Nang magising ako ulit, nakita kong madilim na sa labas. Nakaharap kasi ako sa salamin kung saan nakikita ang garden. Kumurap ako ng ilang beses at naramdaman ko na may mainit na katawan na nakadikit mula sa aking likod. Hindi na ako lumingon para malaman kung sino ito. Sa laki palang ng katawan niya, at sa bagay na tumutusok sa aking katawan, natutulog sa aking tabi si Landon. Hays… Ano ba naman ito? Mukha kaming couple kung sakali man na may makakita sa amin. Pero ang sarap ng ganito, ah. Hindi naman siguro masama na hilingin na palagi kaming ganito. Gusto kong gumalaw at humarap sa kanya. Ayoko lang na magising siya. Gusto ko pang namnamin ang ganitong pwesto namin. Napangiti ako at sumiksik pa ako sa kanya pero bigla akong may na-realize. Sandali! Bakit ako nagiging ganito sa kanya?

