Zoe's POV "Hoo!! kapagod!" umupo ako sa damuhan pagkatapos naming tumakbo sa buong camp na walang tigil habang nagdri-dribble ng bola. Hindi pa din ako sanay sa training ng mga seniors sa pitong buwan namin dito sa camp. Nakakapagod pa din pero siguro masasanay din ako. Sana. Isang taon at tatlong buwan pa ang itatagal ko dito. Umangat ang tingin ko na may tao sa harapan ko. Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang tubig na inaabot nya. Uminom ako ng tubig, kalhati lang ininom ko tsaka ko ibinuhos sa ulunan ang natitirang tubig. "Sarap!" sabi ko na maramdaman ang lamig ng tubig sa katawan ko. Tumabi sya sa tabi ko at tumingin ako sa kanya. Umiinom sya ng tubig at sa gilid ng mata nya tumingin sya sakin kaya ngumiti ako sa kanya pero ibinalik nya ang tingin sa harapan nya. "Oo nga pala Jap

