Chapter 2

3218 Words
Pumasok ako sa room namin, wala pa yung karoommate ko kaya naisipan kong maligo muna dahil nilalagkit na ako. Pagkatapos kong maligo, lumabas akong nakatapis lang dahil naiwan ko ang susuotin ko. Nagpupunas ako ng buhok nang lumabas. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita akong lalaki. "Anong ginagawa mo dito?! Pano ka nakapasok?! Waah!! May lalaki!!" tarantang binato ko sa kanya ang twalya na pinapapunas sa buhok ko at pumunta sa banyo. Gosh! Bakit may lalaki dito?! Ohmygosh ! Buti na lang nakatapis pa ako kundi nakita nya na akong walang suot na damit sa katawan! Ano ba kasing ginagawa ng lalaking yon dito? Akala ko ba for only girls lang ang camp na 'to bakit may lalaki? "Hey what happened?" rinig ko mula sa labas. Sumilip ako sa pinto at nakita ko si Ate Rachel at Ate Noimi. "Ate may lalaking nakapasok!" panunumbong ko. "Huh? Nasaan?" kumunot ang noo ko. Hindi ba nila nakikita, nasa harapan lang nila. "Ayan ah." turo ko sa lalaki. Natawa si Ate Noimi habang naiiling naman si Ate Rachel. Hala bakit? "Hindi sya lalaki, babae sya. Lesbian, butch, tomboy ganon." sabi ni Ate Rachel. "Weh?! Para syang lalaki eh!" gwapo to be exact kaya sa unang tingin mapagkakakaila mo talagang lalaki sya. "Kaya nga butch, cross dresser eh." sabi ni Ate Rachel. Napasimangot ako. Aba malay ko ba, ang gwapo nya kasi eh. "Akala ko kung ano na nangyari at tsaka bakit nakasilip ka dyan?" tanong ni Ate Noimi. Bigla akong namula. "Ah..nakatapis lang ako Ate eh naiwan ko sa bag yung susuotin ko." namumula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. "Ah kaya ka napasigaw akala mo nasilipan ka na nito ni Japan." sabi ni Ate Noimi at natawa pa sa pagbanggit ng Japan. Miski ako matatawa nung una. Kasi naman ang daming pwedeng ipangalan Japan talaga? Proud to be Japanese? "Ito ba ang bag mo?" tumango ako kay Ate Rachel. Ibinigay nya sakin ang bag ko kaya agad ako nagbihis. Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng banyo. Wala na sila Ate Rachel nung lumabas ako. Tumingin ako kay Japan na nakahiga na sa kama. I guess nakapili na sya ng hihigaan nya. Inayos ko ang mga gamit ko, ayos na din ang gamit ni Japan. Ang bilis nyang mag-ayos parang kalhating oras lang ako naligo sa banyo ayos na ang mga gamit nya. Pinagmasdan ko si Japan na kumuha ng damit sya pumasok ng banyo. Para talaga syang lalaki. Ni wala nga akong mapansin na babae sya. Flat chested kasi sya kaya unang tingin lalaking lalaki sya kung hindi pa sasabihin na babae sya na nilalaki lang hindi pa malalaman na babae talaga sya. Inisip ko kung naging babae si Japan maganda siguro sya. Ang gwapo nya kasi tapos ang puti pa, sigurado habulin 'to ng babae. Pagkatapos kong mag-ayos saktong tapos na din maligo si Japan. Yun ang ugaling babae ang napansin ko sa kanya halos isang oras syang nasa loob ng banyo. Dinaig pa tunay na babae. Tumingin ako sa pinto na may kumatok. Tutal si Japan ang nakatayo sya na ang nagbukas ng pinto. "Hello Japan, Zoe baba na kayo at ito-tour na namin kayo sa camp." sabi ni Ate Juls. Tumango kaming parehas ni Japan. Kinuha ko ang cellphone ko at wallet ko tsaka ako bumaba. Naiwan pa si Japan sa loob dahil may kukunin pa ata. Halos nasa baba na ang lahat si Japan na lang ang wala pa. Nilapitan ko si Louise na nakabasungot ang mukha "Anong nangyari sayo?" tanong ko. "Nakakainis ang karoommate ko! Ang manyak!" inis na sabi nya. Natawa ako. "Parehas naman kayong babae ah." sabi ko. "Babae nga tomboy naman." oh parehas pala kaming tomboy ang karoommate namin. "Butch or lipstick lesbian?" kumunot ang noo nya. "Butch yung lalaking manamit, lipstick lesbian yung girly type." "Tomboy