Chapter 33

1101 Words

Pagdating sa boarding house ay hindi mapigilan ni James ang matawa sa nagawa niyang iyon. Naiiling siya. Mabuti na lamang at wala ang kasama niya sa silid na iyon. Dalawa lamang sila roon. Maliit lamang din kasi ang kwarto. Para siyang baliw na binalikan ang kalokohan niya kanina. "Napakaganda nga ano? Kwintas na may malaking letter Y," inosenteng wika pa niya kunwari sa bata. "Oo ah! Alam mo bang gamitin iyan?" siga na wika ng bata na iyon sa kanya. Ang isang bata na kasama nito ay nakikitawa lamang. Kung baka sa pelikula ay supporting actor lamang ito. Pwede ring sabihin na alalay. "Ha?! Hindi eh!" Kumamot siya sa ulo. "Wahahaha," tawang-tawa sa kanya ang dalawang bata. "Inggo, hindi raw marunong oh!" Tinuro pa siya nito habang hawak-hawak nito ang sikmura dahil sa labis na tawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD