"Merry Christmas!!" sigaw naming lahat. Nandito kaming lahat sa gym. Dito naming ginanap ang pagcelebrate ng pasko. Nasa gitna ang binili naming christmas tree ni Japan na napapaligiran na sobrang daming regalo. Kung ilang kami dito times non, kaya hindi nakakapagtataka na sobrang daming regalo sa ilalim ng christmas tree. "Okay buksan na ang mga regalo!" sigaw ni Ate Maybelle at naunang kumuha ng regalo. Sumunod naman yung iba sa kanila. Yung iba naman samin na hindi sumunod natatawa lang sa mga kumuha ng regalo at pinagsisira ang gift wrapper. Pinanood namin silang matuwa at sumimangot kapag nakikita nila ang laman ng binuksan nilang regalo. "Ano 'to Joey?!" sigaw ni Ate Anya. "Suklay?!" Natawa kaming lahat kay Ate Anya. "Hindi ka kasi nagsusuklay kaya naisipan kong regaluhan ka n

