“Adeline! Ano bang ginagawa mo?!” bulyaw ni Rasha nang mabagsak niya ang isang baso na nilalagyan ng design para sa souvenirs. “Ate, sorry. Di ko sinasadya. Nabitawan ko,” tarantang sabi ni Adeline. “Hindi ka pa naman lubusang magaling, magpahinga ka na lamang,” “Ate buong maghapon kahapon, nagphinga lamang ako. Kaya ko na,” “Baka mamaya Adeline ay sinasadya mo na pala ito para sirain naman ang kasal ko,” “Ate, hindi. Walang ganon,” “Oh eh di ayusin mo! Nag-iinit ulo ko, pasensiya na. Gusto ko lamang na maging maayos ang lahat,” “Sorry, Ate. Doon na lamang ako sa mga madadali,” “Mabuti pa,” “Ate...kalma lang ha,” “Tsk! Pasensiya na pero hindi mawala ang takot ko na baka mamaya ay manggulo ka na naman. Baka mamaya may mawala na naman,” Napatungo na lamang si Adeline at naalala na

