PAKIRAMDAM ni Mariel ay mabibingi na yata siya sa lakas ng boses ng Adonis na makapal ang mukha at wagas kung makasita sa kanya. Dahilan rin na magulat siya at dumulas sa kamay niya ang susi at mahulog ito.
Tiningnan niya ito ng masama.
"Ano ka ba?! Hindi ako bingi!" mahinang singhal niyang tugon dito at huminga muna ng malalim bago pinulot ang susing nalaglag.
"Sino nga siya? At bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka pa ba pumupunta, ha?!" muling ulit nito at dinagdagan pa ng isang tanong na magpanting ang tainga niya.
'Bwesit talaga ang lalakeng 'to! Maghapon na nga siyang umi-epal sa utak ko, tapos pati ba naman dito umi-epal pa din? Kainis.' aniya sa isip at tumalikod na para huwag na sana itong pansinin dahil gabi na.
At isa pa, baka may makakakita pa sa kanilang dalawa na nagbabangayan ng ganoong oras. At ni wala naman silang relasyon sa isa't isa. Pero bigla na lang sumingit sa kanyang isipan ang nagpapabad-trip sa kanya na sinabi nito kanina. Kaya muli siyang humarap dito.
'Sandali nga! Baka nakalimutan nito ang sinabi nito sa kanya kanina. Maipa-alala ko nga!' asar niyang sabi sa isip at ngumiti ng plastik.
" 'Di ba ang sabi mo, ang mga asawa at girlfriend o boyfriend lang ang may karapatan na magtanong ng ganyan? Bakit, boyfriend ba kita?!" suplada niyang singhal dito na matigilan naman ito nang marinig ang sinabi niya.
"'Di ba, hindi naman? Kaya...back off!" inis niyang dugtong at pinaikutan niya ito ng mga mata.
Pipihit na sana siya para pumasok sa loob at handa na sana siyang tumawa ng malakas dahil nagantihan niya ito sa pamamagitan nang sinabi rin nito kanina. Pero mahigpit nitong hinawakan ang braso niya at muli siyang pinaharap dito.
"I don't care! Basta sagutin mo ang tanong ko. Sino ang lalaking 'yon? At saan kayo galing?" Kontrolado man boses nito pero nanlilisik naman ang mata nito nang tumitig sa kanya.
Sa asta at higpit ng pagkahawak nito, bigla na lang nag-init ang ulo niya at mabilis na pumiksi.
"Ano bang pakielam mo! Hindi naman kita ka-ano-ano, ah?! Daig mo pa ang asawa kung makasita!" galit niyang wika dito.
Dahil napupuno na talaga siya sa lalakeng 'to. Masyadong pakialamero. E, hindi pa nga nila kilala ang isa't isa tapos ganito agad? Hello? Close ba sila? Sarap murahin ng bonggang-bongga.
"Pero para sa ikatatahimik mo rin. Nakipag-date ako at manliligaw ko siya! Ano, masaya ka na?" gigil niyang sigaw dito.
Dahil pakiramdam niya ay lumagpas pa yata ang dugo niya sa mga matataas na ang dugo sa mga oras na iyon. Ang kapal ng mukha nitong makasita. Kahapon nga lang nila ito naging kapitbahay tapos, matindi na kung sitahin siya. The nerve of this man. Kaya ayaw niyang mag-boyfriend dahil masyadong matanong. Gaya na lang ng dalawa niyang kasama. Ganitong-ganito niya naririnig ang away ng mga iyon. Kaya lalong tumibay ang nasa isip niyang huwag ng mag- boyfriend kahit kailan. Mas maganda pang single forever dahil walang stress.
"Pwede na ba akong pumasok, ha? Dahil pagod na ako at gusto ko nang magpahinga!" aniya nang hindi na ito magsalita pero sobrang talim naman ng tingin nito sa kanya.
Pakiramdam niya ay nagtitimpi lang ito. Kaya agad niya itong tinalikuran at mabilis na sinuksok ang susi. Ngunit bago pa siya makapasok, muli siyang hinawakan sa kanyang braso at hinapit ang kanyang baywang.
At bago pa siya makapag-protesta, sakop na nito ang labi niya. Galit na galit itong nananalasa sa loob niya. Mapagparusa ang halik na iginawad nito sa kanya. Mapang-angkin na tila ba ito lang ang may karapatan sa labi niya.
"There! Siguro naman, mas masarap pa rin akong humalik kaysa sa kanya," nakangising saad nito nang pakawalan ang labi niya.
Pero imbes sumagot, naduwal siya bigla sa harapan nito. Na labis nitong ikinagitla.
"Ang baho! Kadiri!" hiyaw niya at sige pa rin ang duwal.
Lumaki ang mga mata nito. "Uy, naligo at nag-toothbrush ako!" nakasimangot pa nitong saad at inamoy ang bibig sa pamamagitan ng pagbuga ng hininga nito sa palad.