pero babaeng babaeng manamit?" nailing ako, halatang wala syang alam sa mga lgbt. "May ganon madami kang makikitang ganon sa ibang bansa. Dito din sa pilipinas madami kang makikita pero syempre hindi mo mahahalata na lesbian sila dahil girly girly nga sila. For example, si Ate Kill at Ate Avey, sila Ate Lexie at Sun at madami pa. Baka nga isa din sa mga seniors natin lesbian." "At isa ka din don." "What?" nabigla ako sa sinabi nya pero tinawanan ko lang. "Para kasing ang dami mong alam tungkol sa ganyan kaya na isip ko na lesbian ka din. Lipstick lesbian to be exact kasi girly type ka." natawa ako don. Grabe purkit may alam ako sa ganon isipin nya na din na isa ako sa kanila. "Well, bisexual lang ako at hindi lesbian." nakangiting sabi ko. Kumunot ang noo na naman sya. "Edi ba parehas lang yon?" umiling ako. "Ang bisexual parehas na nagkakagusto sa babae at lalaki. Ang lesbian sa babae lang nagkakagusto at hindi pumapatol sa lalaki. Gets mo na?" tumango tango sya na parang batang naintindihan ang isang bagay. Nailing ako. "Okay girls tara na!" excited na sabi ni Ate Bea. Agad naman kaming sumunod sa kanila. Pumunta kami sa katabing building ng dorm. Hindi pa nila sinasabi, alam ko na agad kung anong building 'to. Halata palang sa labas, restaurant na. "Ito ang cafeteria natin. Kahit anong gusto nyong iluto, lulutoin ng chef natin. Mga professional chef ang mga chef dito kaya masasarap at kayang kaya nilang gawin ang gugustuhin ninyo. Mataas kasi ang sweldo nila kaya hindi sila pwedeng umangal." bulong lang ni Ate Zeke yung huling sentence pero narinig pa rin namin. Binatukan naman sya ni Ate V. "Gago ito. Pati yon sinasabi mo pa." napangiti na lang kami. Naglakad ulit kami. "1995 nung nabuo ang camp ng Dragon Basketball Training Camp. Hindi pa ito International dahil hindi ito masyadong sikat noon pero madami ng gustong makapasok sa camp na ito. For boys only palang ang camp nito dati hanggang sa maisipan ng head na gumawa na din for girls dahil may isang babae na gustong maglaro ng basketball noon at gusto nya na dito mismo magtraining kaso dahil babae sya hindi sya pwede kaya pinagbigyan nila ang babae na sumali at may mga babae na din na gustong magtrain dito." sabi ni Ate Ella. "2000 nung nabuo ang camp ng girls. Katabi lang ng camp ng boys ang camp ng girls. Mamaya pupuntahan natin yon. 2001 ang kauna unahang champion ng Warriors Dragon, ang mga boys sa World Wide Basketball Tournament. Proud syempre ang pilipinas dahil ilang taong nakakalipas nanalo ulit tayo sa WWBT. At dahil don nakilala na ang Dragon Basketball Training Camp sa ibang bansa kaya naging International na ito dahil may mga taga ibang bansa din na gustong magtrain dito." "Syempre naman 'no sinong hindi makakapansin sa Warriors noon eh sobrang galing nila. Lagi kaya tambak ang nakakalaban nila noon." sabi ni Ate Anya. Wow, totoo? tambak palagi ang mga kalaban nila? "Tama, doon na kilala ang Warriors Dragon. Kaya nga madaming gustong magtraining dito noon dahil maganda ang pagtra-train nila dito." sabi ni Ate Juls. "Sad to say, mga twenty pababa lang ang kinukuha nila dahil tinututukan talaga ng mga coaches or captain ang mga trainees. Swerte mo na lang kung isa ka sa mga yon." sabi ni Ate Noimi. Swerte ko naman kung ganon. "2003 naman nung nagchampion ang Lady Dragon sa WWBT women's basketball. Maging sa mga Cup tournament dito sa pilipinas nananalo ang Warriors and Lady Dragon. Kaya simula non nagpatuloy tuloy na ang lahat." patuloy ni Ate Ella. "Syempre natatalo din minsan ang Dragon Empire. Ang kauna unahan nilang pagkatalo nung 2005 sa WWBT, isa yong International Training Camp sa Korea ang nakatalo sa