"Bakit kaya nakapatay ang phone niya?" Nagtatakang bulong ni Mariel sa kaniyang sarili nang muli niyang tinawagan si Third ngunit nakapatay pa rin ang phone nito. Nakauwi na siya lahat-lahat galing sa opisina at nakapaglaba na rin pero walang Third na nangungumusta sa kanya ngayong araw. As in wala. "Siguro, kaya ako binigyan ng bruhong 'yun ng bulaklakat pagkain dahil magkakaroon na naman siya ng kasalanan sa akin ngayon," nakasimangot niyang sabi. Hindi naman kasi ito nagpapatay ng phone simula nang binigay nito ang number sa kanya. Oras-oras pa nga siya nitong tinatawagan para alamin kung ano ang kaniyang ginagawa. Tapos tuwing break time ay nag-video call din sila dahil namimiss na daw siya agad nito. Pero ngayon nagtataka na talaga siya dahil simula pa kaninang umaga niya ito ti

