Nakapalumbaba ako sa dining table habang bnakatingin lang ako kay Creighton na naghahanda ng aming snack. Nakataas ang aking buhok at nakasuot ako ng kanyang white button shirt na hindi na niya ginagamit. Katatapos lang namin magbabad sa hot tub sa labas ng bahay. It was a romantic night for us. Tahimik lang at kaming dalawa na nagkukwentuhan. There’s some teasing and flirting but we really enjoyed ourselves. Pagbalik namin sa loob ng bahay, maedyo nagutom ako kaya gumagawa na siya ng sandwich ngayon. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na titigan lang siya. He occupied my mind already na kahit nasa kabilang side lang siya ng bahay ay gusto ko siyang makita parati. Gusto ko siyang puntahan sa kanyang office and spend time with him. Pero ayoko naman na hindi sundin ang kanyang bilin lalo

