni Janet . Iyon tuloy nasabi ko rin na crush ko si Derek. Masarap pala maging open sa isang kaibigan. Nagdadalaga na yata talaga ako, tinutubuan na ng landi sa katawan. Makalipas pa ang buwan, tumatag lalo ang samahan. At times my group work. Nagrugrupo ako kay Derek, may pangaasar ang tingin sa akin ni Janet. Kaya inaasar ko din siya sa iyo. Pero wala ka namang pakialam. Paano may girlfriend ka pala sa malayo. Nalungkot ako noong malaman iyon. Parang may pumiga sa puso ko na may minamahal ka na pa lang iba. Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, dahil siguro sa awa ko kay Janet. Iniyakan niya kasi ang pagkakaroon mo ng ibang mahal. Nagseryoso na tayo sa pag-aaral, third year na tayo noon bawal na magpasaway! May group project tayo. Magluluto tayo para sa mga Cadets sa tactical. Gabi iyon at may kailangan tayong bilhin sa palengke. Dahil busy ang lahat, nagprisinta kang ikaw na ang bibili. Pero damuho ka talaga, hinila mo ako para samahan ka. "Sakay na ah!" Pamimilit mo. Inirapan kita. "Hindi nga ako marunong sumakay. Natatakot ako!" Madiing tanggi ko. Sa unang pagkakataon, nagseryoso ka at tinitigan ako. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. What the? Bakit ganito. Dahil kaya nagagalit ka na? "Basta kumapit ka sa akin, iingatan naman kita!" Wika mo. Tinalikuran na ako at umusad para bigyan ako ng espasyo. Napabuntong hininga ako at sumampa sa motor mo. Humawak ako sa balikat mo. Nakakahiya. Alam kong malapit tayo pero firts time kong madaiti ang katawan ko sa iyo. Para akong nakukuryente. Ewan ko kung bakit. "Sa beywang ka kumapit. Iyakap mo," utos mo. Hinampas kita sa braso. "Ayaw ko nga, pwede na ito. Dahan-dahan ka na lang," suhestiyon ko. "E di madaling araw na tayong makakarating! Maglakad na lang tayo kung ganoon. Mas matagal pa kita makakasama," biro mo sa akin. Lalo lang kitang nahampas sa braso. "Sige na, hindi tayo aabot nito at hindi makakaluto. Yumakap ka na...este kumapit ka na ng makapunta na tayo!" Wala akong nagawa. Humawak ako sa beywang mo pero hinila mo ang kamay ko. Pinagsalikop mo ito sa harap ng tiyan mo. "Diyan ka sa abs ko kumapit!" Sabi mo na ikinaikot ng mga mata ko. Pero alam mo, ang gaan talaga ng loob ko sa iyo. Iba kapag kasama kita. Masaya... swerte ang girlfriend mo sa iyo. Makalipas ang ilang buwan, masaya pa rin tayong barkada. Sa boarding house ni Roanne kapag walang klase o mahaba ang gap bago ang ibang klase natin, doon tayo nagluluto, nananaghalian at natutulog minsan. Magkakatabi tayong natutulog sa sahig na nakukumutan ng banig. Napagitnaan ninyo ako ni Janet. Gusto kong makipagpalit sa kanya pero nahihiya siya kaya ako ang katabi mo. Tahimik ka lang naman sa tabi ko. Tulog ka na siguro. Pero noong lumingon ako sa banda mo, nakaside view ka at nakatitig pala sa akin. Bigla akong namula at nag-iwas ng tingin sa iyo. Narinig kitang bumuntong hininga at tumalikod na. Buwan ng Oktubre taong 2007. Biglang may nagtext sa akin. Bagong numero kaya inignore ko. "Can you be my textmate?" Napairap ako sa nabasa ko. May pontio pilatong gusto pa yata akong lokohin. Hindi ko iyon nireplayan. Pero nag text ulit ito. "Si Derek to Hannah, pwede ba kitang makatextmate?" Kinabahan ako. Napakadaming tanong sa isip ko. Paano mo nalaman ang numero ko, ikaw ba talaga ang nagtetext? Nasagot lahat nang iyon noong nagtext back ako. Ikaw nga, at kinilig akong masayang nakipagtext na kay Derek . Lihim kaming nagtetexan, kapag nasa school palihim lang kaming nagngingitian. Nahihiya ako, ganoon din naman siya. Ilang linggo lang, bigla siyang nagsabi na