Nanginig ako pero hindi sa lamig kundi ang mainit na katawan na nakadikit sa aking likod at maging ang mainit na hininga na tumatama sa aking batok. Nanginig ako ulit at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Napakunot noo ako sa hindi pamilyar na kwarto. Napatingin ako sa malaking braso at kamay na nakayakap sa aking tiyan. Napaawang din ang aking labi dahil hubo’t-hubad ako. Kinagat ko ang aking labi dahil sa kirot sa buo kong katawan pati na rin sa aking gitna. Lumingon ako sa aking likod at muntik na akong mapatili sa tuwa nang makita ko si Creighton na mahimbing na natutulog. Kumurap ako ng ilang beses at pinindot ko ang kanyang pisngi. Oh my gosh! Totoo siya! Nagwawala ang isipan kongayon at tinitigan ko lang siya. Akala ko panaginip lang ang lahat pero hindi dahil so

