Zoe's POV "Hello Boracay!" sigaw ni Louise pagkababa namin ng eroplano. "Wala pa tayo sa boracay wag kang excited." sabi ko sa kanya. Napapout lang sya nung natawa ang mga kasamahan namin. Except syempre sa dalawang cold. Si Ate Kill at si Japan. Kasama si Ate Kill kahit na sobrang brokenhearted sya. Napilitin sya ng mga seniors na sumama samin dahil puro na lang sya gym na nagpapakapagod sa paglalaro ng basketball. Alam nyo bang doon na syang tumira sa gym ng boys? Hindi nga iyon magamit ng boys simula nung naghiwalay sila Ate Kill at Ate Avey dahil nandon si Ate Kill at ayaw nya ng istorbo. Wala naman kaming magawa kundi hayaan sya. Sobra syang nasaktan sa nangyari. Kahit ako masasaktan kapag nangyari yon sakin. Yung kasal na lang kulang tapos maghihiwalay pa. Saklap non. "Kill ayos