manliligaw. Hindi ako naniwala sa una. Kaya sabi ko manligaw na lang muna siya sa text. Ayaw ko muna sa personal. Kaya hayun nga, gabi-gabi kami nagtetext. Ewan ko kung dahil inlove ako pero nag-ayos na ako sa sarili ko. Bumili na ako ng foundation at lip tint. Nagdamit na rin ako ng medyo hapit sa katawan. Namangha nga sila Roanne dahil napakaseksi ko daw. Well, siguro nga dahil noong nakasuot ako ng hrm uniform natin black skirt na under the knee at white blouse. Halos maglingunan ang nakakakita sa akin. Maging ikaw Aldred, napuri ako. Medyo may kinang pa ang mga mata mong nakatuon sa akin. "Hindi lang ako ang maganda at seksi. Tignan mo si Janet, ganda rin!" Palatak ko. Tumingin ka sa kanya. Siniko naman niya ako. "Maganda kayong lahat,"sabi mo sabay kindat sa kanya. Langya, naglandi ka na! Napatingin ako kay Derek sa tabi mo. Nakangiti ito. Ngumiti rin ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. November 8, birthday ko. Sabado iyon. Wala naman akong handa masyado, nagluto lang si mama ng pansit at biko. Hindi ako nag-imbita, pero may inaasahan akong dadalaw. Alam naman niya na birthday ko. Mahilig siyang manorpresa noon. Siguro sosorpresahin ako di ba? Pero walang pumunta. Nagtext lang siya ng Happy birthday. Pero wala siya. Alas kuwatro ng hapon. Nasa likod bahay ako. Nakahiga sa duyan. Sumigaw si mama. May bisita daw ako. Kumaripas ako ng takbo para puntahan ang bisitang iyon. Akala ko mapapawi ang ngiti ko dahil hindi si Derek iyon, mas lalong lumuwang yata ang ngiti ko dahil ikaw Aldred kasama si Jayson ang bisita ko. Napakamot ka pa sa ulo noong ibigay ang regalo ninyo. Sabi mo galing sa inyo si Jayson. Isa iyong maliit na teady bear. Ang cute kaya, nagustuhan ko. Pinakain ko kayo doon. At nagkuwentuhan tayo nang biglang mapadako ang tanong ninyo sa lovelife ko. Kinabahan ako, napaisip ko, nasabi ba sa inyo ni Derek na nanliligaw siya sa akin? "Paano kung may manligaw sa iyong kaibigan Hannah, okay lang ba?" Tanong mong tutok ang mata sa magiging reaksiyon ko. Sa totoo lang hindi na ako mapakali. Akala ko ba lihim ang panliligaw ni Derek. Bakit niya ipinagkalat. "Bakit ikaw, okay lang bang manligaw sa isang kaibigan? Barkada?" Imbes na sagutin kita tanong ko pa. Biglang napatawa si Jayson. Tinignan mo siya ng masama. Muli mong ibinaling ang tingin sa akin. "Manliligaw ako Hannah," napipi ako sa sagot mong iyon. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Napalunok ako. "So puwede mong ligawan si Janet kung nagkataong wala kang girlfriend?" Tanong kong muli. Napakunot ang noo mo. Nagtatanong ang mga mata mo,kaya naman nagpatuloy ako. "Mahal ka kaya ni Janet. Matagal na, first year pa lang yata tayo. Iniyakan ka nga noong nalamang may girlfriend ka. Alam mo iyon, ikaw lang talaga minahal niya," nakangiti at tuloy tuloy na saad ko. Nagkatinginan kayo ni Jayson. Hindi makapaniwala. "Kaya lang may girlfriend ka! Kaya kalimutan mo ang sinabi ko ha, lagot ako kay Janet nito." Sabi ko. Ngayon seryosong-seryoso kang nakatitig sa akin. For the firts time. Para kang galit o ano. Ewan ko bakit ganyan ka makatingin sa akin. Bigla kayong nagpaalam. Mukhang wala ka na sa mood. "Salamat sa pagpunta. Napasaya ninyo ako," paalam kong sa iyo nakatingin. Ayaw mo kasi akong tignan. Sumakay na si Jayson sa motor niya. Medyo malayo sa atin. Sumakay ka na rin. "Wala na akong girlfriend Hannah, pero ayokong pinagdidiinan mo ako sa iba." Napaawang ang bibig ko sa sinabi mo. Hindi mo naman na ako binigyan ng pagkakataong magsalita dahil umalis ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD