“You don't love someone because they're perfect, you love them in spite of the fact that they're not.”
― Jodi Picoult, My Sister's Keeper
*****
Bago pa nakalapit ang kostumer na iyon ay nailayo na ng mga kaibigan.
"S-Sir..." halos utal kong bulong para mabitawan ni Sir Landon ang aking palapulsuhan.
Nakakunot noo itong pinasadahan ako ng tingin. Nailang ako sa hapit kong suot na medyo kita na ang kalahati ng dibdib ko.
"This is where you work?" tanong nitong nakakunot noo pa rin.
"O-opo" sagot ko ng marinig namin ang tawag sa kanya.
"Dude"
Napalingon kami pareho. Umabante siyang hinarap ang mga kaibigan, nanatili ako sa kanyang likuran.
"Kanina ka pa namin inaantay. Saan ka ba sumoot?" ani ng kaibigan niyang nakaakbay na sa isang kasamahan ko rin sa trabaho na bumati sa akin ng tahimik, mukhang palabas na rin sila ng club. Bumaling ng tingin si Sir Landon sa akin.
Napatungo ako. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya.
"Mauna na kayo, susunod ako" aniyang sinsenyasan ang kabigan.
"Pakibitawan ng kamay ko" ani kong pumiglas.
Bumitaw naman itong napahalukipkip ngunit humarang sa hagdan na daraanan ko sana.
"Alam ba ito ni Nanay Rina?" aniyang tanong. Umiwas ako ng tingin, hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya.
"Pasensiya ka na sa pagkakabunggo ko kanina, hindi ko iyon sinasadya" ani kong lalagpasan sana ngunit mas mabilis ang kamay niyang naibalik akong muli kung saan ako nakatayo.
"Answer me, alam ba ito ng Lola mo?" seryosong tanong nito.
"Alam ni Lola na nagtratrabaho ako" sagot kong sumalubong ang kilay nitong sumabad.
"Pero hindi niya alam kung anong klaseng trabaho diba?" aniyang tumaas pa ang isang kilay na parang nangungutya pa.
"Wala akong ginagawang masama dito" sagot ko.
"Really huh? With that skimpy outfit you're wearing?" aniyang muli.
"Ito ang uniporme namin, wala akong ginagawang masama dito" ulit ko.
Hindi ito umimik na tinitigan lang ako.Nakaramdam ako ng iritasyon sa titig niya.
"Look, hindi ko kailangang magpaliwanag sayo. Wala akong responsibilidad na magpaliwanag sayo" ani kong hindi ko na napigilan ang iritasyon at nilagpasan siyang muli.
Dumiretso ako ng lakad habang rinig ko ang mahina niyang mura.
"Reece!"
Hindi ko iyon pinakinggan.
"Ayos ka lang?" mahinang tanong ni Trina.
Tumango ako. Tumingin ako sa orasang halos patapos na rin ang shift ko, wala akong ideya kung lumabas na si Sir Landon ng Club.
Sumabay ako kay Trina palabas ng staff exit sa likod.
*
"Oh napauwi ka apo?"
"Namiss ko po kayo eh" sagot kong yumakap sa kanya.
"Ang dami mong dala" puna niya sa ibang pinamili kong kailangan sa bahay.
"Yung iba po para sa project nina Russel" sagot ko.
"May problema ba Reece? Bakit ka nauwi ng ganitong araw?" tanong ni Lola na sinundan ako habang nagliligpit ng mga pinamili ko.
Napahinga ako ng malalim. Pagkatapos ng insidenteng iyon sa club noong isang gabi ay hindi na ako masyadong mapakali. Maigi na lamang din ay wala akong schedule na maglinis sa condo niya. Alam kong hinuhusgahan na niya ako sa isip niya. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya, hindi lang ako mapalagay sa dahilang ayaw kong malaman o makarating kay Lola o sa mga kapatid ko kung saan ako nagtratrabaho. Masyadong mahina ang puso ni Lola para mag isip pa, at panigurado akong mag iisip si Makoy na titigil sa pag aaral sa oras na malaman niyang nahihirapan ako sa trabaho.
"Reece..."
Ngumiti akong humarap kay lola, bakas na rin sa mukha niya ang pagtanda at medyo panghihina.
" La, wala po... masama bang dalawin kayo anumang oras na gusto ko?" suyo ko.
"Hindi naman kaya lang kilala na kita, umuuwi ka dito ng wala sa oras kapag may bumabagabag sayo" ani ni Lola na napangiti ako. Kung merong higit na nakakilala sa akin ay siya iyon.
"La, wala po pangako tsaka na mimiss ko po kasi ang mga kapatid ko lalo na po kayo" ani kong angkla sa kanya.
"Sigurado ka apo? Nahihirapan ka na ba?" aniyang muli na umiling ako.
"Okay na okay po ako... basta ayos kayo ay okay na ako doon" sagot ko.
"Ate!"
"Bunso" bati ko sa bunso kong kapatid. Umamba ito ng yakap na mabilis kong kinarga.
"Ang bigat mo" tawa ko.
"May pasalubong ako Ate?" aniyang tinanguhan ko.
Tinuro ko ang mesa, mga paborito niyang tinapay.
"Wow! Ang sarap niyan!" aniyang mabilis na nagpa baba.
"I love you ate! Ikaw ang the best ate in the world!" aniyang napailing ako ng tawa.
"Russ, ako talaga kasi ako lang ang ate mo" ani kong lumuhod sa harap niyang hinaplos ang ulunan niya.
"Sinong sumundo sayo?" tanong ko.
"Si Kuya Ringo po, pinauna lang po ako may inutos daw si kuya Makoy sa kanyang bibilihin sa tindahan" aniyang umupo na sa mesa.
"Dahan dahan , wala kang kaagaw" ani ko.
Napangiti akong pinapanood ang kapatid kong kumakain.
"Kayo La, okay naman po kayo dito?" baling ko kay Lola na tumango naman ito.
"Mga disiplinado ang mga kapatid mo" tugon niya.
Si Makoy ang sumunod sa akin na mas bata lang ng dalawang taon, na sinundan ni Ringo na nasa huling taon ng elementary at si Russel na anim na taon pa lang.
"Matutulog ka ba dito?" tanong muli ni Lola.
"Opo, luluwas po ako bukas ng maaga" sagot ko.
*
"Reece, padala na lang ito sa itaas" ani ng bartender namin.
Kinuha ko iyon mula sa kanya. Maaga pang walang masyadong kostumer at hindi naman iyon sa VIP na kwarto kundi regular lang na mesa sa itaas.
"Here's your order Sir-" lapag ko sa inumin sa mesa na napatingin sa kostumer. Kunot noo itong humawak sa palapulsuhan ko.
Si Sir Landon.
"Bakit hindi ka nagpunta sa condo kahapon?" salubong na kilay nitong tanong.
"Huh?"
"Sa condo, bakit wala ka sa condo kahapon?" iritang ulit nito.
"H-hindi ko po schedule na maglinis sa condo ninyo kahapon" sagot kong napahinga ito ng malalim.
"Quit this kind of work Reece" aniyang umiwas ng tingin na bumitaw sakin at sabay lagok sa inumin niya.
"Ano?"
Umiling ito.
Napahinga ako ng malalim na iniyakap ko ang tray sa dibdib ko.
"Hindi alam ng Lola mo ito diba?" aniyang tanong ng katulad ng dati.
Hindi ako umimik, medyo nakaramdam na rin ako ng iritasyon sa pakikialam niya.
"Si Mommy siguradong hindi rin alam ang ganitong trabahong pinapasukan mo" aniyang muli sabay lagok ng iniinom niya.
"Sir mawalang galang na po, labas kayo sa personal kong buhay o trabaho, wala akong ginagawang masama-" ani kong sumabad ito ng agaran.
"Wala? Ilang beses ka na bang nabastos dito sa suot mo? Pinagpyepyestahan ang lantad mong balat, yun ba ang gusto mo? At hindi lingid- " aniyang hindi itinuloy ang sasabihin niya.
Napaiwas ako ng tingin.
"Malapit si Mommy sa Lola mo-" aniyang sinabaran kong muli. Ayaw ko ng marinig pa ang susunod niyang sasabihin.
"Wag mo akong husgahan, hindi mo ako kilala" iling kong bumalik ng counter.
"Pwede bang dito muna ako sa ibaba?" pakiusap ko sa isang kasamahan ko.
"Oh, nakita mo na ba si Mr. Pogi? Hinahanap ka nun kahapon pa" ani ni Trina.
"Kilala mo ba yun?" tanong niyang muli.
"Oo" sagot ko. Maigi na lamang din at hindi na nag usisa pa si Trina. Hinayaan niya akong tumao sa baba ng Club.
Mas maingay sa ibaba at madami ang kostumer. Mayroon na rin iba sa kanila ay wala sa sarili dahil sa kalasingan.
Hanggang natapos ang shift ko ay hindi ko na rin inalam kung naka alis na si Sir Landon.
"Mauna na ako Trina" paalam kong tumango ito.
Nagsuot ako ng dyaket, lagpas alas dos na ng madaling araw.
May mangilan ngilang kostumer din na halos pasuray suray sa labas.
