Chapter 4

1417 Words
Pang-apat na araw ko sa pagtatrabaho dito sa malaking bahay at gaya nga ng sinabi ni manang, hindi ako mahihirapan. Sa totoo lang, mas nage-enjoy ako sa pagtatrabaho rito. Tatlo lang kami dito sa bahay at madalas wala silang pareho. Busy si Sir Jeremy sa kanyang trabaho bilang Dean at ang kanyang anak naman ay busy din sa kanyang pag-aaral. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa weekends, baka nandito sila o lalabas si Ma’am Klenzy kasama ang kanyang mga kaibigan. Laging naghaharap ang mag-ama tuwing breakfast at dinner at malimit lang silang mag-usap. Hindi ko alam, pero ramdam ko na may gap silang dalawa. Dahil siguro wala na ang asawa ni Sir Jeremy, hindi naman sa patay na pero ang alam ko, hiwalay na sila at may bagong pamilya na ang asawa nito. Ito talaga ang bagay na hindi ko maintindihan. Sobrang gandang lalake ni Sir. Mayaman, tapos may mataas pa siyang posisyon sa trabaho. Nakikita ko na marangya ang kanilang pamumuhay, pero ano kayang nangyari at naghiwalay silang mag-asawa? Sayang naman talaga! Sana ako na lang ang naging asawa! “Ay! Ano ba tong iniisip ko?!” sabi ko sa aking sarili. Napatingin ako sa aking niluluto at tinikman ko ito. Nang okay na ang timpla nito, in-off ko na ang stove. Nagsimula akong gumawa ng salad para sa aking dalagang amo. Bakit ba siya nagda-diet kung ang sexy naman ng katawan niya? Dalawang klaseng pagkain ang niluluto ko dahil ang gusto naman ni Sir Jeremy ay lutong bahay at dapat palaging may rice. My gosh! Madaming kinakain ang lalakeng ‘yon, pero ang ganda pa rin ng katawan niya! Wala namang nangyari katulad ng una kong araw rito. Hindi ko alam kung may dinadala pa siyang babae dahil hindi na ako lumalabas pag malalim na ang gabi. Baka hindi lang ‘yon ang masaksihan ko. Tumitingin pa kasi ng iba, eh, nandito naman ako! Gagawin ko pa for free! Ay, shet! Tumigil ka na, Cecily! Mawawalan na tlaga ako ng trabaho nito dahil sa pagnanasa ko sa sarili kong amo! Kinuha ko ang toasted croutons sa over at hiniwa ko ito ng smaller pieces. Sunod kong shrined ang boiled chicken at nilagay ko ito sa salad. Gumawa ako ng salad dressing at nilagay ko rin doon, tapos hinalo. I top it with the croutons and the salad is done. Nilagay ko ang ibang pagkain sa serving platter at hinain ko na ito sa dining table na naka-setup na. “Oh, I’m just on time. I’m really hungry.” bahagya akong nagulat nang sumulpot ang bata kong amo. “The salad looks good. Alam mo, gusto ko lahat ng niluluto mo para sa amin. Manang did well sa pagbilin sa’yo.” ngumiti ako at nagpasalamat. “Kung may gusto po kayong lutuin ko, sabihin niyo lang sa akin.” sabi ko sa kanya. “Sure, but I like what you cook. At mukhang gano’n din ang Papa ko.” umupo na siya sa harap ng mesa. Natuwa ako sa huli niyang sinabi. Napansin ko nga parang maaga na umuuwi si Sir Jeremy at never siyang nag-miss ng dinner even once. Bumalik ako sa kusina para kunin ang pitcher ng malamig na tubig. Lumabas ulit ako at bahagyang natigilan nang makita na ang lalake kong amo. Nakasuot siya ng white shirt at black sweatpants at kakaligo pa lang. Naglagay ako ng tubig sa kanilang baso at akmang aalis ulit nang tinawag ako ni Klensy. “You should join us, Cecily. Dadalawa lang naman kami ni Papa rito. Upo ka na.” “Ha? Huwag na po. Mamaya na po ako kakain.” “Sit down.” utos naman ni Jeremy. Agad ko itong sinunod at umupo na rin ako sa harap ng mesa. Napansin ko na parang tumaas ng konti ang gilid ng kanyang labi. Naningkit ang aking mga mata habang nakatingin ako sa kanya pero umiwas din ako kaagad. “So, nalaman ko na mas matanda ka pala sa akin ng isang taon. Bakit hindi ka na nag-aaral?” tanong ni Klensy sa akin at tumingin ako sa kanya. “Wala po kasi akong pang-aral for college. Mas pinili ko na rin po talaga ang magtrabaho para maka-ipon ako at