Para kaming mga teenagers na nahuli habang magkatabi kami ni Jeremy na nakaupo ngayon sa couch. Nasa harapan namin si Klensy na nakatitig sa aming dalawa at walang sinasabi. Napatingin ako kay Jeremy na kalmado lang ang itsura at hawak niya pa ng mahigpit ang aking kamay. Nilalaro niya ang mga daliri nito at sa tuwing babawiin ko ito titingnan niya ako at tataas ang isa niyang kilay kaya hinayaan ko na lang siya. Sobrang init ng aking mukha at hindi ako makatingin ng diretso. Nakakahiya naman kasi dahil habang nasa guest room kami, nakauwi na pala si Klensy at syempre narinig niya kami. Gusto ko na lang na lamunin ako ng sofa ng mga oras na ‘yon. Inaalala ko nong una na baka umuwi na rin ang kanyang anak. Pero nawala lahat yon sa isip ko nang sabihin lahat sa akin ni jeremy ang true feel

