"Ano ba'ng ginagawa mo, Third?" nahihiyang tanong ni Mariel kay Third sa ginawang pang-aamoy nito sa gitna niya. Pinagdikit niya ang kanyang dalawang hita ngunit mahigpit nitong pinipigilan. "Third, ano ba! Ang bastos mo naman!" inis niyang singhal at pwersahang inalis ang kamay nitong nakahawak sa hita niya. Pinakawalan naman nito iyon nang makita ang galit niya. Pakiramdam niya ay naiskandalo siya sa ginagawa nito sa kanya. Kaya uminit agad ang ulo niya dahil kagigising lang niya tapos ito agad ang sasalubong sa kanya. "So, saan ka galing at sino ang kasama mo, Mariel?!" sa halip ay ulit na tanong nito sa mataas na boses. Hindi kaagad siya nakakibo at nanatiling naguguluhang tiningnan niya lang ito. Lalong dumilip ang mukha nitong sinalubong ang mga mata niya. Kaya yumuko siya at m

