Kinabukasan, gumala ako na mag-isa lang para mag unwind. Gusto ako samahan ni Astra pero hindi ako pumayag. Kailangan sya ng Tito nya sa kompanya dito sa Manila. Napakabusy ni Astra ngayong week pero next week na hindi masyado at pwede na syang sumama samin. Sila Silva naman kung saan saan pumupunta. Buti nga hindi na liligaw ang mga yon dahil hindi sila pamilyar dito. Masyado silang nagpapakasaya dito. Mag-isa akong naglalakad sa mall. Sa totoo lang wala akong alam kung ano ang gagawin ko dito. "Zoe!" mabilis na lumapit sakin si Barbara. Kasama nya si Kitty. Niyakap agad ako ni Barbara habang nginitian lang ako ni Kitty. "Mag-isa ka lang?" tanong ni Barbara. Tumango ako. "Saan ba punta mo?" tanong ni Kitty. "Ah hindi ko alam, kung saan mapadpad ang paa ko." sagot ko. Pumislit naman

