It was our first night on the island at ngayon lang kami lumabas ng aming suite nang magising kami pagkatapos ng ginawa namin sa kama. Ilang ulit namin itong ginawa hanggang sa napagod kaming pareho dahil na rin siguro sa biyahe. Nang magising kami, nagyaya siyang kumain sa labas. Nakasuot ako ng isang summer dress na binigay niya sa akin kanina lang at flat sandals. Nakalugay ang lagpas balikat kong buhok at naglagay lang ako ng lip balm sa aking lips. Samantalang si Landon ay parang lumabas sa isang fashion magazine sa kanyang itsura. Habang naglalakad kami sa lobby, napapansin ko na napapatingin sa kanya, hindi lang mga babae kundi mga lalake na rin. May nakita akong mga foreigner rito pero wala silang panama sa kagwapuhan ng kasama ko. Pumunta kami sa outdoor restaurant nang hotel at

