“Good morning, Adi.” Napamulat si Adeline pero agad ring napapikit dahil sa liwanag na galing sa bintana, “Ang silaw. Ayaw ko ng sikat ng araw.” May tumawa sa kaniyang likuran at doon lamang napagtanto na may katabi siya at agad na humarap rito. “Hi,” nakangiting bati nito. “Hello,” alanganin na sagot ni Adeline. May kung ano sa loob-loob niya ang nadismaya na hindi si Henry ang nakita. “How are you feeling?” tanong nitong lalaki. “I’m fine. A little. Ikaw ba yong Paul?” Ngumiti ito at niyakap siya ng mahigpit, “Oo. Oo. Naalala mo ba ako?” “Hindi, sabi lang nina Mama. Nakilala ko na kahapon iyong Henry at Alice,” Bumitaw ito sa pagkakayakap at hinawakan siya balikat, “Anong sinabi nong Henry? Siniraan niya ba kami? Sinungaling yon.” “Ang dami mo namang sinabi. Wala eh, pinagluto