Napailing ako. Sanay na ako sa ganitong tagpo. May mga gamit akong pangtanggol sa sarili sa loob ng bag ko. Pepper spray, gunting, at swiss knife.
"Miss! Miss!" rinig kong tawag sa akin ng isang costumer. Inignora ko lamang ito, halata naman dala lamang iyon ng kalasingan.
Umiwas ako ng direksyon ng may humintong magarang sasakyan sa harapan ko, na kung hindi ako nagkakamali ay kaparehong sasakyan ni Sir Landon.
"Get in" utos nito. SI Sir landon.
Napakunot noo akong tatanggi sana.
"Miss! Miss!"
"Get in Reece!" iritang utos muli ni Sir Landon.
Napahinga ako ng malalim.
"Ang tigas ng ulo mo! I said get in Reece kung ayaw mong makarating ito sa Lola mo!" halos sigaw niya. Wala akong nagawa kundi sumunod.
Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan niya.
"Yan ba ang gusto mo? Na hinahabol habol ng kostumer tuwing uuwi ka?" iritang sambit nitong muli.
Hindi ako umimik, ayaw kong makipagtalo.
"Quit that work Reece" aniyang muli.
"Hindi pwede, kailangan ko ang trabahong iyon" sagot kong napatingin sa labas.
"Work in my-" aniyang sasabaran ko sana ng tumunog ang telepono ko.
Si Makoy. Ang lakas ng t***k ng puso kong makitang siya ang caller, dis oras na ng gabi!
"Makoy"
"A-Ate" aniyang medyo tuliro.
"So Lola po eh" patuloy niyang lalo akong kinabahan.
"Anong si Lola?"
"Nasa ospital"
"Ano?! Saang ospital?!" halos taranta kong sagot.
"Dinala po namin kanina, nagka chest pain po eh, hirap din daw huminga" aniyang muli sa kabilang linya.
"Sige, text mo sa akin yung address, uuwi ako ngayon din" sagot ko.
"What happened?" gulat akong nawala sa isip ko ang presensiya ni Sir landon.
"U-uhm, pwede po bang ibaba mo na lang ako diyan sa sakayan pauwi sa amin?" nagmamadali kong pakiusap.
"Why?anong nangyari?"mas mahinahon nitong tanong na malayo sa argumento namin kanina.
"Kailangan kong makauwi" sambit kong binasa ang text ni Makoy, alam ko ang ospital na iyon.
"Why?"
"Naatake daw si Lola" tugon ko.
"Diyan na lang Sir sa tabi" turo ko ngunit lumagpas kami.
"Ihahatid na kita doon" aniyang nakatuon ang mata sa daan.
***
"Salamat Sir" ani ko ng naihatid ako ng agaran sa ospital. Kahit anong tanggi ko ay wala rin akong nagawa ng magpilit siya, bagkus nagpasalamat na lamang ako. Malaking bagay ng nakarating ako ng ospital agad.
"Take this" aniyang abot sa wet wipes ng akmang pababa ako ng sasakyan niya.
Kinuha ko iyong nagtatanong sa mata kung para saan iyon.
"Punasan mo iyang make up mo, masyadong makapal, magtatanong ang Lola mo bakit ganyan ang ayos mo" masungit na sagot nito.
"Salamat" tugon ko.
"Susunod ako, magpapark lang ako ng maayos" aniyang muli.
"Uh, hindi na po, salamat na lang sa paghatid"
"I want to see Nanay Rina too" masungit na sagot nitong muli.
"Ate!"
"Si Lola?"
"Nasa ER pa ate, pero nakausap ko po yung doctor baka daw po i admit si Lola para makabitan ng monitor" ani ni Makoy. Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin, ang kakabitan ng monitor si Lola ng bente kwatrong oras.
Sinilip ko si Lola, nakapahinga siyang nakapikit.
"Sina Ringo at Russel?" baling ko kay Makoy.
"Na kina Tita Letty po" sagot niyang tukoy ang Mama ni Noreen.
Tumawag rin si Noreen marahil nabalitaan niya kay Tita Letty.
"Dito ka muna, aayusin ko lang ang admission ni Lola" utos ko kay Makoy.
Pagbalik ko sa ER ay tanaw ko ng kausap ni Makoy si Sir Landon.
"Ate"
Napatingin ako kay Sir Landon.
"I talked with the doctor, mild lang daw ang kay Nanay Rina, anticipated na rin daw dahil sa pagkaka opera nya nuon" aniyang baling sa akin.
"Oo, alam ko na po yun. Kakalagay lang po kasi ng stent niya" sagot ko.
"Ate..."