"Nagyoyosi ka kaya ang baho ng hininga mo!" muling hiyaw niya sabay dura.
Bigla itong natahimik at tila napapahiya sa kanya.
"Ayaw mo ba sa nagyoyosi?" nakasimangot nitong tanong.
"Oo! Dahil ang baho sa hininga." Inis niyang tugon at walang sabing pumasok na sa loob.
"Bwisit!"
Pabalya niya pang sinirado ang pinto at mabilis na ni-lock ito. Kaagad na pumunta sa may banyo at mabilis na nagmumog. Kung kanina ay naduwal lang siya ngayon naman ay nasuka na siya ng tuluyan.
Ayaw na ayaw niya talaga sa naninigarilyo. Allergic siya sa mga ito. Kaya imbes na sampal ang padapuin niya sa pisngi nito, naudlot tuloy.
Nang mahimasmasan, nanghihina siyang napaupo sa may sofa. Naisuka niya lahat ang kinain niya kanina nang dahil lang sa pisting halik ng Adonis sa kanya.
"Kainis talaga. Akala niya siguro nasarapan ako sa halik niya! Oo, masarap naman pero yuck lang! Kadiri talaga!" Napapangiwi niyang himutok sa sarili.
Maya-maya humikab na siya kaya pumasok na siya sa kanyang kwarto. Naisipan niya munang maglinis ng katawan at tatlong beses na nagtoothbrush para matanggal ang amoy yosi sa bibig niya. Halos nanggigil pa siya nang gawin niya iyon.
Ilang saglit pa, nakahiga ma siya at handa ng matulog. Pero nawala naman bigla ang antok niya. Muli na naman niyang naisip ang nangyari kanina. Naisip niyang mabuti na lang pala na naduwal siya dahil baka hindi niya alam kung kailan sila matapos sa pagbangayan nito.
"Akala mo kung sino'ng makasita. Bwisit talaga. Ano ba ang problema niya? Bakit ayaw niya pa akong tantanan?!" gigil niyang tanong sa kanyang sarili habang iniisip kung ano ang itsura ng babaeng nakita na nito kanina.
"Ay, leche siya! Makapag-selfie na nga lang!"
Mabilis niyang kinuha ang kanyang phone at nag-sefie na nga. Marami siyang kinuha at namili para i-post sa kanyang sosyal media. Kaagad naman niya itong pinost at nilagyan ng caption na ( Ready to sleep. Sino'ng gustong tumabi? With matching emoji pa na kiss )
"Ayan..." napapangiting saad niya nang matapos niyang mai-post ito.
Nang matapos ay nagbasa muna siya ng maraming notification. Ngunit hindi pa niya nabasa lahat ay namumungay na ang kanyang mga mata sa antok. Hanggang sa bumagsak na ang phone na hawak niya dahil nakatulog na nga siya.
Ilang oras pa ang nagdaan ay naalimpungatan na lamang siya nang makarinig ng ingay sa labas mula kina Irene at Rachel. Dumating na ang mga ito. Kaya iniisip niyang alas dose pa lamang ng hating-gabi.
Pipikit na sana siya nang marinig ang mga hagikhikan ng mga ito kasama ang mga boyfriend.
"Haynaku!" asar niyang saad.
Nagtakip kaagad siya ng unan sa kanyang tainga dahil alamna niya ang kasunod na mangyayari. Ungulan at halinghingan ng dalawang mag-partner. Ganito ang mga ito kapag lasing umuuwi tapos kasama ang kanya-kanyang boyfriend. Tila ba nang-aasar lang. Akala mo sila lang ang nasa loob ng bahay. Ganoon ka-wild ang mga ito kapag sobrang lasing.
Kaya siya na lang ang mag-adjust at mahihiya sa mga ito. Pero kapag hindi naman lasing ang mga ito, tahimik lang pero rinig na rinig mo naman ang langitngit ng higaan. Kaya malalaman rin kung gaano pa rin ka-wild ang mga ito pagdating sa sxx. Shocks! Gusto niyang magwala at sabihin dito na
(Pwede bang sa hotel niyo na gawin 'yan! )
Subalit kahit ano'ng takip ang gagawin niya ay balewala rin dahil sa tingin niya ay lumi-level up din ang ungulan ng mga ito. At nakakainit ng ulo pakinggan. Dinaig pa ang ungulan ng mga porn video site sa sobrang lakas. Kaya pati siya ay pinagpapawisan ng malapot at iba na ang pakiramdam.
"Hay, bwisit talaga! Gusto ko lang naman matulog!" pikong bulalas niya at bumangon ng marahas.
Dahil patindi nang patindi ang ingay ng mga ito. Tila ba may pustahan.
Kung sino ang mas intense pakinggan ay siyang panalo. Tapos siya ang judge na makikinig sa mga ito. Nakakapang-init ng ulo dahil maging siya ay nag-iinit rin ng mga sandaling iyon.