makatulong sa pamilya ko.” “Cecily, pwedeng alisin mo na yong po? I don’t want to be treated like an old person.” “Sorry, pasensya na. Nakasanayan ko na kasi.” at napakamaot ako ng aking ulo. “Nasa province ba ang family mo?” tumango ako. “You have a boyfriend na iniwan mo? Oh, baka magkasama kayong nagtrabaho rito sa city.” napailing ako. “Meron…” nagulat ako nang bagsak na binitawan ni Jeremy ang kanyang kutsara. Uminom siya ng tubig at matalim siyang tumingin sa akin. “Hiwalay na kami bago pa ako natanggap rito. Kaya sa ngayon, wala akong boyfriend. Baka matagal pa bago ako magkaroon ako ulit.” “Awww… Bakit naman? Niloko ka ba ng ex-boyfriend mo?” tumango ako ulit. “Well, he’s an idiot. Magnda ka naman, tasaka magaling ka pang magluto. It’s his lost. Marami pa namang lalake dyan. Ipakilala kita sa friends ko.” namilog nag aking mga mata. “Klensy…” tawag ng kanyang ama rito. “Your friends are not good guys either.” bahagya itong napatawa. “Anong bang type mo, Cecily? Are you into older men?” nasamid ako at agad akong uminom ng tubig. “I know someone who is still single. Tsaka matutulungan ka niya sa pag-aaral mo ulit.” pilit akong tumawa. Ang batang toh! Kung anu-anong sinasabi! Sa harapan pa talaga ng kanyang ama. “He can be your sugar daddy!” at napatawa ito. “Huwag kang magbiro ng ganyan.” natatawa ko ring sabi pero kinakabahan din dahil ang dilim ng mukha ni Jeremy. “Kain na lang tayo.” binigyan ko siya ng salad at nagpasalamat ito. Grabe! Iyon na yan yata ang pinaka-tense na dinner na naranasan ko. Ni hindi ko nga maluok ang pagkain ko dahil sa mga sinasabi ni Klensy. May kilala daw siya na mas matandang lalake? Sino? Ang Papa niya? Papayag ako kaagad basta gusto niya akong maging stepmother. Naku, Klensy naman! Kung anu-anong nilalagay mo sa utak ko. Wait nga lang, bakit ba kasi gano’n na lang ang tingin sa akin ni Sir Jeremy? Parang papatay na siya kanina, eh. Ano bang pakialam niya kung may boyfriend ako o wala? Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan namin. Nalinis ko na rin ang dining table kanina pa. Si Klensy naman nasa garden at kausap ang kanyang mga kabigan sa phone. Habang ang gawapo kong amo ay pumanhik na agad sa taas at mukhang pumasok sa kanyang office. Tapos na ako sa aking ginagawa nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at nagtaka sa number lang ang nakikita ko. Sinagot ko pa rin at baka ang magulang ko ito. “Hello?” sabi ko. “Nay? Ikaw ba toh?” “Cecily… Ako toh.” sabi ng lalakeng boses na pamilyar sa akin. “Kumusta ka na?” “Miguel?” nagtataka kong sabi. Siya ang ex-boyfriend ko na ayoko ng makita pa. Paano ba kasi?! Napakababaero! Kung hindi ko pa siya nakita na may kasamang babae, matagal niya pa akong mauuto. Walang hiya rin to, eh! Kasi nang magkatrabho ako, binibigyan ko rin siya ng pera. Ang tanga ko lang at minahal ko rin talaga ang lalang toh! “Paano mo nakuha ang number ko? At bakit mo ko tinawagan?” “Ito naman! Parang wala tayong pinagsamahan, ah! Gusto ko lang naman malaman kung ayos ka lang.” “Maayos na ko! Maayos ako simula nang maghiwalay tayo. Tigilan mo ko, ha!” “Talaga ba? Siguro may ibang lalake ka na dyan, ano! Tandaan mo, Cecily, akin ka lang!” napaikot ang aking mga mata dahil sa inis. “Ang kapal talaga ng mukha mo. Huwag mo kong itulad sa’yo. Wala akong lalake rito. At hindi na ulit ako magkakagusto sa ibang lalake dahil sa kagagawan mo.” pagkasabi ko nito, tinapos ko na ang tawag. Nagulat na naman ako nang makita ko si Sir Jeremy sa may pinto ng kusina. “Sir, kayo pala. May kailangan kayo?” “Make me some coffee at dalhin mo sa office ko.” tumango lang naman ako at umalis na siya. nNapahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa nerbyos ko. Ang lakas talaga ng kabog ng puso ko pag nandyan siya, eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD