Grabe, hindi na niya alam ang gagawin niya. Nade-delay na siya. Pakiramdam niya ay mas marami ang ginagawa niya kaysa sa first at second layout. Napakahirap. Akala niya kanina ay madali lamang ang lahat. Hindi pala dahil sobrang kailangan na tumakbo siya. Dahil sa pagod na pagod na siya ay umikot na siya. Nakarating na siya sa station ng taping. Dahil doon ay ipinahinto ni Ate Tess ang conveyor. Maya-maya ay nasa tabi na nga niya ito. "Ano'ng nangyari, Mariah?" tanong nito sa kanya. Mababakas sa mukha nito ang inis. "Sorry po, Ate Tess. Marami po kasi iyong ginagawa---." "Ano'ng sabi mo?!" putol nito sa sasabihin niya. "Ahmmm… Wala po," bawi niya. Napayuko siya. Hindi niya namalayan na naging diretso siya sa sinabi niya. At hindi iyon makakabuti para sa kanya. Pakiramdam kasi niya tala