Kaya mabilis siyang bumaba ng kama bitbit ang phone niya bago lumabas ng kwarto. Palilipasin niya muna ang mga ito hanggang sa makarating sa langit bago muling matulog.
"Aaah! Ahh! Baby suck it! Uummm.." narinig niya pang halinghing nang tumapat siya sa kwarto ni Rachel.
"Tangna niyo!" walang boses niyang mura.
"Dave! Dave ahh! Ahhh! Ahhh!" Nang dumaan naman siya kwarto ni Irene at malinaw niyang rinig ang ungol nitong malapit na yata sa langit.
'Sana bumagsak kayo sa kama!' gigil niyang hiyaw sa kanyang isipan at malaking hakbang palabas ng pintuan.
Kaagad siyang sumagap ng sariwang hangin nang makalabas na ng bahay. Sunod-sunod pa ang kanyang ginawa bago humupa ang init sa kanyang katawan.
"Leche talaga 'tong mga 'to! Nandamay pa!" aniya at binuksan na lamang ang kanyang phone.
At nagulat pa siya nang alas tres na pala ng madaling araw. Akala niya ay hating-gabi pa lang dahil ganoon ang mga ito umuuwi. Naisip niyang ilang oras na rin pala siyang nakatulog kahit papano.
Kaagad niyang binuksan ang kanyang FN account. At halos mag-hang ang phone niya sa dami ng notif sa pinost niya kagabi. Napangiti siya ng matamis nang makitang maraming nag-heart react at nag-comment nito. Na karaniwang mga lalaki.
Ngunit napasimangot at nagsalubong ang kilay niya nang may isang bukod tangi siyang nakita na mad reaction. Kaya agad niya itong hinanap. Lalo siyang napasimangot nang makita at malamang hindi niya ito kilala at friend sa FN.
"I I I...?" mahinang basa niya sa pangalan nito.
"Ano 'to? Pangalan ba 'to? Paano 'to basahin?" naguguluhang tanong niya habang binabasa ang commenr section.
At gano'n na lamang ang paglaki ng mga mata niya nang makitang may comment din ito na ang sabi.
( Subukan mo lang magpatabi. Magugulat ka na lang at lumulutang na 'yang katabi mo sa sarili niyang dugo.)
Kinilabutan siya matapos niyang basahin iyon. Bigla siyang natakot sa banta nito dahil kilala siya nito. Pero siya ay hindi niya ito kilala.
Muli niyang tiningnan ang pangalan nito at dali-dali niyang ini-stalk ang profile nito. Pero nanlumo siya nang makitang naka-lock ito. At kahit ano'ng gawin niyang pindot, hinding-hindi ito mabuksan.
Sa tingin niya ay mukhang kilala talaga siya ng taong 'to. At malakas ang kutob niya na lalaki ito dahil maangas ang dating ng message. Lalaking-lalaki ito.
"Sino kaya ito?" curious niyang tanong sa sarili at muling binasa ang comment nito nang paulit-ulit.
Tiningnan niya muli ang mga nag-heart react sa post niya. Halos mga lalake ito na friends niya rin sa FN at iilan lang ang babaeng nag-react. Pero ang mga comment ay puro lalake. Na iisa lang halos ang sinabi. ( Ako na lang gorgeous ) with heart sa mata pa na emoji.
Maya-maya ay napaangat ang ulo niya nang makitang may humintong motor sa harap ng bahay ng Adonis. At gano'n na lamang ang kakaibang kaba niya nang magtama ang mga mata nila. Natakot siya bigla nang makitang sobrang dilim ng mukha nito. Na akala mo ay parang leon na gustong-gusto na siyang lapain nang makita siya nito. Nakipagtitigan din ito sa kanya na sa tingin niya ay lumivel up pa yata ang galit nito nang makitang hawak niya ang phone niya.
Naisip niyang tumayo na at bumalik na sa kwarto dahil pakiramdam niya ay papatayin na siya sa talim ng mga tingin nito. Siguro naman ay tapos na ang mga kasamahan niya at nakatulog na ang mga ito.
Kaagad siyang tumayo at inirapan ito bago pumasok sa loob at mabilis na ni-lock ang pinto. Pakiramdam niya ay aatakehin na siya sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya nang makarating siya sa kanyang kwarto. Bigla na lang naisip niyang, hindi kaya si Adonis 'yon? Iyong nag-mad react at nag-comment? Kasi gano'n ang pakiramdam niya base na rin sa nakikita niya rito kanina.
Pero imposible. Pero bakit hindi? E, 'di ba nga ganoon ang lagi nitong trato sa kanya. Na akala mo ay may relasyon na sila. E, maliwanag pa sa sikat ng araw na wala naman sila. Oo, may nangyari sa kanila pero hanggang doon na lang 'yon. Period.