kanila noon. Ang Dragon Empire naman ang timambakan nila noon. Sa pagkakaalala ko mahigit na thirty plus ang tambak nung laban non." sabi ni Ate Avey. "Thirty plus? Edi magagaling talaga sila." sabi nung isa samin. "Magagaling talaga. Kaya simula nung pagkatalo ng Dragon Empire mas tinodo nila ang pagtra-training. Simula din non ng pagtraining ng ibang bansa kaya nung 2006 WWBT pahirapan na sa pagkuha ng championship sa sobrang galing nila. Miski sa women's basketball pagod na pagod pagkatapos ng isang laban kasi sobrang gagaling nila. Nasa Top 3 lang Warriors non at nasa top 4 naman ang Lady Dragon." sabi ni Ate Sharm. "Pero naging champion din tayo nung 2009 dahil kanila Ate Kiwi. Ang tatangkad ba naman eh." sabi ni Ate Krystal. "Naging champion din nung 2010 hanggang 2015. Syempre kami na non eh." proud na sabi ni V. "Eh ang kaso hindi na kayo ang lalaban sa WWBT 2016 dahil kami ang lalaban ngayon." ngising sabi ni Ate Avey. "Asahan ninyo, matatalo sila." sabi ni Ate Zeke kaya binatukan sya ni Ate Avey. Natawa kami sa kanila. "Ganon po ba yon. Kung sino ang nanalo sa Cup bago mag WWBT sila ang lalaban sa WWBT?" tanong ko. "Good question. Ang Summer Cup ang unang tournament sa isang taon sumunod ang WWBT tapos Winter Cup at Mini tournament. Kung sino ang naging champion sa Summer Cup syang lalaban sa WWBT." sagot ni Ate Shiela. "Pero nagbago na ngayon ang systema kung sino ang lalaban sa WWBT 2017. Piling tao ang kukunin, kungbaga kukuha ng mga tao sa iba't ibang team. Example lima sa Dragon Empire, tatlo sa Miracle, anim sa Shakers, dalawa sa Black Bulls, isa sa Phantoms, isa sa Assassin. Ganon." sabi ni Ate Abby. "At mababago ang team name ng lalaban sa Pilipinas. Ganon na ngayon ang mangyayari kaya ang Summer Cup at Winter Cup ay pinaghahandaan na ng bawat team." sabi ni Ate Ella. Tumigil kami sa isang building. "Eto ang indoor swimming pool, sa likod nito ang outdoor." sabi ni Ate Joey. Pumasok kami sa loob ng indoor swimming pool. Ang linis ng paligid lalo na ang tubig, ang linaw pa. Parang ang sarap tuloy magswimming ngayon lalo na ang init pa. Naglakad kami papunta sa outdoor swimming pool dalawa ang outdoor. Malinis din dito at malinaw ang tubig. Ang kaibihan lang para na itong resort dahil may slide pa at may mga bench sa gilid at cottage. Hanep ang camp ah hindi na kailangan umalis ng camp para lang magswimming dahil dito ba naman meron na eh. "May tanong po ako. Bakit may mga lalaking nandito? Diba po for only girls lang ito?" tanong ng isa samin. "Sabi nga ni Ella, katabing camp lang natin ang boys. Pwede silang pumunta dito at pwede tayong pumunta sa kanila. May mga lugar kasing wala sila na meron tayo at ganon din tayo sa kanila. At tsaka minsan nakikisama sila sa practice game para mas mag improve tayo. Mas magagaling kasi satin ang mga boys hindi dahil babae tayo kundi sa mga training nilang mahihirap." sagot ni Ate Juls. "Magkaiba po ang training ng boys sa girls?" tanong ko. "Oo, masyado kasing mahigpit ang coach nila doon." sagot ni Ate Juls. "Kaya wag ninyo ng nanaisin na makisali sa training nila dahil hindi ninyo kakayanin." sabi ni Ate Ali. "Kung kami nga hindi namin kinaya eh halos isang araw kaming hindi kami kumilos pagkatapos ng traning namin sa kanila." sabi ni Ate Anya. "Sapat na samin ang thrill ni Avey noon." sabi naman ni Ate Zeke na ikinatawa ni Ate Avey. Nagtaka tuloy ako kung anong thrill na tinutukoy ni Ate Zeke. Tumigil naman kami sa gym. Halata naman sa labas na gym ito eh. Pumasok kami sa loob. Ang linis at ang kintab ng sahig parang nakakatakot tuloy na dumihan itong sahig ng gym sa sobrang kintab. Pwede pang manalamin. "May isang indoor court