Ikinulong ni James ang mukha ng dalaga. "Mahal mo talaga ako?" tanong niya rito habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. "Bingi ka ba?! Hindi mo ba narinig?!" singhal nito habang nakatingala sa kanya. "Narinig ko nga eh. Kaya lamang kasi ay baka nagkakamali lang ako ng dinig kaya tinatanong kita ulit. Gusto ko lang makumpirma kung mahal mo ba talaga ako." "Mah--." Hindi na nito nasabi pa ang mga nais pang sabihin sa kanya. Sa halip ay yumakap ito sa kanya at doon sa dibdib niya ay nagsuka ito at kapwa nalagyan ang suka ang kanilang kasootan. "Oh my suka!" bulalas ng lahat at nagkatinginan. Parang iyon ang naging wakas ng drama na pinapanood ng mga ito magmula pa kanina. Bumangon si Mariah sa higaan na masakit ang ulo kinabukasan. Hawak-hawak niya ang magkabilang bahagi ng kanyang ulo

