“Bahay niya toh?” tanong ko sa aking sarili habang kaharap ko ang isang malaking bahay. Hinatiud ako ng isa sa mga driver ng aking amo rito para magsimula na akong magtrabaho sa kanyang kaibigan. Ayaw ko talaga ng una, pero nang sinabi ni Mariya na doble ang sahod, hindi na ako tumanggi pa. Basta lagi siyang wala sa bahay at hindi ko siya nakikita lagi. Kinuha ko ang ilang susi na binigay sa akin ni Mariya. Ito ang ginamit ko na pambukas ng gate at pati na rin ang pinto ng malaking bahay. Hindi siya kasing laki ng mansion ni Sir Killian, pero malaki pa rin para sa isang tao. Hindi na ako nagtataka kung bakit kailangan niya ng maid. Sakto lang pala ang doble na sahod dahil mukhang mahihirapan akong maglinis. Tuluyan na akong pumasok at tumigil ako sa paglalakad. Napakurap ako habang nakat