at apat na outdoor court ang meron ang DBG. Itong indoor court lang ang official court at yung apat naman mga panglarong kalye lang." sabi ni Ate V. "Kalye talaga?" sabi ni Ate Maybelle. "Babe naman wag mo ng kontrahan wala akong maisip na term eh." sabi ni Ate V. Oh maggirlfriend silang dalawa? Hindi ko napansin yon. "Sabi na nga ba may mga lesbian sa seniors natin." bulong ko kay Louise. "Oo nga hindi nga halata sa kanila na maggirlfriend sila." napangiti ako. "Lesbian po kayo?" hindi makapaniwalang sa tono na tanong ng isa samin. "Yup. Out and proud." sagot ni Ate V at inakbayan si Ate Maybelle. "Hindi lang ako. Halos lahat kami." Weh? Grabe dumadami na pala ang population ng mga lgbt at ang lupit pa nito, ang gaganda at gwapo nilang gay. Maganda nga lesbian naman, gwapo nga bakla naman. Ang ganda ng lahi ng mga lgbt. "Wag mo ilahat. Ako, si Noimi, Bea, Anya, at Rachel ang straight dito 'no." sabi ni Ate Ali. "Edi wag problema ba yon." sabi ni Ate V. Kinurot naman sya sa tagiliran ni Ate Maybelle. "Yan kasi!" natawa na lang kami sa kanila. Ang cute nila. Naglakad lakad ulit kami. Malawak nga talaga 'tong camp. May golf court pa nga eh tapos may malawak na taniman ng iba't ibang prutas at gulay, may arcade din dito na malawak din at parang lahat na ata ng mga arcade machine meron dito. Ganon din sa DBB mas malawak nga lang sa kanila dahil mas nauna yon naitayo. Pumunta kami ng gym ng DBB, nandon daw ang boys kaya doon kami pumunta. Pagbukas ng pinto ni Ate Shiela napatingin na samin ang boys miski ang mga naglalaro napatigil. "Hello boys!" bati ni Noimi. May isang lalaking lumapit sa kanya at hinalikan sa pisngi. Si Kuya Nicolo na best player din ng DBB. "Oh Kill anong ginagawa mo dito?" agad akong napatingin sa kinaroroonan ni Ate Kill. Idol ko kasi sya, napahanga nya ako sa mga laban nya lalo na nung laban nila sa Dragon Empire sa huling tira nya grabe nakakapigil hininga! "Baby!" masayang nilapitan ni Ate Avey si Ate Kill. Agad naman napangiti ang nakapoker face kanina si Ate Kill. Yan ang nagagawa ng love. "Hoy kayong dalawa. Ano ba talagang sadya nyo dito huh?" mataray na tanong ni Ate Joey. "Bawal bang pumunta dito ang anak ng may ari nitong camp?" nagulat ako sa sinabi ni Ate Kill. So totoo ngang sya ang anak ng head ng camp. Pero bakit kaya sya umalis ng Dragon Empire? "Purkit anak ka ng may ari okay na nandito ka. Baka nakakalimutan mong kalaban ka namin sa tournament baka iniispy nyo lang kami huh." sabi ni Ate Rachel. "Kahit hindi ko gawin yon, kami pa din ang mananalo" nakangising sabi ni Ate Kill. Napatingin sya samin. "Sila ang bago ninyong itra-train?" "Hindi, kami." pilosopo ni Ate Shiela. Napapoker face naman mukha ni Ate Kill. "Kung hindi ninyo sana mamasamain mga nagsisigandahang binibini. Nasa pagsasanay po kami at nadi-distract ang kalalakihan dahil may mga goddesses ang narito. Baka naman pwedeng bumalik na kayo sa camp ninyo?" nakangiting sabi ni Kuya Kyle. Kilalang kilala sya dahil sa angking galing sa paglalaro at syempre gwapo. "Ayaw mo bang makasama si Ali? At salamat sa iyong pagpupuri." sabi ni Ate Zeke natawa ako sa isip ko. Dahil masyado silang pormal sa pag-uusap. "Syempre gusto kaso nasa kaligitnaan kami ng pagsasanay kaya kung maari ay wag muna." pormal na sabi ni Kuya Kyle at kinindatan si Ate Ali na ikamula naman ng mukha. "Corny Kuya. Tara na ang boring ng laro nila." sabi ni Ate Kill at lumabas sila ni Ate Avey ng gym. Naiiling sumunod naman sila Ate Ella kaya sumunod na kami. Bumalik kami sa gym ng DBG sa hindi ko alam ang dahilan. Pinaupo kami saglit at doon ako nakaramdam ng pagod. Ang lawak kasi ng camp kaya nakakapagod talaga. "Ang masasabi ko lang sa inyo. Ang swerte nyo." sambit ni Ate Kill habang nakatingin samin ng mga rookies. "Bakit naman po?" tanong ng isa samin. "Wala si Avey na magtra-train sa inyo. Walang thrill ang training nyo." sabi nya. Nagtaka naman ako sa sinasabi nya pati sa ibang players na tumatawa. "Siguro naman alam ninyong dating captain si Avey ng Dragon Empire. Bago sya umalis non dito, yung mga pinagawa nya samin hindi nawawala don ang thrill nyang nakakainis sa lahat." sabi ni Ate Krystal. "Sabi ko naman sa inyo mas masaya kung may thrill." sabi ni Ate Avey. "Bakit po anong thrill po ba yung pinapagawa ni Ate Avey?" tanong ko. "Kakaibang thrill. Nung nasa boracay kami, pinatakbo lang naman nya kami ng 5km habang hinahabol ng mga aso." sagot ni Ate Anya. Napasinghap naman ang ilan saming rookies. "Patakbuhin sa buong camp na may nakasabit na bracelet na may timbang ng 20kg sa parehas na paa. Ang thrill don ay kailangan makapunta sa cafeteria by 7pm kundi walang pagkain na kakainin." sabi ni Ate Shiela. "Isa pa, ang paakyatin kami ng pinakamatas na hagdanan at kailangan bilangin kung ilang palapag na meron ang hagdan na yon kung hindi mo masagot ng tama hindi ka makakain." sabi ni Ate Maybelle. "Meron pa nga, mag iisquad kami sa swimming na sobrang lamig ng kalhating oras." sabi ni Ate Gail. "At madami pa na hindi nyo na nanaisin na malaman pa." nakangiting sabi ni Ate Ella. Kaming mga rookies? Ito nganga at hindi makapaniwala sa pinaggagawa nila noon. Kung iisipin madali lang yon pero kapag mismong ginawa na parang aabot na sa heaven. "What? parte yon ng training." painosenteng sabi ni Ate Avey. "Pero kakaibang training naman yon! Halos atakihin na ako sa puso ng habulin kami ng mga aso." sabi ni Ate Ali. Yun ang worst sa lahat na binanggit nila habulin ba naman ng aso. "At least nag-improve ang speed nyo." nakangising sabi ni Ate Avey. Natatawa ako sa isipan ko kung ano itsura nila noon. Sigurado ang epic non. "May purpose naman ang mga thrill ni Avey ang problema masyadong biglaan." sabi ni Ate Ella. Tumango tango naman sila Ate. "By the way girls, nahahati sa dalawang team ang DBG red team at blue team. Bukas kailangan ninyong pumili ng sasalihan ninyong team. Para may clue kayo sa sasalihan ninyong team, sa blue team ang captain ay si Ella kasama nya sa team ay si V na vice captain ng blue team, Anya, Zeke, Bea, Ali at Sharm. Sa red team ang captain ay si Abby na vice captain ng Dragon Empire, kasama nya ako na vice captain nya sa red team, Joey, Shiela, Noimi, Rachel, Krystal, Maybelle, Gail." sabi ni Ate Juls. "Hindi na kayo umalis sa team na sinalihan ninyo." biglang sabi ni Ate Kill. "Syempre naman 'no, proud to be Blue Team kaya kami." sabi ni Ate Anya. "Ganon din kami." sabi naman nila Ate Shiela. "Ikaw Ate Kill saan ka dati nakateam?" tanong ng isa samin. "Red team, si Avey sa Red team din." sagot nya. Oh kaya pala nagkadevelopan sila. "Bakit po pala umalis kayo sa DBG?" tanong ko dahil curious talaga ako kung bakit. "Hindi ko alam kung nasabi na nila sa inyo na two years ang training ninyo dito sa camp at after two years pwede kang mamili kung ano gagawin mo. Stay or Leave. Leave ang pinili ko dahil nalaman ko na walang nakakatalo sa DBG dito sa pilipinas, naisip ko noon na gumawa ako ng sarili kong team at tatalunin sila." napangiti ako. Ang cool talaga ng idol ko, akalain ninyo yon mas pinili nyang umalis ng DBG at gumawa ng sariling team. Dahil sa sinabi ni Ate Kill buo na ang naging desisyon ko after two years. Aalis ako at bubuo ng team na tatalo din sa kanila. Exciting na challenge yon sakin. ---------------- A/N: Hi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD