CHAPTER 33 LEVY'S POV Nagising ako sa sunod sunod na kalabog sa pinto. "LEVY! LEVY! BUKSAN MO TONG PINTO! BILIS!" Si shane? Kalabog pa rin sya ng kalabog. Anong problema ng babaeng to? "Bukas yan!" Sigaw ko sa kanya. Umupo ako sa pagkakahiga at kinusot kusot ko yung mga mata ko. Napansin kong madilim na sa labas. Gabi na pala. Ang tagal ko ding natulog. Bumukas yung pinto at niluwa nito si shane na pawis na pawis at hingal na hingal. Anong nangyari sa kanya? "Anong problema shane? Bakit hinihingal ka? Tyaka bakit kinakalabog mo yung pinto?" Napahawak ito sa magkabilang tuhod nya sa sobrang kahingalan. Bakit ba sya kalabog ng kalabog kanina? Huminga muna sya ng malalim bago sumagot. "Hah. Ang dami mong tanong! Tara!" Bigla bigla nya akong hinila. Napatayo ako sa pagkakaupo sa higa

