Bumalik ako sa kwarto namin ni Japan nang dumating na si Torey at sya na daw muna magbabantay kay Alexa. Nakakahiya nga dahil nadatnan nya kami ni Alexa na bigla akong hinalikan ni Alexa sa labi, smack lang yon pero kita sa mukha ni Torey na nagulat sya sa ginawa ni Alexa sakin. Napakamot na nga lang ako ng ulo dahil sa nakita nya. Nakasalubong ko pabalik si Jayden na nakasimangot. "Anong nangyari sayo Jayden?" tanong ko sa kanya. "May pakitang tao kasi." naguluhan ako sa sinabi nya. Hindi ko na sya natanong dahil pumasok na sya sa room nila. Pumasok na lang ako sa room namin ni Japan. Nadatnan ko sya na nagbabasa ng libro habang nakasandal sa headboard. Napatingin sya sakin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya na may ngiti sa labi. Natawa ako ng mahina na

