"Ayoko na!" sabi ni Silva at humilata sa sahig ng gym kasama ang iba naming miyembro. Natatawa naman akong nakatingin sa kanila. Ilang araw na namin ginagawa ito pero hindi pa din sila sanay. Tumingin ako kay Astra na umiinom ng tubig. Napansin nya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin sya sakin. Ngumiti sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. "Ang..ang hirap!" sabi ng isang miyembro namin. "Masasanay din kayo." sabi ko sa kanila. "Grabe pala kahirap ang dinadanas ninyo sa camp." sabi ni Silva. Napangiti ako. "Wala pa tayo sa training namin doon. Kungbaga 5% palang ng ginagawa natin ang ginagawa namin doon." napa-huh silang lahat. Natawa ako dahil sa reaction nila. "Seryoso?" tumango ako. Napamura sya at humiga ulit. Nailing ako. Sa ilang araw naming pagpra-practice, nakikita

