Chapter 2

1469 Words
One Week Earlier Napaawang ang aking mga labi at natulala ako nang makita ang malaking mansion na nasa aking harapan. Sobrang laki at ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagarang bahay sa buhay ko. Binaba ng driver ang mga dala kong gamit at nagpasalamat ako sa kanya. Nagbayad na ako ng aking pamasahe at umalis na ito. Tiningnan ko ulit ang address na binigay sa akin at tama naman ako. Dito talaga ako magtatrabaho?! Bigla tuloy akong kinabahan. Nanginginig ang aking kamay na pinindot ko ang doorbell. Bahagya akong nagulat nang makita ang isang matandang babae na sumulpot sa maliit na screen. “Hello po! Ako po yong bagong maid!” sabi ko sa speaker. May narinig akong nag-beep at bumukas ang malaking gate. Kinuha ko naman ang naglalakihan kong mga bagas at luamakad na ako papasok. Napalingon pa ako nang makitang automatic na sumara ulirt ang gate. May nakita akong magarang sasakyan na naka-park sa tabi. At mas lalo akong namangha nang makalapit na ako sa bahay, no, isang mansion. Bumukas ang pinto at nakita ko ulit ang matanda na nakita ko sa screen. “Cecily Prado?” tawag nito sa akin at tumango ako. “Pasok ka.” agad naman akong kumilos at sinundan ko siya. Napaawang na naman ang aking labi nang makita ang loob ng mansion. Ni hindi ako nagtangka na humawk ng kahit na ano at baka madumihan ko pa. Ang mamahalin ng mga itsura ng gamit rito at ang lawak pa. The design is so modern, sophisticated and has an airy ambiance. Ang taas ng ceiling na may mga layered na ilaw na pabilog,. Yong mga furnitures at sculptures, abstract, at may mga indoor plants pa. Magaan sa mata ang kulay ng bahay tsaka yong staircase, kulay white pa talaga. Ang ganda naman dito! Sana magtagal ako, at sana mabait ang amo ko! “Welcome to Ackermann mansion at simula ngayon dito ka na magtatrabaho. Wala naman masyadong ibibilin. May experience ka na sa pagiging katulong, hindi ba?” “Yes po, ma’am.” sagot ko. “Matagal na akong nagtatrabaho rito at dahil gusto na ng mga anak ko na mag-retire ako, naghanap ako ng kapalitan. Hindi naman masyadong mahirap ang mga gawain rito. Dalawang tao lang ang nakatira rito, si Sir Jeremy at ang kanyang anak na si Ma’am Klensy. Sila ang magiging amo mo. Mabuti silang mga tao at may pagka-strict lang si Sir Jeremy. Basta’s susundin mo lang siya at hindi gagalawin ang kanyang mg agamit, magiging okay lang ang lahat. Nabanggit na kita sa kanya. Sa ngayon, wala siya at nasa kanyang trabaho. Sinabi niya sa akin na late siya makakauwi ngayong gabi.” “Basta sabihin niyo lang po ang mga kailangan kong gawin. Wala kayong magiging problema sa akin. Magaling akong maglinis ng bahay, at marunong din akong magluto.” “Alam ko, nakita ko sa resume mo. Ni-reccommend ka rin sa akin ng agency. Halika at ipapakita ko sa’yo ang magiging kwarto mo.” tumango ulit ako. Lumakad kami ulit at dinala niya ako sa sulok ng bahay. Binuksan niya ang pinto roon at pinapasok niya ako. Napa-wow ako dahil malawak ang kwarto, may malaking kama at aircon pa. “Ito ang magiging kwarto mo. Itabi mo muna ang mga gamit mo at ipapakita ko sa’yo ang buong bahay.” Mabilis naman akong kumilos at nilagay ang aking mga dala sa sulok. Lumakad na kami ulit at binigyan niya ako ng tour sa malaking bahay. Sinabi niya sa akin na wala akong magiging kasama at madali lang daw ang trabaho ko dahil na rin sa mga high tech na gamit rito. Tinuruan niya ako sa aking mga gagawin. Sinabi niya sa akin ang mga schedule ng aking amo. Pinakita niya sa akin ang mga kwarto nito at ang office ni Sir Jeremy na isa palang dean sa isang university. Habang naglalakad kami sa buong bahay, biglang dumating ang kanyang anak na pinakilala ako. She look so beautiful at isang taon lang ang tnada ko sa kanya. Nag-aaral ito sa university kung saan nagtatrabaho ang kanyang ama at freshman pa lang ito. Gusto ko rin sanang mag-aral ng kolehiyo kaya lang wala akong budget para doon kaya nong mag-graduate ako ng high school, nagtrabaho na kaagad ako. Mukhang mabait naman ito at hindi ako sinungitan. Pero agad itong pumunta sa kanyang kwarto para makapagpahinga. Nang hapon na, tinulungan ko ito na magluto nhg dinner. Nagda-diet ang dalaga