Dumating ang pagkain namin kaya sinimulan namin kumain na hindi nag iimikan. Pasulyap sulyap ako sa kanya at napapabuntong hininga dahil malabong magkaayos kami ni Alexa. "Excuse me, miss." napatingin ako sa lalaking lumapit samin pero kay Alexa nakatingin. Lumingon naman sa kanya si Alexa. "Pwede ko bang makuha ang number mo?" nakangiting pagpapacute nung lalaki. "Pre, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nakakunot noo na tanong ko. Alam ko na ang ganyan galawan ng mga lalaki. Napakamot naman ng ulo yung lalaki pero halatang nagpapacute pa din. "Hihingin ko lang sana ang number nya, ang ganda nya kasi eh." sabay tingin kay Alexa na bumalik sa pagkain. "Purkit maganda hihingin mo na ang number nya?" inis na tanong ko. "May problema ba don? hihingin lang naman." may himig na inis sa b

