Nagtungo ako sa kusina at hinugasan ang kamay ko. Napapangiwi ako dahil talagang may tumutusok sa palad ko. Tinignan ko ang paligid. Walang tao dito. Kanino ako magpapasuyo nito? ayoko sa dalawa dahil mang-aasar lang yon kung Alexa naman hindi ako papansinin non. "Akin na." nagulat ako na hablutin ni Alexa ang kamay ko. Tinignan nya ang palad ko. "Nasaan dito?" tanong nya na hindi ako nililingon. "Sa ibaba ng hinlalaki." sabi ko. Dahan dahan naman hinaplos ng isang daliri ni Alexa ang palad ko. Napalunok tuloy ako pero napangiwi din dun matunton nya yung maliit na natusok. Kinurot nya yon pero hindi nya nakukuha. "Doon tayo sa kwarto." hinila nya ako patungo sa kwarto. Nakatingin ako sa wrist ko na hawak nya. Napangiti ako dahil sa kilig. Pumasok kami sa kwarto nya tsaka nya lang bin

