CHAPTER THREE
DIANE POV
"Bess ano musta? "tanong nitong bestfriend ko
Tinignan ko naman sya at hindi sinagot
"Ano nanaman?? Bat ganyan Mukh mo?"tanong nya
"Bess kasi si shaine eh magiging classmate na namin sya"Sabi ko
"Hah?? Talaga?!!"Gulat na sabi nya
"oo"maikling sagot ko
"Edi mabuti para magising ka sa katotohanan...at isa pa bess pinag tatagpo sila ng destiny"sabi nito
"pano naman ako? "
"Edi humanap ka ng iba! "
"ayaw gusto ko si daile lang!"
"hayst bahala ka..teka meron naman si jayden ah"Lokong sabi nya
"Nag papatawa ka ba si jayden may kakagusto sa akin eh ang bobo ko kaya! "
"bess nilalait mo yang sarili mo! "
DAILE POV
"Ahh shaine"Kinakabahang sabi ko
Hindi ako makaharap ng deretso sa kanya
Hindi ako makatingin sa mga mata nya
"bakit? May kailangan ka ba? "sabi nito
Bakit ba bumilis ang t***k ng puso ko ang lakas kasi ng tama ko sa kanya
"ka-kasi amm... Wala"sabi ko
"sige na wag ka ng mahiya"naka ngiting sabi nya
Para naman nag slowmo lahat
At himinto ang oras
"Yayayain sana kitang mag lunch kung gusto mo lang naman"Kinakabahang sabi ko
"ok sure"sabi nito
Bakit ba ako kinakabahan pag kaharap ko sya?
"huyy ok ka lang ba? "Tanong nya
"o-oo"sagot ko
inalalayan ko naman syang tumayo
Kung alam nya lang kung gaano ko sya kagusto
Habang nag lalakad kami dito sa hallway bigla nalang may lumapit sa akin
At tinignan nya ako ng naka ngiti
"San kayo pupunta?? "tanong nya
"Wala ka na dun"sagot ko naman
"Ang sungit mo naman"Sabi nito
"Diane please wag ngayon"pag mamaka awa ko
Yumuko naman sya
"ok"sagot nya lang
At nag lakad palayo
"kilala mo ba sya? "tanong ni shaine
"hindi"maikling sabi ko
"Sabi nila lagi daw syang bagsak sa lahat ng exam kahit easy lang..kawawa naman yung mga magulang nya na nag papaaral sa kanya"sabi ni shaine
Tumungo naman ako
Bat ba kasi wala syang alam
DIANE POV
Narinig ko yung huling sinabi nila tsk
Asawa nya ako tapos sasabihin nya di nya ako kilala??
--
Continuation of
CHAPTER THREE
DIANE POV
Andito ako ngayon sa tree house nag iisip ng mga bagay bagay
(Kala ko wala ka na talagang utak)
Manahimik ka!! Problemado na nga ako ei!
'Hindi'
'Hindi'
Ano ba naman bat di matanggal yung sinabi ni daile
Ang sakit sakit e!
Tapos na ang Lunch at andito lang ako
Siguro nag sisimula ng magturo yung teacher
Gusto ko munang mag pahinga sa mga pang lalait nila
Kahit ngayon lang
naramdaman ko namang parang iantok ako kaya pinikit ko ang mata ko
--
DAILE POV
Time check 5:30 Pm
Pauwi na ako galing school sobrang saya ko ngayon!
Nga pala hindi ko nakita si diane kanina pa
Siguro natauhan na sa mga katangahan nya o di kaya umuwi
Sumakay na ako sa kotse ko
At ng pag rating ko sa bahay
hindi pa naka bukas yung mga ilaw
Siguro hindi pa nga sya umuwi
Ng pag pasok na ako dun walang katao tao
As i expected hindi pa nga sya umuwi
Baka may mangyaring masama sa kanya kargo ko pa
Triny kong tawagan sya pero hindi nag riring e asan ba kasi sya?
4 hours Later...
Apat na oras na ang nakakalipas wala parin sya
Hindi ko naman alam kung saan sya hahanapin
Lagot talaga yun pag nahanap ko sya!
*Ding dong*
agad kong binuksan yung gate at sumalubong sa akin ang lasing na babaeng to
"San ka ba galing?! "takang tanong ko
"yung bestfriend ko kasi nag yayang uminom"Sabi nito
"at hindi ka manlang nag paalam? "Naiinis na sabi ko
Ngumiti naman sya
"ayiee nag aalala na ang hubby ko hayaan mo mag papaalam na ako sa susunod"sabi nya
"tignan mo nga yang sarili mo lasing na lasing ka wala ka na bang magawang matino? "
"Teka sino ka ba hindi kita kilala no! Kahit mahal kita!"Sabi nito
Ano daw? Napakagulo nya
"ano bang pinag sasabi mo?! "
"I Love You"Huling sinabi nya at nawalan ng malay
Sakto namang nasalo ko sya bago matumba
Binuhat ko sya like newly wed at pinunta sya sa kwarto nya
namangha naman ako dito sa kwarto nya
Teka stalker ko ba sya?
Punong puno ng picture ko dito sa kwarto nya ...
--