"U-uhm, Siyanga pala kapatid ko" pakilala ko kay Sir Landon.
"Boss ko, anak siya ni Mam Cielo" baling ko kay Makoy.
"Nagpakilala na ako" sabad ni Sir Landon.
Tumango lang naman si Makoy. Umiwas ako ng tingin sa kanya, ayaw kong tanungin niya ako kung bakit kami magkasama ng dis oras ng gabi.
"Umuwi ka muna, ako na ang bahala kay Lola" utos ko sa kapatid ko.
"Papaano ka Ate?"
"Hindi muna ako papasok, ididischarge din naman agad si Lola" sagot ko.
"Okay, babalik ako mamya pagtapos ng klase ko" aniyang tinanguhan ko.
Tinanaw ko ng tingin si Makoy palabas.
"U-uhm, ikaw din Sir ...salamat nga po pala sa paghatid" ani kong hindi siya umimik na nakapamulsa lang.
"Mamya ako aalis kapag medyo maliwanag na" seryosong sagot nito.
Napatango ako.
Napaupo ako sa bangko. Ramdam ko ang paglundo ng bangko.
"Are you worried?" mahinang tanong sa akin.
"Oo naman, pero naipaliwanag na kasi ito ng doctor nuon, may magiging pagkakataon daw na magkakachest pain si Lola" sagot kong napabuntong hininga.
"Bawal sa kanya ang stress at paggawa ng mabigat, kaya ako ang pumupuntang maglinis sa condo mo, nahihiya si Lola kay Mam Cielo na nag bibigay pa rin ng sweldo niya" sagot ko.
Hindi ito umimik na idinantay ang siko sa tuhod niya habang nakaupo.
"Nakikiusap ako, pwede bang wag mo ng babanggitin kay Lola kung saan ako nagtratrabaho?" baling ko.
Napahinga ito ng malalim.
"Quit that work Reece, alam mong-" matigas na sagot pa rin nito.
"Naipaliwanag ko na di ba?" iritang sagot ko.
"I'll help you out, work in my company" aniyang sagot.
"Huh?"
"Work in my company, PA ko or assistant ng secretary ko" diretsong sagot nito.
"Ha?"
"Part time lang ako doon sa Club, depende sa oras ko" paliwanag ko.
"Then work part time" aniyang muli.
Hindi ako nakaimik.
"W-wala akong alam sa secretarial jobs" sagot kong muli.
"It will not be a hard task, marunong ka namn sigurong gumamit ng computer o sumagot ng telepono" seryosong saad pa rin nito.
"Oo marunong ako sa Microsoft office" sagot ko.
"And you will work directly to me, I mean hindi mo na kailangang dumaan ng HR, sekretarya ko na ang bahala sayo, sa payroll and everything" aniya pang muli.
"May klase ako sa umaga, minsan hapon"
"It's okay, kung ano na lang ang pwede sa schedule mo"aniyang sumulyap sa gawi ko.
Hindi ako nakaimik.
"Think about it, it is far better than that shitty club you're working at" masungit na sambit nitong muli.
"Pag iisipan ko po" ani ko.
"...sisiguraduhin kong mas mataas ang sasahurin mo kaysa sa club na iyon" aniya pang muli.
"Baka kasi hindi ko mapanindigan ang oras, nag aaral din ako at student assistant din ako sa eskwelahan" matapat kong sagot. Ayaw kong maging unfair sakanya at sa kumpanya niya.
"Then give me your schedule, I'll see what I can do" aniyang sumulyap uli sa gawi ko.
"Wait... hindi ba every other day ka lang nagliligpit sa condo ko?" aniyang muli.
"Opo"
"Then make it everyday, yung oras na hindi ka na pwedeng pumasok sa office, sa unit ko na lang" aniyang muli.
"Huh?"
"Would that be okay?" aniyang sandal sa bangko.
"H-hindi ko alam, kasi naglilinis lang naman ako doon para kay Lola" sagot ko.
"Ayokong umabuso ng tao" sagot ko.
Napahinga ito ng malalim.
"Walang inaabuso dito Reece, magtratrabaho ka naman" seryosong sagot nitong muli.
"P-pag iisipan ko po"
Naalimpungatan akong nagising sa mahinay na haplos sa ulunan ko.
"La"
"Gising ka na" medyo mahinang tugon ni Lola.
Napalingon ako sa likuran ko kung saan ko iniwan na nakaupo si Sir Landon kaninang umaga.
"Si Landon ba hinahanap mo? Nakaalis na, hindi ka na niya ipinagising" ani ni Lola.
Napatango akong pansin ang pagkain na nasa mesa rin.
"Iniwan ni Landon kanina iyan"
***