ELLIE
Matapos ang operasyon ay hindi ko na muling kinausap si Vic. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Saka ba't ko siya kakausapin? Para saan?
"Ellie!"
Napahawak pa ako sa dibdib nang bigla akong sigawan ni Dave. Salubong ang kilay ko nang harapin ko siya. Peste!
"Ano ba?" Singhal ko.
"Ba't nakatulala ka diyan? Kanina pa'ko kwento nang kwento and you're not even listening? Tsk!"
Napairap na lang ako nang sabihin niya 'yon. Kasalanan ko pa kung hindi ako nakikinig? Edi dapat tiningnan niya muna kung nasa kaniya ba ang atensiyon ko bago siya mag kwento. Slow din 'tong isang 'to eh.
"How's your first surgery? Sinong doktor ang nakasama mo?" Tanong niya sabay simsim sa kapeng kakabili lang. Huwag na sanang matapon sa kaniya iyang kape niya.
"Awkward." Maikli kong tugon. Naguguluhan naman niya akong tinitigan matapos ibaba ang baso niya.
"Awkward? Hindi mo ba kilala ang doktor na nakasama mo?"
"Kilala, Dave. Kilalang-kilala."
Sa pagkakataong 'yon, alam na niya kung sino ang tinutukoy ko. Umayos siya sa pagkakaupo at seryoso akong hinarap.
"Why are you so affected about his presence?" Diretso niyang tanong. Napabuntong hininga ako nang marinig 'yon.
"Maybe that's normal? Wala kaming pormal na break-up. Kaya, you know."
"You still love him, right?" Namilog ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon. Pambihira!
Peke akong tumawa sabay hawak pa sa tiyan ko. Tinapik-tapik ko pa ang lamesa para ipakita sa kaniyang natatawa ako.
"Don't make me laugh, Dave."
"Stop faking your laugh, Ellie." At doon, natigilan ako sa ginagawa ko. Alam niya. Seryoso pa rin siyang nakatitig sa'kin hanggang ngayon.
"Bago mo isiping mahal mo pa rin siya, isipin mo muna kung gaano ka niya nasaktan noon. Don't forget the time when you suffered a lot from the pain he gave you, Ellie."
Seryoso ko siyang tinitigan matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko naman kinakalimutan ah?
"I will never forget it, Dave. Never."
*****
Masyado akong abala sa charts na binabasa ko nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko naman 'yong sinagot dahil galing sa head nurse and tawag.
"Doc Saavedra, gising na po iyong pasyenteng in-operahan niyo." Ang tinutukoy niya ay si Alexandra, iyong unang pasyenteng in-operahan ko dito.
"That's good. Bababa ako diyan." ibinaba ko na ang tawag at agad na napasulyap sa table ni Vic. Nasulyapan kong tutok ang atensiyon niya sa screen ng telepono. Siguro ay notice rin 'yon galing sa head nurse ng ospital.
Inalis ko ang paningin mula sa kaniya at agad na tumayo at binitbit ang coat. Nauna akong lumabas dahil ayaw kong makasama siya sa paglalakad.
Nang marating ko ang labas ng kwarto ng pasyente ay nagtaka ako dahil sa ingay na nagmumula sa loob. Kinabahan ako kaya agad akong pumasok. Doon, nakita ko nga na nakayakap na ang isang may edad na babaeng nakausap ko kahapon sa pasyente.
"Ano po ang nangyayari?!" Gulat na saad ko at agad na tumakbo papunta sa kanila.
"D-Dok! Tinatanggal niya iyong suwero!" Humahagulgol na saad ng babae.
Mahigpit kong hinawakan ang braso ng pasyente para hindi niya mahila iyong suwero niya. Kaagad namang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang gulat na si Vic.
"Magtawag ka ng nurse! Kailangan niya ng pampakalma!" Sigaw ko sa kaniya. Mabilis naman siyang kumilos para magtawag ng nurse.
