Napamulat ako sa sinag ng araw na tumutok sa mukha ko. Umupo ako at napantanto ko na nasa labas pa din pala ako kung saan kami nagtraining kanina. Pero nakakapagtataka na ako lang ang tao dito. Wow, ang galing nila iniwan nila ako. Anong klaseng teammates ang mga yon? Napatingin ako sa gilid ko at laking gulat ko na makita si Japan na nakaupo habang nakasandal sa puno tapos nakatingin pa sya sakin. Nakakatakot naman 'to akala ko multo yun pala isang bansa lang pala. Tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad paalis. Napakamot ako ng ulo nung umalis sya. Iniwan ako, pati ba naman sya iiwanan ako? saklap naman. Okay lang sanay na din naman ako. Tumayo na ako at naglakad pabalik sa dorm. Pagkapasok ko sa loob ng dorm, nasa living room silang lahat miski si Japan. Nanonood sila ng tv. Hindi k

