Zoe's POV Pahikab hikab akong naglalakad papunta sa co8urt ng Red Team. Ako palang ang rookies na dumating at puro seniors ang kasama ko na nagpra-practice. Seryosong seryoso silang naglalaro at hindi mo makikitaan na biro biro ang laro nila. "Time!" sigaw ni Ate Abby. Tumigil sila sa paglalaro at pagod na umupo sa bench. Nilapitan ko sila at binati ng 'goodmorning'. "Ang aga mo ngayon Zoe." sabi ni Ate Juls na nagpupunas ng pawis. "Syempre may training eh." pagkasabi ko non nagkatinginan silang lahat. Napakunot ang noo ko tuloy. "Walang training ngayon Zoe." "Po?" "Hay nako, halatang hindi nakikinig. Nagsabi kami kahapon na walang training dahil kailangan naming magpratice dahil ilang araw na lang Winter Cup na." sabi ni Ate Krystal. Napakamot ako ng ulo. Bakit hindi ko narinig na