"Stop it, Alexa!" Sabi ko sa umiiyak at nagwawalang pasyente.
"I want that jerk in jail!" Umiiyak na sigaw niya. Ang tinutukoy niya ay ang ex-boyfriend niya.
Sasagot pa sana ako nang may mga nurse na pumasok sa silid at agad na pinuntahan at hinawakan ng mahigpit ang pasyente. Umalis naman na ako sa pwesto ko kanina dahil alam kong magiging sagabal ako sa pag-i-inject nila.
"Bakit siya nagwawala? Hindi pa gaanong magaling ang sugat niya." Bulong ni Vic na ngayon ay nakatayo sa gilid ko.
"Her ex-boyfriend harassed her. Well, I can't blame her if that's her reaction." Sagot ko na sa pasyente pa rin ang paningin.
Matapos kong sabihin 'yon ay gulat niya akong tinitigan.
"W-What? Her boyfriend harassed her? Ang akala ko ba ay nakipag-break sa kaniya?" Takang tanong niya.
"Hindi lahat ng akala ay totoo, Dr. Timoteo." Walang emosyon kong sagot at agad na nilisan ang kwartong 'yon.
Dumiretso ako sa opisina dahil wala na naman akong gagawin do'n. Hindi ko naman pasyente si Alexandra. Gusto ko lang talagang malaman kung okay na talaga siya. Napabuntong hininga ako bago maupo.
Ngayong alam na niya ang totoo, anong gagawin niya? Mahihiya ba si Vic sa pinagsasabi niya tungkol do'n sa pasyente?
Inilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan si Dave nang biglang bumukas ang pinto. Seryoso ang muka ni Vic habang naglalakad papunta sa table niya. Rinig ako ang malakas niyang buntong hininga.
"I'm sorry. Mali ako." Malakas niyang sabi sabay titig sa'kin.
"Mali saan?" Kunwari ay nagtatakang tanong ko. Kunwari ay wala akong alam sa mga pinagsasabi niya.
"Sa mga sinabi ko sa operating room. I should have known her real situation first." Malungkot naman niya ngayong saad saka malakas na bumuntong hininga ulit.
"Sa susunod kasi, alamin mo muna ang lahat bago mag-react. Hindi naman sa lahat ng oras ay tama ka o ang hinala mo. Kailangan mong humingi ng tawad sa kaniya, Dr. Timoteo, hindi sa'kin."
Matapos kong sabihin 'yon ay napatulala siya sa'kin. Bakit? Anong bang maling nasabi ko? Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at sa isang iglap, nasa harap ko na siya ngayon.
"Drop that Dr. Timoteo, Ellie. Just call me Vic, again."
My jaw almost dropped after he said that. Bakit p-parang kinikilig ako? Pambihira!
Matapos niyang sabihin 'yon ay nilisan niya ang silid na parang walang nangyari. Na parang wala siyang sinabi.
Sa pagkakataong 'yon, bigla ko na lang naalala ang mga panahong nagsisimula pa lang ang mga nararamdaman namin sa isa't-isa.
FLASHBACK
"Ano ba, Timoteo! Ibalik mo nga sa'kin 'yang bola!" Habol ko sa kaniya.
"Ayoko nga! Bakit ba kasi ang damot mo? Hihiramin lang naman namin eh!"
"Ang yaman mo. Edi bumili ka rin ng sarili mong bola! Isusumbong talaga kita sa daddy mo!" Natigilan siya nang sabihin ko 'yon. Sus! Takot.
"Samahan kita?" What?
Rinig ko ang lakas ng tawanan ng mga kaibigan niya. Nakakahiya!
"Tigilan mo nga ako, Timoteo!"
Tumigil na'ko kakahabol sa kaniya. Kitang-kita ko ang paglapit niya sa'kin. In just a blink, malapad na siyang nakangiti habang nakatayo na sa harapan ko.
"Tama na 'yang pagtawag sa'kin ng Timoteo. Vic na lang, Ellie."
END OF FLASHBACK