kaya naman binilin siya sa akin na hindi lang puro meat ang lulutuin ko. Kaya naman nag-decide ako na mag-research mamayang gabi kung ano bang kinakain ng mga nagda-diet. Nagtataka nga ako, eh, kasi maganda naman ang katawan nito. Masaya ako at kumain naman ito. Sinabihan pa kami na saluhan ito dahil nag-iisa lang ito. Nang matapos na lahat ng trabaho ko sa gabi, it was 11PM nang bumalik na ako sa aking kwarto. Naligo ako, at sinimulan ko munang ayusin ang aking mga gamit. May malaking cabinet roon at may plastic drawers pa na may salamin sa top. Nang matapos ako, bgasak akong humiga sa kama. Pero hindi ako makatulog dahil naninibago ako. Isa pa, may sarili akong aircon at banyo. How amazing is that! Sa dati kong pinagtatrabahuhan, tatlo kaming maids, maliit ang kwarto at naka-electric fan lang kami. Para sa akin, parang luxury na rin ito sa akin. Tumingin ako sa oras at past 12 na. Pero nauuhaw ako kaya lumabas ako at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa malaking ref at nagsalin ako sa isang baso. Bigla akong natigilan nang may marinig akong ungol. Tumingin ako sa paligid ko. Hindi naman gaanong madilim kasi nakailaw yong taas ng stove. Hindi ko na lang ito pinansin, pero natigilan ulit ako nang makarinig ulit ng ungol. It sounds like a woman. Ngayon sunud-sunod na. Namilog ang aking mga mata. Oh my god! Huwag mong sabihin na may multo rito! Kinuha ko ang aking baso at lumakad ako papunta sa living room kung saan ko naririnig ang ungol ng babae. Pero imbes na multo ang aking nakita, kakaiba ang nasasaksihan ng aking mga mata. Mula sa dim light ng living room naaaninag ko ang dalawang bulto ng katawan sa malaking couch. Marahas silang naghahalikan. Ang ulo ng lalake bumaba sa leeg ng babae habang nilalamas niya ang dibdib nito. Natulala ako at hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Naghiwalay sila at nagsimulang tanggalin ang kanilang mga damit. Nadulas ang baso mula sa aking kamay at bumagsak ito sa sahig. Nag-cause ito ng ingay at napalingon sa akin ang dalawa. Para silang mag teenager na nahuli habang nakatingin sila sa akin. “Sorry! Sorry po!” sabi ko. Lumuhod ako at sinimulan na pulutin ang nabasag na baso. Binilisan ko ang aking kilos dahil sobrang nakakahiya! Mukhang siya yong amo kong lalake! Oh no! Kakarating ko pa lang rito at mukhang matatanggal kaagad ako. Gusto ko ng umiyak ng mga oras na ‘yon pero pinigil ko ang aking sarili. Napangiwi ako nang mahiwa ang aking daliri. Nakita kong dumugo ito kaya naman nilagay ko ito sa aking bibig at sinipsip. Natigila na naman ako nang makita ang dalawang paa sa aking harapan. “Hey, stand up.” utos ng lalake. Napalunok naman ako at unti-unti akong tumayo na nakayuko. “Ikaw ang bago naming maid?” tanong niya at tumango ako. “Sorry po talaga, Sir! Hindi ko alam… Sorry po talaga! Huwag niyo po akong tanggalin! Hindi na po ito mauulit!” pinagdikit ko pa ang aking mga palad para magmakaawa rito. “Cecily…” tawag niya sa akin pangalan. Nanginig ang buo kong katawan sa pagbanggit niya ng aking pangalan. Tumingin na ako sa kanya at muntik na akong mahimatay sa kaharap ko na lalake. Sobrang ganda niyang lalake! Malaki ang kanyang katawan. Bakat na bakat ang kanyang muscles sa suot nitong suit. He has this piercing light blue eyes, thick eyebrows, black short hair na medyo magulo na. He reeks an air of masculinity and it makes me queasy on the inside. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Naalala ko na nakasuot lang ako ng manipis na pantulog na kulay white. Nakakahiya talaga! Tinakpan ko ang aking sarili, although may suot ako, wala akong bra kaya halata ang aking n1pples. “Sir, please… Sorry talaga…” naiiyak ko ng sabi sa kanya. “It’s okay… nakalimutan ko na may darating palang bagong katulong. Clean this up at matulog ka na.” pagkasabi nito, tinalikuran na niya ako at umakyat na ito sa taas. Napansin ko na wala na ang babae. Mukhang umalis na ito. Tinapos ka na ang aking paglilinis at sinigurado na naka-lock ang pinto. Bumalik na ako sa aking kwarto at pinagalitan ko ang aking sarili habang nakahiga na ako sa kama. Naku! Feeling ko matatanggal talaga ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD